Part 9

28.1K 722 7
                                    


Kagigising lamang ni Aria at katatapos lamang maghilamos nang makarinig siya ng mga katok. Ni hindi pa nga siya nakakapagsuklay. Pinatungan na lamang niya ng roba ang suot na manipis na nightgown, kapagkuwa'y tinungo na ang front door upang buksan iyon.

Si Dad talaga, nakalimutan na naman siguro ang duplicate key niya. Iiling-iling na tinakbo ni Aria ang natitira pang espasyo patungo sa pinto.

"Da— R-Randall!" Ganoon na lang ang pagkagulat ni Aria nang imbes na ang ama ang mapagbuksan ay ang lalaking hindi maitago ang maluwang na ngiti habang hinahagod ng tingin ang kanyang kabuuan ang naroon.

"You look like a woman fresh out of bed after making—"

"Ano'ng ginagawa mo rito nang ganito kaaga? At paano mo nalaman itong bahay ko?" agad na putol ni Aria sa sinasabi ni Randall. Mukhang maagang masisira ang araw niya dahil sa lalaki.

Napaatras siya nang hagurin ng kamay ni Randall ang magulo niyang buhok. "Why, were you expecting someone else? 'Yong matanda ba na kagagaling lang dito kahapon?"

"Anong—"

"You prefer older men now, Aira?" tanong ni Randall na nahapit na ang kanyang baywang nang hindi niya namamalayan. Inilapit pa ng lalaki ang ulo sa kanyang leeg. "You smell good," pabulong na wika nito.

Kinilabutan si Aria sa pagdampi ng mainit na mga labi ni Randall sa kanyang leeg. Hindi niya nagugustuhan ang pagdagsa ng sanlibo't isang sensasyon sa kanyang katawan, na tila anumang sandali ay nanganganib na bumigay.

Galit ka sa lalaking iyan, Aria! 'Yan ang isipin mo!

"R-Randall..." pigil ang hiningang wika ni Aria na hindi rin niya alam kung para saan. Napakabilis ng tibok ng kanyang puso dahilan para mahirapan siyang huminga.

"You feel it too, sweetheart, don't you? You want it as much as I do," bulong ni Randall na nagpatindig na naman sa kanyang mga balahibo. Humaplos ang kamay ng lalaki sa kanyang likod. "I can prove to you that I'm way better than that old man, sweetie."

Parang binuhusan ng nagyeyelong tubig si Aria sa sinabi ni Randall. Paanong pumasok sa isip ng lalaki na karelasyon niya ang sariling ama?

Agad na bumitiw si Aira kay Randall at nanghihinang tumalikod. Muntikan na naman siyang ipagkanulo ng kanyang katawan. Bakit ba tuwing napapalapit siya kay Randall ay hindi niya makontrol ang sarili?

"Ano ba ang ginawa mo sa akin, Aira? Bakit hindi ka na mawala sa isip ko? Bakit gusto kitang laging makita at mahawakan?" frustrated na tanong ni Randall.

"Huwag mong guluhin ang buhay ko, Randall. Nananahimik na ako rito. Please lang, bumalik ka na sa mundong ginagalawan mo. Umalis ka na!"

Ngunit sa halip na umalis ay tinungo ng lalaki ang sofa at kampanteng umupo roon. "No, sweetheart. Ikaw ang unang nanggulo sa mundo ko. It's my turn now to do the same to you."

Marahas na napabaling si Aria kay Randall. "Nakikiusap ako, kung ano man ang nangyari noon, kalimutan mo na lang sana. Please," desperadong pagmamakaawa niya. Kinakabahan na rin siya sapagkat anumang sandali ay maaaring magising na si Honeyleen.

Tila naantig naman si Randall sa pakiusap niya, nabahiran ng pagkalito at pag-aalinlangan ang anyo. Ilang sandaling natahimik ang lalaki na tila pinag-iisipan kung ano ang isasagot sa kanya bago nagsalita. "Ang hindi ko lang maintindihan, bakit noon ay hindi mo nakuha ang atensiyon ko kahit na ano ang gawin mo? And believe me, nakalimutan na kita, Aira. Ni hindi na nga kita maalala... Then all of a sudden, after six years, isang kita ko pa lang sa 'yo ay hindi ka na mawala sa isip ko. Bakit? Just give me one satisfying answer and I'll leave you in peace."

Dahil dalawang tao kami, Randall. Si Aira ang nakilala mo noon. At ako, si Aria, ang nasa harap mo ngayon.

Nahigit ni Aria ang hininga. Kung ganoon lang sana kasimple ang lahat. Subalit maraming hindi alam si Randall sa nangyari. Mga bagay na hindi niya maaaring basta sabihin sa lalaki.

"S-siguro dahil hindi na ako katulad ng dati. Nawala na ang interes ko sa iyo. I've changed, and I've changed a lot."

"Yeah, you've changed a lot. I can see that," mahinang wika ni Randall.

Akala ni Aria ay maayos na ang pag-uusap nila subalit ilang sandali lamang ay bumalik na naman ang nakalolokong tingin ng lalaki.

"Get out, Randall. Makakaalis ka na!" sikmat niya.

"Ouch! That hurts, sweetie. Hindi mo man lang ba ako aaluking magkape? Luluwas ako sa Maynila, hinihintay ko lang na dumating ang chopper ni Art. I wanted to see you so I came here early. May gusto ka bang bilhin ko? Pasalubong or something."

Ikinagulat ni Aria ang biglang pagbabago ng tono ni Randall. Kung kanina ay parang nang-aakit at nang-iinsultong hindi mawari, ngayon ay banayad na ang boses ng lalaki na tila ba obligasyong magpaalam sa kanya kung saan man ito tutungo. Pati na ang pagtatanong ng gusto niyang pasalubong ay may bahid ng paglalambing.

Nagmamartsang nagtungo si Aria sa kusina at nagtimpla ng kape. Baka sakaling umalis na si Randall kapag pinagbigyan niya ang hiling nito. 

At First Sight (Completed!)Where stories live. Discover now