INTRODUCTION

1.3K 16 4
                                    



Humikbi ako noong itinabi ko na ang gitara sa gilid ng kama ko. Inilagay ko pa ang kanang kamay ko sa dibdib ko at ang isang kamay ay inilagay sa bibig para hindi maging maingay ang pag-iyak ko.

"What are you talking about, Lianne?"

"I'm breaking up with you."

"No. No. Why?" Because you don't love me anymore.

"Let's end this," sabi ko at ibinaba na ang telepono.

No one can understand me. Walang kahit na sino ang makaintindi sa desisyon ko. Para sakanila ay ako ang mali. Ako ang masamang tao dahil iniwanan ko si Russel, dahil tinapos ko ang relasyon naming dalawa. Wala silang maintindihan sa nararamdaman ko. Wala silang alam dahil hindi naman ako nagsasalita.

How can you stay with someone kung nakikita mong unti-unting nawawala ang pagmamahal niya sa'yo? Russel doesn't know this, pero alam ko.

May nagalit sa'kin dahil bakit ko raw pinapangunahan ang nararamdaman ni Russel, pero wala silang maintindihan. Kasi hindi nila alam.

Hindi nila alam kung paano nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko kung paano tumingin si Russel kay Hyacinth. Hindi nila alam kung paano nagdurugo ang puso ko sa tuwing binabanggit ni Russel si Hyacinth. Hindi nila alam kung paano ko itinago ang iyak ko at nagpumilit na ngumiti sa tuwing nahuhuli ko ang tinginan ng dalawa.

Hindi nila alam kung paano ko pinanood ang lalaking mahal na mahal ko na mahulog sa ibang babae. Hindi nila alam dahil nung nalaman ko ay huli na ang lahat. Mahal ako ni Russel pero hindi na tulad ng dati dahil may iba ng tinitibok ang puso niya.

Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung galit ba ako sa dalawang tao dahil nasasaktan ako ng sobra ngayon, pero bakit ako magagalit sa dalawang nagmahalan lang naman? Sa dalawang tao na walang kasalanan.

I don't hate them but it hurts. It hurts like hell, at hindi ko na kinaya. Hindi ko na kinaya ang panonood sa dalawa kaya tinapos ko na. I love Russel so much na hindi ko hinintay ang panahon kung saan siya maguguluhan. I saved him from that pain. I saved him from choosing me, I saved him that burden.

Russel will always choose me, kahit na sabihin nating nahulog siya kay Hyacinth. Ako ang pipiliin niya dahil ako ang girlfriend niya for years, pero ayokong piliin niya ako habang may ibang babae sa puso niya.

So yes. I broke up with him dahil mahal na mahal ko siya pero ayokong madurog ako. Mahal na mahal ko siya na ayokong makita ang sakit sa mga mata niya kapag tinitignan niya si Hyacinth at maiisip niyang hindi niya pwede hagkan 'to sa paraang gusto niya dahil bawal. Dahil hindi pwede. Dahil may isang Lianne parin sa buhay niya.

Hindi baleng mawasak ako ngayon, basta ba kinabukasan ay babangon si Russel at maisiip niyang tama ang break up naming dalawa.

Tama ang desisyon ko dahil... hindi na ako ang tinitibok ng puso niya. Something changed about him, at kasama ang nararamdaman niya para sa'kin sa pagbabagong 'yun.

Iminulat ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang sketch pad na ginawa ni Russel para sa'kin. Nanginginig ang mga kamay ko nang abutin ko ito para tignan ang bawat pahina. At sa bawat segundo na pinapanood ko ang mga sketches niya kung paano kami nagkakilala at nahulog sa isa't-isa ay naguunahan nanamang tumulo ang mga luha ko.

"I... love you..." bulong ko at niyakap ang sketch pad nang napahagulgol na ako sa sakit at sa realisasyon na kahit gaano katibay ang pagmamahal ni Russel sa'kin... kung hindi ako para sakaniya ay hindi ako para sakaniya. Wala na akong magagawa pa doon. Kahit gaano kalalim... kahit gaano kalakas... kahit gaano katindi... kung hindi pwede ay hindi pwede.

Love is painful, but it is still beautiful. Like a rose with thorns. So fulfilling but hurts a lot when you try to hold on a little tight. Like playing a rubber band na the more na pinipilit mong kumapit ay mas malaki ang chance na masaktan ka ng sobra kapag nabitawan ito. I have no choice but to let him go... let everything go. Let our love go...

Pumikit akong muli nang lumabas ang mga hikbi sa bibig ko at wala na akong magawa para mapigilan pa ito. Narinig ko rin ang malakas na buhos ng ulan sa labas na para bang nakikiisa ang langit sa sakit na nararamdaman ko para ngayon. Para bang pati ito ay lumuha dahil sa pag-ibig kong wala nang patutunguhan.

How... can I let something so beautiful and amazing go? How can I let him go? How can I let... my happiness go?

--

Hi! This is the third and last book of Love Is Series!

Love Is A Bitch - Book One
Love Is Stupid - Book Two

Thank you so much!

Love Is PainfulWhere stories live. Discover now