"Liam tigilan mo na ako ha." Reklamo ni dad hahahaha natatawa na ako dito ang gandang asarin ni daddy

"Liam tigilan mo na ang daddy mo alam mo naman yan pag nag selos"

"yun na nga eh HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" saka ako humagalpak sa tawa. Hindi ko na napigilan eh. Grabe kasi mag selos si daddy mag papapansin at mag papapansin kay mama

"bakit ba ako ang pinag ttripan mo? Mag hanap ka na nga ng girlfriend mo ng hindi mo ako pinag ttripan."

"aray naman dad! Tinataboy mo na ba ako?"

"hindi naman. Slight lang anak."

"dad naman eh!"

"ano? Gragraduate ka na wala ka padding girlfriend umamin ka nga anak. Bading ka ba?"

Saka nag tawanan si mama at daddy anong kalokohan to? sa gwapo kong to bakla ako?

"dad! Ma! Grabe naman kayo mag isip! Ayoko lang muna mag ka girlfriend hindi ko pa nakikita yung girl of my dream eh."

"sus. Girl of your dream. Your face.haahahaha Dami mong alam. Puntahan mo na nga si Louise mo para makakain na tayo."

"tulog pa yon."

" bat mo alam? So inamin mo na na Louise MO nga siya??"

"yuck dad! Kadiri hindi ah!"

"sus deny pa." sambit ni daddy. Yung babaeng yun? Sus mas pipiliin kong tumandang binata kesa maging girlfriend yun.

"sige na Liam Sean puntahan mo na siya" ungot ni mama

"okay fine."

Tapos nun lumabas na ako

Pag kapihit ko palang ng door knob boses na agad ni Louise ang narinig ko. Ang aga aga siya agad.

"eh ma naman nakakahiya kaya."

"sige na kasi minsan lang naman eh."

"pero ma-"

"no buts. Sige na mag bihis ka na kanina pa kami naka order kakain na tayo."

Buti nga sayo napagalitan ka. Haha umagang umaga eh.

Ng matapos silang mag usap binuksan ko na yung pinto sakto namang palabas na si tita.

"Liam, do your job okay?" bulong saakin ni tita.

Do my job. What job? Bantayan si Louise. Yun ba? Malamang . Ano pa nga ba.

Humiga ako sa kama, si Louise naman pumasok na sa cr

Ano kayang pinag usapan nila? Bakit kaya nainis si tita?

Hay ang chismoso ko naman masyado.

Mahigit 30 min na siya sa banyo ng biglang siyang sumigaw.

"kyaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!"

"Louise! Ano ba yon?!!"

Tumakbo agad ako papunta sa cr. At duon kami nag sisigawan.

"hoy Louise lumabas ka na nga dyan ang tagal mo naman. Kanina ka pa dyan gutom na ako!"

"sinabi ko ba kasing antayin moko?! Bumaba ka na! ayoko lumabas!!!"

Sigaw pa niya

"labas na! kundi sisirain ko tong pinto." Weh! Feeling ko naman. Parang ang lakas ko naman.

"oo na sandali lang!"

"ang tagal mo na dyan di ka padin tapos??!!!"

Sakto namang binuksan niya yung pinto.

Spell Liam.... NGANGA.

NAKA TWO PIECE SIYA?. Nak ng!. pero may nakatakip naman sakanya at naka short siya

"ano yang suot mo?"

tanong ko sakanya. Ang sexy niya.pero eto na ba yung sinabi ni tita kaya kailangan bantayan ko siya? Ang hirap naman na ng gagawin ko.

"two piece.... Wag na nga mag papalit na ako"

Hinawakan ko na yung kamay niya at umalis na sa kwarto.

"gutom na ako, ang tagal mo sa banyo, tapos papasok ka ulit sa banyo.?! Papatayin mo ba ako sa gutom?!"

"di ko naman sinabi na antayin mo ako ah! Jerk!"

Mabilis na kaming bumaba at hinanap ang table namin

Nakita naman agad namin sila mama.

Tumingin ako kay Louise at ayun naka yuko siya.

"baby!! Ang ganda mo!!! Dalagang dalaga kana! I told you"

Kumalas si Louise sa pagkakahawak ko at Umupo sa pinaka sulok

"let's eat gutom na ako at inaantok pa ako"

Matapos niya sabihin yon ay kumain na kami. Daldalan ng daldalan sila tita at mama. Samantalang si Louise tahimik lang na kumakain.di ko mapigilang wag siyang tignan kasi sa totoo lang ayoko siyang nakikitang badtrip ewan nakakairita yung hindi niya ako kinakausap. Hay ewan

Ng matapos na kaming kumain dumeretso na kami sa hut namin. Mejo nagiging okay na din si Louise kaya nag lagay na siya ng sunblock.

Mejo maaga pa naman at hindi masyadong masakit sa balat ang init ng araw

"tara ligo na tayo."

Tinignan lang niya ako. parang nag tatanong na 'sure ka?'

Kaya tumabi ako saknya sa siya kinomfort

"trust me di ko hahayaang may lumapit at mambastos sayo." Nginitian ko siya at ngumiti din naman siya.

-------------

Love Centrism (Completed)Where stories live. Discover now