Part 7

29.2K 677 5
                                    


ILANG araw nang inaabangan ni Randall si Aira sa dalampasigan ngunit ni anino ng babae ay hindi niya nakita. Maaaring tama ang sinabi ni Art na baka nagbago na nga si Aira at nawalan na ng interes sa kanya. Ang ipinagtataka lang niya ay hindi na mawala ang babae sa kanyang isip. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman nang pangkuhin si Aira at dalhin sa bahay. Parang may binuhay ang babae na kung ano sa kanyang damdamin. Ni hindi niya napigilan ang sariling pagmasdan ito habang walang malay-tao. Lutang na lutang ang kagandahan ng babae, lalo at walang anumang bahid ng makeup ang mukha.

Bakit hindi niya iyon nakita noon? Noong mga panahong habol nang habol sa kanya si Aira?

Nakilala niya si Aira Ledesma sa isang party. Maganda at sexy ang babae ngunit ang kagandahang iyon ay natatabunan ng magaslaw at maharot na kilos. She flirted with him the whole night hanggang sa mga sumunod pang pagkakataon na nakikita niya ang babae. Pero walang dating sa kanya ang babaeng katulad ni Aira. Gusto niya ang mga babaeng pino ang kilos, iyong tipong mahihirapan muna siya bago mapasagot. At hindi ganoon si Aira.

Ikinairita ni Randall ang ginagawa ni Aira na pagsunod-sunod sa kanya. Hindi nawawala ang babae sa mga lugar na pinupuntahan niya. Panay ang pag-iwas niya kay Aira. Para sa kanya, katulad lamang ito ng mga babaeng nangangarap na mabingwit ang isa sa kanilang magkakaibigan. Bukod sa hitsura nila, malamang ay habol din ng mga babae ang pera at kapangyarihang kakabit ng kanilang mga pangalan.

Hanggang sa isang araw, nagawa ni Aira na i-seduce siya. Hindi niya nakontrol ang makamundong pagnanasa sa babae. Kumikilos ang kanyang katawan na hindi ayon sa kanyang kagustuhan at may nangyari nga sa kanila.

Kinaumagahan, halos mapatay niya si Aira nang malamang kaya pala siya umakto nang ganoon ay dahil hinaluan nito ng droga ang kanyang inumin. He knew how powerful that drug was. Nawawalan talaga ng self-control ang sinumang uminom niyon.

Pagkatapos ng insidenteng iyon, hindi na uli niya nakita si Aira. Hindi rin niya sinabi sa mga kaibigan ang nangyari. Hindi niya alam kung bakit pero sinarili lamang niya iyon. Nawala na nga iyon sa isip niya, nabaon na sa limot—ngunit biglang bumalik at nanariwa nang makita uli niya si Aira.

Inilabas ni Randall ang kanyang cell phone at nag-dial. "Milo, pare, do you know who the best detective in town is?"

"I know some. Why?"

"May ipapagawa ako sa kanya. I need the result as soon as possible."

"No problem. Papupuntahin ko siya riyan. Sa bayan na lang kayo magkita para walang makaalam ng resort na kinaroroonan mo."

"Thanks, pare. Kumusta na nga pala ang kaso ni Dad?"

"Everything will be cleared up soon. It will take a few months or so for the legal process, after that, makukuha na uli ninyo ang control sa lahat ng properties ninyo here and abroad."

Bumuntong-hininga si Randall. Napakalaki na ng utang-na-loob niya kay Milo. Kung nagkataong ibang abogado ang humawak sa kaso ng kanyang ama, hindi niya alam kung ano ang kalalabasan niyon, worse, baka tuluyang madiin ang kanyang ama. "How can I ever thank you, Milo?"

"How about an all-expense paid tour around the world?" pabirong sabi ng lalaki na ikinatawa niya nang malakas.

"Okay, an all-expense paid vacation it is. Ang tanong, may panahon ka bang magbakasyon man lang?"

"Yeah, right," tila nadidismayang wika ni Milo. "Humahaba nga ang pila ng client sa law firm. Watch out, Rand. One day, magigising ka na lang na mas mayaman na ako kaysa sa 'yo," pabirong sabi nito.

"Come on, Attorney! Para namang hindi ko alam na mas mayaman naman talaga kayo ni Jared kaysa sa akin."

"Okay na ako na hindi mas mayaman, basta ako dapat ang pinakaguwapo sa atin."

Bumunghalit si Randall ng tawa. Sa klase ng trabaho ni Milo at kung gaano kaseryoso ang lalaki roon, walang mag-iisip na malakas din ang sense of humor nito.

"Really, Milo, I owe you a lot, pare," seryosong wika ni Randall

"Wala 'yon. Lahat kayo ay naging mabuting kaibigan sa kapatid ko, lalo na noong brokenhearted siya. Kaya nga hindi rin ako masyadong nag-alala nang piliin kong sa ibang bansa mag-aral. Alam kong may masasandalan si Jared nang umalis ako. Oh, hell! Cut this call, Randall, I hate it. Baka mamaya, sa drama series ako pulutin at hindi na sa korte!" ani Milo upang mawala ang seryosong atmosphere.

Randall suddenly wished he had a brother like Milo. Oh, well, anim nga pala ang "kapatid" niya, kasama si Milo.


At First Sight (Completed!)Where stories live. Discover now