"Parang ganun na nga. Kailangan, eh. Pag-uutos," aniya.


"All this time?" tanong ko. Kaagad siyang tumango. "Utos kanino? Don't tell me our parents are damn nasty and cruel?" diretso kong sabi na kaagad niyang kinaiirita. Kumunot kaagad ang kanyang noo, halos magkadikit ang kanyang mga kilay and he slightly clenched his fist on me. Tinaasan ko lang siya ng kilay and smirked. "You can't say anything right now, right? Bakit? You can't believe I'm saying these things to my own family, my own blood, right, Baste?" Hindi pa rin siya makapagsalita. "Hush now, my dear. Alam kong pinatay mo ang aking anak for a purpose." Shit, ang sakit. Sino bang ina ang may kayang sabihin ang katagang 'yun kaninuman? Wow. Gusto kong umiyak at mag-drama sa harapan niya ngayon, pero hindi pwede. Kailangan kong magtapang-tapangan ngayon, lalo na't this is for the betterment of everyone. I have to stop Baste and I have to let Goyo live.


"Pasensya na, Baste. But if you want to see my pleading for my life just because, hindi mo 'yun kailanman makikita at maririnig sa akin. Lalo na't pinatay mo ang aking anak sa aking sinapupunan. I knew from the very beginning na sooner or later ay papatayin mo rin ito, especially you knowing Goyo is fathering it. Nung nalaman ninyong dalawa ng walang kwenta mong kasabwat na kailangan niyong mag-proceed sa plan B, kaagad niyo akong sinet-up. You ordered Trisha to kill me that time, 'di ba?"


"Hindi, Mika. It was not my intention to kill you nor the baby. I tell you that!" halos pasigaw na sagot niya sa mga alegasyon ko. Napatayo rin siya when he said those words. He planted his hands on his waist and looking straight through me. Nakatingin rin ako sa kanya. Mata sa mata.


Hindi ko inasahang unti-unti ring tumulo ang luha ko. At hindi ko rin ito mapahid dahil sa nakagapos ako. "But you did, Baste. You killed my baby. Kahit nakagapos ako ngayon, ramdam na ramdam kong wala ng laman ang tiyan ko. My baby's gone. At ikaw ang may pakana. Hindi na 'yun mababago. Akala mo bang you already got my heart when you told me I was your younger sister? And you cried in front of me dahil pinaglaban mo ako? But the truth is, matagal na akong patay. When I knew my true identity, I already died. When I knew I have to kill the only man I love and the only man who accepted me for I really am, I already died, Baste. And that's the truth. Now, kinidnap mo ako para malayo sa kamay nina Zenon and Goyo thinking na mapipilit mo akong maisagawa ang misyon. Pwes, I tell you right here, right now, hindi ko gagawin 'yun. Naiintindihan mo, Baste. Hindi!"


When I said that, bigla siyang gumapang sa kama at umupo sa tiyan ko with his hands choking me. Nagngingitngit siya sa galit as he slowly tightened his grip. I started to feel losing my breath. "Hindi, pwede, Mika. You have to do it or I kill you!"


"Kill...me... right...now...Baste...kill me...now!" paulit-ulit ko 'tong sinabi habang sinasakal pa niya ako. "Patayin mo ako ngayon, Baste para .... Mawalang...silbi....na ang misyon," dagdag ko. Saka niya ako binitawan. Humihingal ako at napaubo ng malakas pagkatapos nun.


"Hindi mo gagawin ang misyon, Mika? 'Yan ba ang gusto mo?" Tumango ako sa kanya. He smirked. Naluhod pa rin siya sa ibabaw ko habang may kinuha siya sa bulsa ng kanyang dark blue denim pants. His phone. He dialed something and called someone. "Hello, ipasa mo ang telepono sa mga 'yan!" Kinalaunan ay ni-loud speaker niya ito at ipinarinig sa akin ang kaibilang linya.


"...Mika! Aray...Ah! 'Wag kang magpapaniwala sa Basteng 'yan!" sabi ni Zenon habang umuungol sa sakit ng tunog latigo. Nagulat ako. My gosh, ano'ng ginawa niya sa kanya? Bakit siya ginanun? Hindi ba siya pinrotektahan ng kanyang mga body guards? Eh, sa sandamakmak niyang butlers at security buddies, na-kidnap pa rin siya ni Baste?

30 Days With Mr Weirdo ☑️Where stories live. Discover now