Chapter XI: Operation

Start from the beginning
                                        

"Thank you." Pasalamat ko nalang sabay kuha nung plastic bag. Ayaw ko sana itong kunin dahil somewhat nakafeel ako ng kirot. Dahil feeling ko ang pangit-pangit ko kaya binigyan niya ako ng ganito. Ang sakit pala. Kung alam ko lang edi sana sa una pa lang tinanggihan ko na. Ang tanga at bobo ko kasi. Hindi ako nag-iisip.

"Ahmm. I'm sorry ha pero may LBM ako ngayon eh at uhhmm... ayan na naman siya. Sige ha mauna na ako." Paalam ko sa kanya na hindi siya tinitignan sa mata dahil malapit na talagang tumulo ang mga pinipigilan kong luha. Sabi ko hindi na ako iiyak, but you see. I'm eating my words dahil kahit kailan, simula pa nung una. Mahina na ako at hindi na yan mababago.

Pagkarating ko sa comfort room ay agad-agad akong pumasok at nilock ito. Dun na ako napahagulgol. Masakit pa rin pala talaga.

"Ba't ba kasi ang hina mo." I mumbled in between my sob. Mahal ko pa rin pala siya. Ganun naman talaga diba? Hindi madaling makalimutan ang taong una mong minahal. He was my first love and my first heartbreak as well.

Ang daling mahulog, ang hirap magmove-on.

Akala ko kasinungalingan lang pero totoo pala. Akala ko noon na pag mag move-on ka ay kung gusto mo madali lang. Na over actingan nga ako sa mga napapanood ko, nababasa at nakikita dahil ang dali lang naman talaga pag gusto mo. Pero iba pala talaga pag ikaw na ang nakaexperience.

Don't judge a situation without you experiencing it.

Ang hirap pala talagang diktahan ang puso. Ang hirap pala talagang mag move-on.

"Ikaw na ang dakilang assuming." I still said in between my sob. Para na akong batang inagawan ng candy. No, mas mahigit pa pala.

Its true that you can fool people around you by pretending but you can never fool yourself, especially your heart.

Nang maramdaman kong wala nang luha ang lalabas pa ay tumayo na ako at nagtungo sa sink. Mabuti na lang talaga at walang tao dito sa loob. Hindi ko pa naman tinignan at siniguradong walang tao. Nakakahiya iyon sobra pag nagkataon. Baka pagtawanan pa nga ako eh at baka nasapak ko rin siya.

Matapos maghilamos at nang masatisfied ako sa itsura ko ay lumabas na ako ng comfort room pretending again like I didn't come from a deep pain.

Naglalakad lang ako as if I didn't know where my destination is. Lakad dito, lakad doon. Hanggang sa may isang babae na I think Grade 9 student ang naglalakad patungong direksyon ko. I just stare at her confusingly. Anong kailangan niya?

"Ahhmm hi?" She greeted first hesitantly. She looks like a nerd because of her eye glasses but in all maganda naman siya. Naging bagay nga sa kanya ang salamin eh which makes her look more innocent. And those chubby cheeks? My ghadd. Ang sarap pisil-pisilin.

"Hi. Bakit?" I greeted back smiling. A fake smile to be exact.

"Ahhmm. Madame Mulato wants to talk to you. Pumunta ka na lang daw sa office niya." She answered smiling. Wahh! Ang cute!

"Okay."

"Sige ate una na ako." Pamamaalam niya at bumalik na nga sa kung saan ko man siya nakitang naglalakad kanina. Nagtungo na nga ako. Ano kayang pag-uusapan namin ni Madame?

When I arrive on his office I immediately entered it. Hindi rin naman nakasara ang pinto. Nakalimutan ko palang sabihin na hindi lang pala namin siya adviser, she's the school's guidance councilor as well. Kaya hindi ko mapigilang kabahan. Ano kayang nagawa ko at pinatawag niya ako? My ghadd! Baka may nagawa akong kagagahan unconciously. Hala! Baka napossess ako ng baliw na multo. My ghadd!!

"Good morning Madame!" I greeted happily. Kailangan kung siglaan yung ambiance para hindi gaano kasevere yung parusa. Dito rin ako magaling eh. Ang mang-uto. Hihihi

"Oh. Good morning Ms. Natividad have a seat." She said while pointing the chair beside her table. My ghadd! Nakakakaba naman.

"Someone said that you want to talk to me. What is it about Madame?" I asked straightly. Hindi ko nga rin pala natanong ang pangalan ng nag-approach sa akin. Tanga ko talaga.

"Yes and it is about the Mr. & Ms. Intramurals." She answered that made me look more confused.

"Am I being forfeit?" I asked. May part sa aking masaya kung totoo nga pero may part namang umaasang hindi about doon ang gusto niyang sabihin. Na hindi ako forfeit dahil nakakapanlumo yun pag nagkataon.

"No you're not." Sagot niya na nagpahinga sa akin ng maluwag. Hayy. Ready na kasi ako at desidido sa pageant na yan. Gusto kong patunayan ang sarili ko sa lahat..

"Then what is it Madame?" I asked again and now giving my full attention on what she will answer.

"Its about Mr. Park. Alam mo naman diba na siya ang representative natin para sa lalaki. I'm just worried about his situation. Alam kong alam mo na masyado siyang ilag sa mga tao kaya I want your help." She answered at puro tango lang naman ang naging sagot ko. Oh diba hindi lang ako ang nakahalata.

"What kind of help Madame?"

"Help him in overcoming his social fears. Ikaw lang naman diba ang kinakausap at ina-approach niya kaya wala akong ibang magawan ng favor. And besides the both of you are our representative so you're really beyond suited." She answered. Yan naman talaga ang gagawin ko eh. Pero paano?

"Okay. Thats exactly what I'm going to do but I don't know how." I said honestly. Ang hirap kaya at wala pa naman akong experience. Hindi naman ako isang psychiatrist diba or someone na bihasa sa mga bagay na ito.

"Anything, everything. Ikaw na ang bahala kung paano mo siya matutulungan. Gawin mo ang lahat dahil kapag naging success ang pagtulong mo ay may reward ka." She said that made myself more interested in helping Johan. Woah. I didn't expect that.

"But how can I say if it was a success and what's the reward Madame?" I asked.

"Simple. When Johan wins the pageant or even be the 1st runner up. I can consider it already a success but if he'll lose then its a failure too. The reward is your grade. You'll have automatically a 100 percent grade on your Social Studies subject. So is it a deal or no deal?" She answered that made my jaw drop in awe literally. What? 100% grade, as in at sa Social Studies pa. Sa subject pa kung saan ang bobo bobo ko. Wahh! Heaven.

But somehow i felt hesitation in dealing with it. Para kasing ginamit ko ang sitwasyon ni Johan eh. Pero willing naman talaga akong tulungan siya noong una palang mas naging pursigido nga lang ako ngayon. Nakakatemp kasi talaga ang reward eh. Bahala na. Its still a win-win situation naman eh dahil kapag nagtagumpay ako dito ay malalampasan na din ni Johan ang takot niya. Hinding-hindi na siya magiging ilag sa mga tao at magkakaroon na rin siya ng maraming kaibigan. Bahala na talaga.

"Deal Madame." I answered at may pagpindot pa talaga sa lamesa na as if may button don kaparehas nung sa game show na napapanood ko sa tv at ginaya ko na rin ang tunog. Madame just chuckle on my craziness.

"Good. Ang practice niyo pala ay mag start na ngayong Monday. Please always attend your practice and good luck." Aniya pa at nagpaalam na nga ako.

Kailangan ko ng mag-isip ng paraan kong paano matulungan si Johan sa pag-overcome ng takot niya sa mga tao. Kailangan kong maging handa. Kailangan kong ibigay ang 100% dedication ko dahil sayang rin yung reward. Yung subject lang kasi na yun ang naglalagay sa alanganin ang scholarship ko kaya kailangan magtagumpay ako.

So its Operation: Help Johan Overcome His Social Fears huh.

[Chapter End]

Kurt's Note:

Hi there. I just want to share with you that this story has been ranked again. Its currently on the Rank #147! Wahhh! Sabog confetti. Thank you sa support!

Chapter 12 coming...

~Kurt

My Introverted EnemyWhere stories live. Discover now