His Personal Wife - 19.

Start from the beginning
                                    

Tinignan ko siya at binigyan ng dissapointed look.

"Nahihibang ka na, Bea. Mahal ko si Kath kaya ilulugar ko ang sarili ko. Hindi sa lahat ng bagay dapat maging makasarili tayo. Kung mahal mo talaga si Daniel?"

"Ano?"

"Set him free."

Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita dahil umalis na ako. Kailangan kong makausap si Daniel. Ayoko ng saktan niya si Kath ulit. Hindi na ako makakapayag.

Nakita ko sa malayo si Daniel. Lumapit kaagad ako dito at inambagan ng suntok.

Napabalikwas si Daniel at nahulog siya sa buhanginan. Dumudugo ang labi niya sa impact ng pagkakasuntok ko. Tama lang yun sa kanya!

"Gago ka Enrique! Bakit mo ko sinuntok ha?!"

"Para matauhan ka gago! Wag kang maging tanga!"

Tumayo siya at akmang susuntukin rin ako pero nailagan ko siya. Ako naman ang tumulak sa kanya na dahilan ng pagkakabagsak niya ulit sa buhanginan.

"Para 'to sa sakit na dinulot mo kay Kath!"

Sinuntok ko siya ng sinuntok hanggang sa mapagod ang kamao ko. Napaupo ako sa tabi niya pagkatapos.

"Ano Daniel? Natauhan ka na ba? O tanga ka pa rin?"

Expressionless niya kong tinignan. Tapos napabuntong-hininga siya.

"Salamat."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Salamat saan?"

"Sa pagbugbog sakin. Natauhan na ako sa ginagawa ko." nagpunas siya ng dugo sa labi. "Hindi ko nakakalimutan yung atraso mo sakin one year ago. Pero hindi ko papalampasin 'tong wake-up call na ginawa mo."

"Nagpapaka-bayani ka kasi. Kaya hindi mo na naisip yung dapat na protektahan mo."

His Personal Wife - Book 2.Where stories live. Discover now