Part 8

30.4K 1.4K 58
                                    


"MA'AM, may customer po na gusto kayong makausap."

"Ikaw na muna ang bahala, Nica. May mga importante lang akong tinatapos," ani Aria nang hindi tumitingin sa store manager. Ilang araw din kasi siyang hindi pumasok kaya tambak ang trabahong sumalubong sa kanya pagbalik niya.

May pag-aari si Aira na chain of boutiques. Malaki ang mga iyon at maganda ang kita kaya masasabi niyang maganda ang takbo ng kanyang negosyo. Karamihan kasi sa items sa mga boutique niya ay gawa ng mga kilalang designer sa bansa at ang iba naman ay inaangkat niya mula sa ibang bansa. Nang mga sandaling iyon ay naroon siya sa Calapan City branch.

"Sinabi ko na po sa kanya, Ma'am, pero nagpipilit po na makaharap kayo at—"

"Hi, Aira..." anang tinig na nagpapitlag kay Aria.

Napatigil siya sa pagsusulat dahil parang biglang nanigas ang kanyang mga daliri. Nag-angat siya ng tingin at tulad ng inaasahan ay si Randall Clark ang kanyang nakita. Kampanteng nakasandal sa hamba ng pinto ang lalaki habang nakapamulsa ang mga kamay sa suot na khaki shorts. Casual shirt lang ang pang-itaas nito pero nakakatawag-pansin na ang hitsura. Mukhang gising na gising si Randall nang magsabog ng kakisigan ang Diyos. Sa mga braso pa lang kasi ay malalaman nang maganda ang katawan ng lalaki. Iyong tipong katawan ng isang American army soldier. Ah, mahilig pa naman siyang manood ng Hollywood action movies.

Ipinilig ni Aria ang kanyang ulo. Bakit ba niya pinag-aaralan ang physical attributes ni Randall?

Bad sign, Aria.

Tinanguan niya si Nica bilang pagsasabi na lumabas na ito. Hindi nakaligtas sa kanya ang kinikilig na anyo ng babae at sa malas ay sadya yatang pinapungay pa ang mga mata.

Napabuntong-hininga si Aria. Sino nga ba ang hindi kikiligin sa lalaking ito?

"What are you doing here?" tanong niya kay Randall. Pasimpleng itinago niya sa drawer ang litrato ni Honeyleen na nasa ibabaw ng kanyang desk nang igala ng lalaki ang tingin sa kanyang opisina.

Marahang naglakad-lakad si Randall. "You have a nice place here," tumatango-tangong komento nito.

"Bakit nandito ka?" tanong uli ni Aria.

Kampanteng umupo sa visitor's chair si Randall. "May hinihintay ako sa resto sa tapat nitong shop mo. Nakita kitang bumaba ng kotse at pumasok dito kaya sinundan kita. Ilang araw na kitang hinihintay sa beach pero hindi ko na nakita ni anino mo."

Tinaasan ni Aria ng isang kilay si Randall. "Wala akong obligasyon na magpakita sa iyo," nakaismid na sabi niya.

"Why, Aira? wala na ba talaga akong epekto sa 'yo?"

"This is nonsense!"

tinitigan siya ni Randall, pagkatapos ay nagpakawala ang lalaki ng isang alanganing ngiti. No, hindi iyon ngiti kundi isang ngisi. Kinakabahan si Aria sa maaari nitong sabihin. At halos nahuhulaan na niya kung ano iyon.

"Remember how you followed me around before? How you—"

I was right after all!

"Ano'ng ibig sabihin ng lahat ng ito, Randall?" Tumaas na ang tinig ni Aria. Sabi na nga ba at hindi maganda ang lalabas sa bibig ng lalaki. Bakit kailangang ungkatin pa nito ang nakaraan? Wala na ang kanyang kapatid. Hindi rin niya alam kung dapat niyang sabihin kay Randall na hindi siya si Aira dahil halos natitiyak na niyang hindi maniniwala ang lalaki. "Matagal na iyon, nananahimik na ako rito."

"Relax, Aira. Nagtataka lang ako kung bakit ganoon na lang kung makaiwas ka sa akin. Pangit na ba ako ngayon? Nah, don't say 'yes' dahil hindi ako maniniwala," he said with a sly smile on his face.

At First Sight (Completed!)Where stories live. Discover now