Chapter 36: Challenge Accepted!

Start from the beginning
                                    

Naupo na ako sa couch na lagi kong inuupuan. Napatingin kay Edge na katapatan ko. Tumango siya sa'kin at ginantihan ko din ng tango. Okay na kami. Already in speaking terms. Pansin ko lang si Yoh, busy na naman sa hawak na psp. Nagte-Tekken na naman malamang. Si Mike, busy sa phone, may katext ang gago. Minsan bubulong-bulong na 'sadista talaga' o kaya 'ice princess talaga'. Tch! Naluko na.

"IV..." tawag sa'kin ni Tres, nilingon ko siya at inabot naman niya sa'kin ang isang red envelope. Napansin ko agad ang seal, HC, pero hindi na siya naka-seal, malamang tiningnan na ni Tres. Hinugot ko ang papel sa loob at binasa ito.

Tangna! Nilamukos ko ang buwiset na papel.

Anong gustong ipamukha ng gagong yun?!

Bakit doon pa?!!

Inimbitahan lang naman kami ng gagong Nicholas Del Monte na yun sa isang showdown. Porke't hindi matalo ng gang niya ang grupo namin, idadaan na lang sa showdown?! Tangnang tarantadong gagong sira-ulo! 

"Anong gagawin natin?" tanong ni Tres.

"We'll let her decide. But whatever her decision's going to be. Ha-huntingin ko ang gagong yun at babasagin ang mukha!!"

Dahil sa sinabi ko at tono ng pananalita ko, napatingin sa'kin yung tatlo. 

"Kuya?" tanong ni Yoh.

"What's wrong man?" si Edge yan.

"He's back?" si Mike. Namula ang mukha niya at mukhang balak pang durugin ang cellphone na hawak dahil sa higpit ng pagkakahawak dito.

= Yoh's POV =

Ay nakngpakshet!

Talo ako. Inaasar pa ko ng pagmumukha ni Kuma.

Si Kuya IV naman kasi, nadinig ko ng sabihin niya na '...Ha-huntingin ko ang gagong yun at babasagin ang mukha..."

Sabay-sabay pa kaming nagtanong nina Kuya Mike at Edge. Pero ano yung sabi ni Kuya Mike. He's back? Sino naman?

Inihagis ni Kuya IV yung hawak na papel na gusot na gusot kay Mike. Maingat namang tinuwid yung ni Kuya Mike, binasa at mas lalong namula ang mukha niya at kitang kita na nag-uulbukan na yung mga ugat niya. Hinablot ko yung papel bago niya pa malamukos, ng mabasa ko ito, feeling ko naman naubusan ako ng dugo. Ipinasa ko na lang kay Edge yung papel. Maiintindihan niya naman yun. English eh.

Nakngpucha!

Kaya naman pala halos pumutok na 'tong sina Kuya IV at Kuya Mike.

Ganito lang naman kasi yung sabi nung gagong sulat...

Baby Yumi,

I heard you're going to join the Battle of the Bands with your new boytoy and his friends. I'm looking forward to seeing you again and to reminisce the past that we had. I sincerely hope that you're not going to back down after reading this letter. You know what I can do. If you don't show up, I'll hunt you down and cut you up again in pieces. 

Nick.

Nakakakilabot ang pucha! Kita din sa mukha ni Edge ang galit tulad nina Kuya IV dahil sa nabasa. Nilamukos niya yung papel at pinagsalin-salin sa dalawang kamay.

"Is this what you're referring to earlier IV?" Tanong niya kay Kuya IV, looking him straight in the eyes. "Let her decide if she still wants to do it knowing that asshole would be there?"

Mayumi: Although She's Not The Shy Type©  (Unedited)Where stories live. Discover now