Chapter 20

2.2K 84 1
                                    


Inunat nya ang paa upang ihanda sa mahaba habang byahe.

Kahit lagpas sampung oras ang byahe, mas pinili nyang sumakay sa bus kesa mag eroplano.

Gusto nyang makapag isip isip at mapag isa.

Naalala nya na naman si Al.

Arghhhh, ayaw ko ng umiyak, nakakapagod umiyak.
Lalampa lampa ako pero hindi ako iyakin.
Kung pwede lang pasakan ng simento ang lacrimal gland ko matagal ko ng ginawa.

Mula ngayon hindi na ako iiyak.

Kinuha nya ang kanyang Iphone.

Makikinig na lang ako kay Lady Gaga.
Maganda ang bagong kanta nya ngayon yung Applause Applause Applause!

Mula kasi nung gamitin ni Leanne ang kanta ni Lady Gaga upang
pagaanin ang loob nya, natutuhan nya ng i-appreciate ang mga kanta nito.

He pressed the play button.

What would I do without your smartmouth
Drawing me in and it's kicking me out...

Arghhh, muling sumikip ang kanyang dibdib
Nang aasar ang kapalaran, gusto atang lagi akong masaktan.

Got my head spinning, no kidding
I can't pin you down

Gusto nyang istop ang kanta ngunit wala syang lakas para gawin ito.

My head's under water but I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind

Sabi ko hindi na ako iiyak, lacrimal gland maki sama ka naman

Cause all of me, loves all of you
Love your curves and all your edges

Napahagulhol sya habang nakatingin sa labas ng bintana ng umaandar na bus

Natigil si Kenny sa pag baba-taas ng balikat ng
maramdamang may isang kamay na dumampi sa kanyang balikat.

"Anak, ok ka lang ba?"
issang matandang babae sa kanya

Nakakahiya, kalalaki kong tao anlakas kong humagulhol.
Naistorbo ko ata.

Pinahid nya ang luha at tumingin sa matanda.

"Ok lang po ako."

"Heart broken?" tanong nito

Hindi sya umimik.

"Alam anak, ang pag ibig, kaakibat nyan ang kalungkutan.
Hindi ko ako makakapag payo direkta dahil hindi ko alam ang pinagdadaanan mo" anito

"Ngunit isa lang masasabi ko sayo, ang pag ibig ay pag papatawad.
Ang pag ibig ay pagtanggap." Ngumiti ito at sumandal, waring matutulog na.

Pag papatawad, pag tanggap.

Tama, papatawarin nya si Al, at tatanggapin ang mga nangyayari sa kanya ng walang kinikimkim na sama ng loob.

Hindi nya namalayan na nakatulog na pala sya pagod at kaiiyak.

al>

Mr. Wright (completed boyxboy)Where stories live. Discover now