"You will sleep in our bedroom."

"H-Ha? Okay na ako sa guest room. Malikot akong matulog pag may sakit."

"I don't swallow that bullshit lie of yours. We need to talk, Gemma. I know something is bothering you." Pagkabukas niya ng pinto sa kwarto niya ay agad niya akong inilapag sa kanyang kama. Bigla siyang lumuhod sa harapan ko at hinawakan ulit ang baba ko para tignan siya sa mata.

"What's wrong? May hindi ka sinasabi sa akin." Tinanggal niya ang buhok na nakaharang sa mukha ko at inipit yun sa likod ng aking tenga. Again with this sweet little gestures, I hate it when my heart responds to that. I need to stop myself.

"Masama lang talaga ang pakiramdam ko."

"Please Gemma..."

"I'm telling the truth."

"I know you."

Napakagat ako sa dila ko habang pinipigilan ko ang sarili kong huwag sumagot sa sinabi niya. He is starting to know me deeper and I hate it. Alam na alam niya kung kailan at paano ako nagsisinungaling.

"Please Luc, pagod lang talaga ako." My voice is so hoarse. Napatango nalang siya at napahinga ng malalim. Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako ng mariin sa labi. He captured my lower lip as he sucked it lightly.

Don't aswer. Don't.

But I did. Ipinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at mas inilapit ko siya sa akin. I answered back his kisses with the same intensity and passion.

****

After 2 days.

Time flies so fast. Pabalik na ako ng Pilipinas. Sa loob ng dalawang araw na yun, malimit nalang kami mag usap ni Luc dahil busy siya masyado sa trabaho habang ako naman nagkukulong sa kwarto kapag wala siya. Dalawang araw kong tiniis na ayos lang ako para hindi magtaka si Luc, I acted like everything is okay but no, it isn't. Hindi ako masyadong makatulog dahil sa kakaisip at nababagabag pa rin ako sa nangyari nung gabing yun.

Pagkalapag na pagkalapag palang ng jet dito sa airport, huminga ako ng malalim.

Oo, mag isa kong lang umuwi dahil nasa Germany ngayon si Luc. May company siya doon at may bago silang project na isinasaayos doon, gusto sana niya akong isama kaso ako lang 'tong nagpumilit na umuwi muna ng Pilipinas. At hindi naman niya ako hinayaang umuwi ng mag isa dahil may mga kasama akong guards na bantay sarado sa akin. Ang dami niyang ibinilin sa akin pero nagtatalo pa rin ang isip ko.

What if magkita sila ni Nicca?

"Ma'am? Ma'am? Ayos lang po ba kayo? Kanina pa po tayo nakalapag at naghihintay na ang sundo niyo sa labas."

"A-Ah, salamat." Dali dali kong kinuha ang mga gamit ko at hindi ko inaasahan ang sumalubong sa akin.

"Harold?" Siguro nasanay na ako na si Hector yung kasama ko. Ngumiti siya sa akin at iginaya ako sa loob ng sasakyan.

"Kamusta na?" Tanong ko sa gitna ng byahe. Naalala ko pa, siya yung unang pinaghinalaan ko na H. Pakiramdam ko parang ang tagal na nung nangyari yun sa sobrang dami ng pangyayari nitong mga nakaraang buwan. Parang kailan lang nung masaya pa ako kasama ang mga kaibigan ko na nagtratrabaho sa club. Speaking of, naalala ko si Rose.

"Ayos lang naman. Ikaw? Akala ko ba nag relax kayo sa Costa Rica? Mas mukhang stressed ka yata?" Ganun na ba ako kahalata? Sinikap ko naman kanina na takpan yung nangingitim na parte sa ibaba ng mata ko ng concealer.

Married to UnknownWhere stories live. Discover now