Kabanata 34

909 44 0
                                    


"Mika, hindi ka ba kakain?" tanong ni Baste sa akin sa hapag-kainan. Nakaupo ako sa kanyang harapan, ni hindi ginalaw ang pagkain sa mesa. Paborito ko ang pinakbet pero nandahil sa mga nalalaman ko ngayon ay nawalan ako ng gana. Sobra. 


Hindi ako umiling bilang tugon sa kanyang tanong. Bagkus, nakatitig lang ako sa pagkain with face down. "Alam kong mahirap tanggapin ang lahat, Mika. Alam kong sobrang bigat nitong nalaman mo ngayon. But if you open your heart to it, I guess it would be easier to accept everything. I know na medyo awkward pa rin na tawagin mo akong kuya and considering my parents as your biological parents. Pero you know what, Mika, you can't do anything but to accept ang lahat-lahat ng ito. Kasi andyan na, eh. Kahit nga ako na sobrang nahihirapan na for the longest time now, walang magawa," aniya.


Tama nga naman si Baste. Wala akong magawa sa mga nalaman ko ngayon. Pero ang biglaang pagbabago sa pananaw ko base sa katotohanan ay masyado pang mahirap gawin. Duh, sino ba naman ang magnanais na maging ampon, believing they left for you all your life tapos wala kang kaalam-alam na andiyan lang pala ang totoo mong pamilya sa tabi mo? Masakit, 'di ba?


Sikreto kong hinimas ang tiyan ko sa baba ng mesa. Para hindi mahalata ni Baste. Baka magmamaktol ito 'pag nalaman niyang buntis ako sa lalaking nakatakda kong patayin soon. Ang sakit. Sa pagbuntong-hininga ko na lang na-e-express lahat ng saloobin ko without a slight of hint of tears sa mga mata ko. Feeling ko naubos na lahat ito sa pagwawala ko kanina.


Kinalaunan, natapos nang kumain si Baste. Saka siya tumayo para tumungo sa lababo. Ako nama'y tumayo patungo sa hagdanan. Umiwas ako ng tingin sa kanya, ni hindi ko siya tinignan sa pagtalikod ko. Bago pa ako makahakbang sa unang hagdan ay tinawag niya ako. "Mika, kahit nasaktan ka ng sobra ngayon, alam mong importante pa rin ang maisagawa ang nakatakdang misyon mo. Whether you—"


"Ganun na ba talaga kalupit ang tadhana?" I interrupted. With face down.


"Ha? Ano'ng sabi mo?" tanong ni Baste. Siguro dahil sa halos pabulong kong sabi ay hindi niya narinig ang sinabi ko. Humakbang siya papalapit sa akin pagkatapos niyang tinurn-off ang faucet para sana hugasan ang mga pinggan. Sumandal siya sa wooden handle ng hagdanan at tumingin sa akin. "Sorry, but I didn't hear you. Ano'ng sinabi mo?"


"Wala. Guni-guni mo lang 'yun, Baste. Anyway, akyat muna ako. Kailangan kong magpahinga," sabi ko. Tumango na lang siya at bumalik sa kusina para hugasan ang mga pinggan at linisin ang mesa. Kabilang 'yung sa aking hindi nagalaw kahit isang kutsara ng kanin.


Pumasok ako sa kwarto at kaagad isinara ang pintuan. Pagkatapos ay unti-unting pumatak ang mga luha sa aking mga mata at napasandal sa pinto. Tinakpan ko ang aking bibig saka ko hinay-hinay na napaupo sa sahig, nakasandal pa rin sa pintuan. Humahagulgol ako sa kalupitan ng buhay ko, lalo na nung nalaman ko na ang kabuuan ng aking pagkatao.


Isa pala akong Bernal, dakilang ampon ng mga Garcia.


Saka isa-isa nag-re-replay sa isipan ko ang mga alaala ko sa aking pagkabata na masayang kasama ang inakala kong totoong pamilya.


***Flashback***

"Mika, halika," tawag ni dad sa akin nung limang-taong gulang pa ako. Pilit kong tumakbo papalapit sa kanya with my little steps ng mabilisan. With a huge smile on my face, inakap niya ako at kinarga sa kanyang mga braso. "Gusto mo ng laruan, baby Mika?" tanong niya sa akin. Tumango ako, saka niya ako dinala sa kuwartong punong-puno ng mga laruan.

30 Days With Mr Weirdo ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon