Tumayo naman ako para pulutin 'yung baso dahil nakakahiya kay Harold, nakita niya pa tuloy ang pagiging bayolente ko dahil sa Dylan na 'to. Balang araw talaga makakaganti ako sa pangaasar nito. Balang araw.

Itinapon ko 'yun sa basurahan at halos mapapikit ako dahil nagbago ang kanta at mas maingay 'to kumpara sa naunang kanta. Naramdaman ko ang malakas na pintig sa ulo ko nang dahil doon.

O great. Uupo na lang ako ulit sa tabi ni Crystal para hindi sumasakit ang ulo ko. Naglakad ako papunta doon pero nakita ko si Krista na tumatawa kasama si Aldein doon sa kabilang grupo.

"Tiffany o?" Alok ni Crystal habang inaabot sa'kin ang baso niya kanina.

"Hey, namumula na ang kaibigan mo, Crystal," sabi ni Harold sakaniya. Nilingon ko siya dahil doon at nakita kong pinagmamasdan niya pala ako.

"She can handle this, Harold. Namumula lang agad 'yan," sagot naman ni Crystal. Tinapunan ko siya ng naiiritang tingin pero kinindatan niya lang ako. I feel miserable right now, Crys, gusto mo bang gumanti ako sa'yo?

"Bakit hindi ikaw ang uminom niyan, Crystal?" Tanong ko sakaniya na naging dahilan kung bakit siya ngumuso sa harapan ko.

"Naparami kasi ang nilagay kong alak, ayoko ng lasa," nakangiti niyang sabi sa'kin.

Tumawa ako at nang may nakita akong waiter ay agad kong tinawag para kumuha ng dalawang baso na sa tingin ko ay alak lang. Wala kasing kulay, at hindi ako palainom kaya hindi ko alam ang ibang klase ng alak.

Inilagay ko ang laman ng dalawang baso sa baso ni Crystal kaya halos mapatayo siya at muntik pang matapon ang laman ng baso niya.

"What the hell, Tiffany?" Pasigaw na saway sa'kin ni Crystal kaya ako naman ang tumawa ng malakas. Nakita ko pang umiling si Dylan sa'min at si Harold naman ay nanlalaki ang mga mata.

"Vodka ata ang inilagay mo," sabi sa'min ni Harold na parang namomorblema dahil nakangiwi na ngayon si Crystal habang tinitignan ang baso niya. Sinilip ko ang loob noon at halos magbunyi ako dahil halos mapuno ang baso niya.

"Drink that, Crystal," sabi ko sakaniya.

"What the hell? Gusto mo bang mamatay ako ng maaga?" Tanong niya sa'kin pero tumawa lang ako. Unlike me, mataas ang alcohol tolerance niya. Hindi ko nga lang alam kung kaya niya bang ubusin ang nasa baso niya dahil mukhang may tama na siya.

Ilang alak ba ang nainom sa oras na hindi ko siya kasama? Medyo namumula na ang mga pisngi niya at ang mga mata niya ay lalong naninigkit. No doubt, may tama na nga 'to.

"Bottoms up?" Alok ko sakaniya at pinakita pa ang isang baso na kakakuha ko lang sa waiter na dumaan ngayon. May kulay ang nasa baso ko, ang cute pa dahil may payong sa tuktok ng baso.

"You're kidding me, Tiffany. Cocktail lang ang iyo samantalang pinaghalong vodka at gin ang nasa akin?"

"You're at it again," sabi ni Dylan nang ininom niya ang nasa baso niya. Nilingon siya ni Harold na parang pati siya ay namomorblema pero tinapik lang siya ni Dylan sa balikat.

"Minsan mas magandang wag mo na lang pansinin ang kalokohan ng dalawa na 'yan, mababaliw ka lang," tumawa ako dahil sa sinabi ni Dylan kay Harold.

Ininom ko ang nasa baso ko at inilapag 'yun sa inuupuan ko kanina. Hindi kasi plastic cup ang baso na 'yun, mababasagin kaya nakakatakot na baka mabasag ko.

"Hatian mo ako dito, Tiffany!" Sabi nya sa'kin. Ngumiti ako at kinuha ang baso sa kamay niya.

"Sure, basta ang matitira dito ay iyo na," tumango siya sa sinabi ko kaya mas lalo akong natawa. Gotcha, Crystal.

One Word, Two SyllablesWhere stories live. Discover now