Kabanata 8

1.8K 62 3
                                    


"Don't you dare tell me those words again kasi 'di ako magdadalawang-isip na palayasin ka rito sa pamamahay ko. Okay?"


Nakasandal ako sa pintuan ng aking kwarto as if naka-Elmer's Glue ako dun. Pinagpawisan ang mga kamay ko na nakadikit pa rin sa pinto. Gulat na gulat ako sa nangyari. Gawhd! 'Di ko inaasahang nagawa ko 'yung sabihin sa isang tao. 


"Ang galing mo magsalita, Goyo. Ano'ng sinabi mo? Pagsilbihan mo 'ko? You'll fill in the gaps sa buhay ko? Akala mo lang na kinailangan ko 'yun. In fact, I don't need anybody. I don't need anyone to love me. Matagal na nila akong inabandona, iniwan."


Binalot ko ang aking mukha ng aking mga kamay. Out of all the people na pwede kong pagsabihan, kay Goyo pa - isang estranghero at isang Gregorio del Pilar. Talagang nahihibang na 'ko. Bakit ko pa kasi nagawa ko 'yun? Bakit ba kasi na-carried away ako at nasabi ang mga masasakit na salita sa kanya. Sinapak ko ang sarili ko at sinampal ko ulit ang mukha ko. "Gaga mo talaga, Mika." Napakagat-labi ako sa sobrang guilty.


Napaisip ulit ako. Baka sineryoso niya ang sinabi ko? I bet. Nakayuko ako at unti-unting nakaupo sa sahig. Hindi ko napigilang maluha na naman at nilagay ang palad ko sa aking puso. Nahihirapan akong huminga. 


'Di ko naman masisisi ang sarili ko sa ginawa ko. Sa dami ba naman ng kinikimkim na emosyon sa dibdib ko, 'di ko namalayang napagbuntungan ko si Goyo sa lahat-lahat. Kahit wala siyang ipinapakitang expression sa kanyang mukha, ni walang bahid ng lungkot o luha sa kanyang mga mata, hindi ko maiwasang mapaisip baka naman dinamdam niya ang mga salitang 'yun deep inside. Gosh. At dahil dun, baka...


IIWAN NIYA AKO FOR GOOD?


'Di ko ata kaya? 


No! 'Wag mong lokohin ang sarili mo, Mika. Kinaya mo ngang maiwang mag-isa sa bahay for almost ten years at paminsan-minsang bisitahin ni Baste - from the time na iniwan ka ng pamilya mo abroad, ngayon pa kaya na graduating student ka na? At 18, alam kong mabuhay nang walang inaasahang tulong sa iba. 


Pero...


Shit. Kahit gaano ko kadalas isiping 'di ko kailangan ng tulong sa iba, kusa nila itong ginawa. 


Andiyan si Baste. Naging guardian ko siya, though nakaka-receive ako ng monetary assistance galing sa parents ko. Well, hanggang dun na lang 'yun.

Andiyan si Trisha. Naging kaagapay ko sa aking pag-aaral. She shared her notes with me.

Andiyan si Zenon. Naging inspirasyon ko sa aking pagsisikap? Talaga lang ha? Saan? 

At higit sa lahat, andiyan si Goyo. Naging masigla ang buhay ko simula nung nakilala ko siya. 


~~Sa hindi inaasahan

Pagtagpo ng mga mundo

May minsan lang na nagdugtong

Damang dama na ang ugong nito

Di pa ba sapat ang sakit at lahat

Na hinding hindi ko iparanas sa 'yo

30 Days With Mr Weirdo ☑️Where stories live. Discover now