Kabanata 5

2K 90 12
                                    


Nagdali-dali akong magbihis para mag-grocery habang tulong pa 'tong mokong na 'to. Ang himbing-himbing ng tulog niya sa kwarto ni kuya though balot ng gauze bandange ang kanyang balikat.


Pagkalipas ng 30 minutes, nakauwi na ako sa bahay with my big recyclable grocery bag. Tulog pa rin si Mr. Weirdo. Isa-isa kong inilabas ang mga binili kong gulay, isang tray ng itlog, mga pakete ng ramyon, at ilang 1.5 L ng tubig.


Kinalaunan, nagising na rin siya. Lumingon ako. Nilapitan ko siya. "Hoy, ba't ka bumangon? Dun ka lang muna sa kwarto. Magpahinga ka." Umupo siya sa sofa at huminga nang malalim. He slightly pressed his wound. Tapos hinihimas niya 'yung gauze bandage. 'Kala niya siguro piraso yun ng tela. Ngayon lang ba siya na nakakita ng bandage?


Tinutukan niya ako. Ayan ka na naman sa malagkit mong tingin. Shit. Please 'wag bago pa ako mahihimatay. "Di ako nakarating sa amin."


Nagulat ako sa sinabi niya. Bigla akong nag-alala. "Bakit?" 


"Di ko alam ang paroroonan ko. Di ko alam kung paano papunta 'run. Di ko na alam ang mga kalsadang di na mapuputik tulad ng nakagisnan ko. Nilakad ko ang mga daan patungong Bulacan---"


I interrupted. "Ano baka mo? Nilakad mo ang Bulacan?" Gusto kong tumawa pero parang di pwede. But I still can't hold of myself. I giggled. "Wow, incredible. Ikaw na, Mr. Weirdo, ikaw na!" Ngumiti ako sa tuwa. "Di ko akalain nakayanan mong maglakad ng ganun kalayo. Teka, ba't mo naisipang maglakad, eh pwede ka namang mag-bus?"


"B-Bus?" He tilted his head para bang ngayon lang niya narinig ang term na 'yun. 


"Don't tell me di mo alam 'yun?"


Umiling siya. "Nakarating na sana ako kagabi kung may kabayo akong sinakyan."


"W-What? K-Kabayo?" Napatawa ako nang malakas, halos di ako makahinga sa tuwa. Talagang maysakit ata 'tong tao ah. Kala mo cosplayer, pero daig niya pa ang theater actor sa convincing acting skills niya. 'Di ako tumigil sa pagtawa though he's obviously confused. 


"Mayroon bang nakakatawa sa sinabi, ko?" Tumango ako habang patuloy ako sa pagtawa. 


"Sinasabi mo bang di ko kakayanin? Aba, kayang-kaya kong bumiyahe hanggang Cordillera 'pag may kabayong pandigma akong sinasakyan." 


"Pero, if kaya mo, ba't andito ka? Ba't bumalik ka? Aber?"


"Dahil di na ako pamilyar sa lugar at andaming asong humahabol sa 'kin, di na ako nakapagtimpi. Dinala pa nila ako sa stasyon ng mga pulis animo'y nakahuli sila ng kriminal."


"Talaga? Tapos, ano pa ang nangyari sa 'yo?" sabi ko habang isa-isa kong inilagay ang isang tray ng itlog at tubig sa fridge. Nakakatawa pala 'tong si Mr. Weirdo eh.


"May mga taong baliw ang lumalapit sa 'kin at pilit pinapasimot ng isang mabahong kemikal ng di ko alam kung ano. Lumayo ako't dumepensa.

30 Days With Mr Weirdo ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon