Chapter 29: Nouveau Vampire

Start from the beginning
                                    

"You're getting my twin into trouble, you know that?"

I turned to River. He gave Yllona a deadpanned look. Like a warning. Yllona laughed.

"I need to be back to my award winning acting now. Enjoy the night, Denise."

Nagsimula ang sayawan ilang minuto matapos magpaalam ni Yllona. River held his hand in front of me.

"Wanna try my dancing skills?"

Napangiti ako sa kanyang alok. "Why not? Let's rate it."

Pumunta kami sa gitna tulad ng iba pang mga taong nagsasayawan. At sa unang pagkakataon hindi ako nakaramdam ng takot na bagong mundong ginagalawan ko. People were staring, but it's not because I don't belong here. It's because I'm dancing with a Monaghan. James River Monaghan.

"Now everyone knows who you are," whispered River in my ears while dancing.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Nouveaux or newly converted vampires often gets discriminated by the pure bloods or vampires by blood and race. But these people would rave for a connection with the Monaghans. And seeing you here, with us, puts you in a solid spot in their hands-off list."

Napatitig ako kay River. "Kaya ba sinama niyo ako dito?" I can't believe how the twin's mind operate. They could direct a freaking simulator game.

Nagpatuloy kami sa pagsasayaw. Maya maya pa biglang nagbago ang atmosphere sa paligid. Huminto ang mga taong nagsasayawan.

"They are here."

Liningon ko ang tinutukoy nila. Ilang tao ang bagong labas ng mansion. I recognized one of them right away.

Landon Clifford Monaghan.

Kasabay niyang naglalakad ang sa tingin ko ay ang mga pinaka-makapangyarihan sa pamilya. Ang kanyang Ama. Ang kanyang Uncle at Autie na minsan ko ng nakita. At isa pang mas nakakatanda. Isang taong halos magbigay sa akin ng kilabot dahil sa kanyang aura na dala. Nakaupo ito sa wheel chair. Ngunit sa kanyang mga mata palang na halos hindi ko kayang tingnan... alam ko... ramdam ko. Siya ang pinuno ng pamilya.

Tila maging si River ay tuluyang nagbago ang expression. Naikuyom niya ang kanyang kamao. Saka siya bumuntong hininga.

"What's wrong?"

"I didn't expect he'd be here." Nagtataka parin ako kaya wala siyang nagawa kundi ang banggitin ito. "Si Lolo."

Doon ko lamang ito napansin. There seem to have a distance between the twins, and Landon and the rest of their family.

Umalis si River mula sa pagdiriwang habang hila ang aking kamay.

"River..." Ano ba ang nangyayari? Lumingon akong muli sa pamilya. Doon tila nagtama ang mga mata namin ni Landon.

Ngunit kinailangan kong sundan si River. Lumayo kami sa pagdiriwang hanggang sa makarating sa gilid ng mansion kung nasaan ang pool.

"Are you okay?"

"I loath the old man," derechong sinabi ni River. Ngayon ko lang siya nakitang puno ng puot.

Ngayon ko lang nakita ang matandang Monaghan kaya wala akong idea sa tinutukoy ni River. Umupo kami sa isang garden bench malapit sa pool. Malayo sa ingay at pressure na dala ng pagdiriwang.

"He... He's the reason why my Mom fled the country."

Natahimik ako sa sinabi ni River. Isang malalim na buga ng hangin ang kanyang pinakawalan.

"Paano niya naatim na pumunta dito kung siya ang dahilan ng pagkasira ng pamilya ng kanyang apo?"

Nanatiling nakakuyom ang mga kamao ni River. Hinawakan ko ito at pinilit kinalas mula sa pagkakuyom upang kumalma siya. Tinitigan niya ako. Unti unti siyang kumalma.

"He's the most manipulative person I know," pagpapatuloy niya sa mas kalmadong boses. "My mother was... a nouveau vampire. Hindi siya kailanman tinggap ng pamilya. We are a taint in the bloodline. Our father is pure blooded. Yllona and I... a third of our blood is part human."

Sumandal siya sa bench at napatingala sa madilim na langit. "We are the only grand children who are a taint to the family. Landon and the rest are pure bloods."

Napangiti siya nang mapait.

"Isa ito sa batas ng pamilya na mahigpit na sinusunod ng sino man. A pure blood is only for a pure blood. No one would dare taint the family's bloodline. Ngunit ginawa ito ng aking Ama. He had to convert my mother, a human, into a nouveau to save her. Nilihim nila sa pamilya ang kanilang pagsasama. Nang maipanganak kami ni Yllona nalaman ito ng pamilya ng aking Ama. Dinala kami sa mansion ni Lolo. Ikinulong kami dito noong kami ay sanggol pa lamang kasama ang aking Ina. Halos mabaliw sa lugar na yon ang aking Ina. Noong limang taong gulang na kami, nakatakas ang aming Ina mula sa pagkakakulong. Binalak niya kaming dalhin ngunit nahuli siya bago pa ito magawa."

Pumikit si River.

"She was then sent to an unknown country upang hindi na muling makalapit sa amin at hindi namin mahanap. Because no matter how people see it, we are still a Monaghan. We belong to the family. And a Monaghan is loyal to the family's name. Walang Monaghan na taksil, na bastardo, na sisira sa angkan. We were raised and breed to be a Monaghan. Kaya ito kami ngayon, isa sa mga taong walang magawa kundi ang sundin siya. Dahil hindi ka lamang niya kayang sirain. Kaya niyang wasakin ang lahat ng pinapahalagahan mo sa buhay."

I was scared. I was scared for them. For the twins... and for a reason, I was scared for Landon.

***

The Devil's TrapWhere stories live. Discover now