Kabanata 33

935 41 0
                                    


"Hindi, hindi ko maaaring patayin ang lalaking pinakamamahal ko... ang ama ng dinadala ko. Hindi," sabi ko in a strained voice. Tinakpan ko ang aking mukha at patuloy na umiiyak. Napaupo ako sa sahig sabay hawak ng dextrose ko with my right hand.


Ito pala ang aking misyon.


Sobrang bilis ng takbo ng puso ko na kaagad kong pinisil. Sobrang nahihirapan rin ako sa paghinga at medyo pinapawisan. Buong akala ko lang sa pagbabalik niya sa panahon ko ay ang maikasal kay Trisha. Kaya ko sinet up silang dalawa para matapos ang lahat.


Hindi pala. Sobrang mali.


Ang totoo palang rason kaya siya bumalik ay para maisagawa ang misyon pinataw ni Manuel sa mga babaeng apo niya. And it happened. All this time, I stayed with him and even slept with him. Mahal ko siya. Hindi ko siya kayang patayin. Goyo, hindi ko magagawa sa 'yo 'to.


'Pagbabayaran mo ang pagbababoy mo sa amin... isang...babae...ang tatapos sa 'yo, hayop ka, del Pilar.'


"Hindi, hindi maaari 'to," pabalik-balik ko 'tong sinabi. Tandang-tanda ko pa ang sinabi ni Manuel sa kanyang diary. At napabuntong-hininga. Pilit kinakalma ang sarili sa mga nalalaman. Sabay himas sa tiyan, napatingin ako sa kisame. Kaya ko bang paslangin ang lalaking mahal ko at ang ama ng dinadala ko? Mika, paano na 'to? Oh dear heart, sana kakayanin mo 'to.


"Noooooooooooooooooooooooooooo!!" sigaw ko, sabay tapon sa kahon at natilapon ang mga dokumento sa sahig. Sobrang gulo na ng isipan ko. Hindi ko napansing nakakaladkad ko na ang stainless steel hanger ng dextrose dahil sa pagwawala ko sa opisinang 'yun. "Hindiiiiiiiiiiiiiiiiiii!" Paulit-ulit kong sigaw. Halos mawawalan na ako ng boses sa kasisigaw.


Ilang minutong nakalipas ay napasandal na lang ako sa mesa. Nawalan na ng lakas, kahit ang paghila sa aking mga kamay ay mahirap na sa sobrang bigat. "Bakit ninyo ginawa sa akin 'to?"


"Mika," isang malalim na boses ng lalaki ang narinig ko sa malapitan. Nang lumingon ako para tignan kung sino ang andun ay nakita ko ang aninag ng isang matangkad na anino. Kumunot ang noo ko, pilit fino-focus ang mata ko para malaman kung sino ang tumawag sa akin.


Ilang saglit lang ay humakbang siya papalapit sa akin. "Baste," halos pabulong kong tawag. Sobrang seryoso ng mukha niya, pilit tinatago ang gulat sa nakita niyang kalat sa liblib na opisina. Pilit kong tumayo. Pero sobrang nawalan na ako ng lakas sa ginawa kong pagwawala. Napabuntong-hininga na lang ako.


Kinalauna'y lumapit siya sa akin at bigla niya akong niyakap. Saka siya umiyak. "Mika," aniya sabay higpit ng yakap niya sa akin as if sobrang tagal na naming hindi nagkita. "I'm so sorry," sabi niya in a strained voice. Biglang tumulo ulit ang luha ko. I didn't hug him back. Hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang na-overwhelm na ako sa pangyayari ngayong araw o sadyang naghahalong galit ang nararamdaman ko sa taong yumayakap sa akin ngayon.


Dahil na rin sa panghihina ay hinayaan ko siyang yumakap sa akin at halos na pabulong na pagpapaliwanag sa mga nalalaman ko. "Mika, kung alam mo lang kung gaano katagal ko nang hinintay ang pagkakataong ito. Ang akapin natin ang isa't isa bilang magkapatid. Sobrang na-miss kita. Kung alam mo lang... Mika, kung gaano kasakit sa akin ang dumistansya sa 'yo just for the sake of that f*ucking mission na sinalin sa ating pamilya.

30 Days With Mr Weirdo ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon