His Personal Wife - 19.

Start from the beginning
                                    

"Alam ko. Kaya nga nagpapasalamat ako sayo ngayon. Hindi ko kasi alam na sa pagprotekta ko kay Bea at sa pagpapadala ko sa selos ko, nasasaktan ko na pala si Kath."

"Wala yun. Ang ayoko lang ay makitang nasasaktan si Kath. Wag mo na kasing paguluhin ang sitwasyon. Alam mo naman palang mahal ka ni Bea, bakit mo hinayaang may mangyari sainyo?"

"Kung may nangyari man kagabi, pinagsisihan ko na lahat yun." tumayo siya at nagpunas ng labi niya. "Sige, kailangan ko ng ayusin 'tong katangahan na ginawa ko. Ayokong mawala sakin si Kath."

Patakbo siyang umalis. Napabuntong-hininga na lang ako.

Kath, sana hindi ka na saktan ulit ni Daniel.

I'm setting you free.

--------------------

DANIEL'S POV

Tanga. Makasarili. Seloso. Nakakalimutan kung sino nga ba dapat ang unahin ko.

Yun lang naman ang narealize ko sa pagsuntok sakin ni Enrique kanina. Pati na rin yung sinabi ni Kath kanina. Sana nga natuluyan na lang akong namatay.

Nasasaktan ko na pala talaga si Kath.

Ayoko mang isipin na masasaktan ko si Bea ngayon dahil sasabihin ko na ang totoo. Wala akong magagawa. Kasiyahan ko muna ang uunahin ko. Nandito naman ako lagi para sa kanya.

Hinanap ko si Bea. Nakita ko siya sa may veranda ng beach house, may hawak na papel at mukhang binabasa niya ito. Umupo ako sa tapat niya.

"Bea."

"Oh babe, nandito ka na pala." nakita kong medyo nagulat siya at tinago niya yung papel sa bulsa niya at hinawakan ako sa kamay. "What's up?"

"Kailangan nating mag-usap sa labas. Let's go." hinila ko na yung kamay niya papalabas.

Ng medyo nakalayo na kami. Bumuntong-hininga ako at humarap sa kanya.

"Ayokong masaktan ka. Kaya hangga't maaga pa, sasabihin ko na sayo yung totoo."

His Personal Wife - Book 2.Where stories live. Discover now