Part 4

29.9K 1K 23
                                    


"RANDALL," pupungas-pungas na sambit ni Art nang sagutin ang tawag niya.

"Remember Aira Ledesma?"

"Aira Ledesma who?" halatang inaantok pang tugon ni Art. Narinig pa ni Randall ang paghikab ng kaibigan sa kabilang linya.

"Think of Jessica Alba, medyo mapusyaw ang buhok at—ah, basta! 'Di ba, ikaw ang kasama ko nang bigla akong halikan n'on noon?" Hindi niya maiwasang mapangiti nang maalala ang insidente.

"Ah, okay. Siya 'yong babaeng habol nang habol sa 'yo, right? 'Langya naman, Randall. Pinutol mo ang tulog ko nang dahil lang diyan? If my memory serves me right, parang virus na iniwasan mo ang babaeng 'yon noon. Bakit bigla mo namang naungkat iyan?"

Hindi pinansin ni Randall ang pagkainis sa tono ni Art. Hindi siya mapalagay at kailangan niyang may makausap. Malaking palaisipan sa kanya kung bakit hindi mawala sa isip niya si Aira. Pagod na pagod na siguro ang babae dahil ilang oras nang tumatakbo sa kanyang isip. Napangiti siya sa huling naisip. Where the hell did he get that line?

"I saw her."

"Who?" disoriented pa ring tanong ni Art.

"Si Aira. I saw her."

"So?"

"Kakaiba siya ngayon, pare."

"Paanong kakaiba? Pumangit o gumanda?"

"Basta kakaiba siya ngayon."

"Meaning, wala na siyang interes sa iyo, gano'n ba? Randall, lahat ng bagay sa mundong ito nagbabago, okay? Baka nagising na 'yong tao at na-realize na wala siyang mapapala kaya ayaw na niya sa iyo," katwiran ni Art.

"Wala kang kuwentang kausap. Bakit ba ikaw pa ang tinawagan ko? No wonder hindi magkagusto sa iyo si Ada. Pagbalik ko diyan, humanda ka. Isa-isa kong pasasabugin ang mga eroplano mo!" naiinis na wika ni Randall.

"Bakit naman nasali si Ada sa usapan?" natatawang balik ni Art. "Sige, pasabugin mo ang lahat ng eroplano sa de Luna Airlines. Ikaw naman ang mananagot kay Mike. Sa kompanya niya naka-insure ang mga iyon."

"Sige, 'yang mukha mo na lang ang pasasabugin ko. I'm sure, lalong lalayo si Ada sa iyo. Ibuking ko kaya sa kanya na may hidden desire ka sa kanya..."

Lalong lumakas ang tawa ni Art. "Sige na, makikinig na ako sa sentimyento mo. Fire away... Wait, magtitimpla lang ako ng kape."

Napangiti na si Randall. Kung may makakarinig lang sa usapan nila, siguradong pagtatakhan sila. Sino ang mag-aakalang ang mga tulad nilang successful businessmen, nirerespeto at pinangingilagan ng marami dahil sa taglay na awtoridad ay ganoon kung magpalitan ng conversation? Yes, they were powerful and dangerous, but that didn't mean they didn't know how to be cool.



Vote, vote, vote. Thanks. :D

At First Sight (Completed!)Where stories live. Discover now