"Don'cha know who am I, new kid?" don'cha know-hin ko 'to eh. Malamang, bago ako eh.

"Ah n-"

"Sumagot ka!" aba! Sasagot na nga, e! Kainis 'to ha? Naiinis na ako!

"Sasagot na nga eh! Singit ka ng singit! Ka-inis. Epal!" sigaw ko bigla. Nanlaki naman ang mata ko at saka ako napa-pikit. O' noes men.

"Bitch!" nanggagalaiti nitong sabi, habang namumula ang mukha.

Tinaas nito ang kamay nito at saka sinampal ako, to the left, to the right.

"Ano? Sasagot ka pa? Huwag mo akong sasagot-sagutin, ha!" hindi na lamang ako umimik.

"Ano?! Sumagot ka!" aba! Ang gulo rin naman ng babaeng ito e, no?

"Sabi mo, huwag akong sumagot? Tapos ngayon naga-galit ka? Stupida!" nanlaking muli ang mga mata ko, at ganoon rin siya.

"Hindi mo ba talaga ako kilala? Kaming tatlo? Well, kami lang naman ang rank ten dito sa Intrepide. I'm Kurina. That girl with bangs is Antonia and that short haired girl is Juanita," inis na sambit nito, at hindi ko mapigilang mapa-halakhak nang marinig ko ang kanilang mga pangalan.

"Mierda! (Shit!)" mura ko gamit ang lenguaheng Espanol habang tumatawa pa rin. Hindi ako Español, okay? Naka-punta na kasi ako sa Espanya at natuto na din ako ng kanilang lenguahe. Fast learner kasi ako.

Kaya kung may kaaway kayo, murahin niyo sila using other language, para hindi nila alam na minumura na pala natin sila. Oha! Super duper talino ko, hindi ba?

"What?!"

"A-ang awesome ng mga pangalan niyo," utal ko pang sambit, habang nagpipigil ng tawa. Napa-halakhak na rin ang ibang nanonood namin, pagka-sabing pagka-sabi ko ng awesome. Parang palabas lang, e, no?

Namula lalo ang mukha nito dahil sa inis at saka sinipa ako sa tiyan pero hindi ko pa rin mapigilan ang aking tawa.

Sasampalin sana ako nitong muli, mang may pumasok sa pintuan ng cafeteria at bigla ulit sila--kaming natahimik.

Narito na ang Hell Guerriers!

Buti naman! Saved by Hell Guerriers! Sakit kaya nung sampal nung babaeng 'yon tapos mananampal pa ulit? Nah-uh-uh! Parang lalaki kasi ang kamay. Ang bigat!

Tumingin sila sa aming direksyon at saka nag-lakad palapit sa amin. Naka-hawak parin ang mga kamay nung Antonia at Juanita sa akin habang nasa ere parin ang kamay ni Kurina. Naka-nganga sila ngayon habang naka-titig sa Hell Guerriers.

Malamig na tumingin sa amin 'yong nasa gitnang lalaki na naka-pamulsa. Ito ata yung Tripp Axis na sinasabi sa akin ni Hana Rios.

"Don't you know that bullying is not allowed when I'm around, Black Roses?" malamig nitong tanong doon sa Black Roses raw. Ah. Black Roses pala sika. Agad namang napa-bitaw sakin 'yong dalawa at saka sila napa-yuko, habang ibinaba naman ni Kurina ang kamay niya at tinignan ako ng matalim.

"S-she disrespected us, King Axis. Alam mong bawal na bastusin ang mga nasa ranggo," pagdadahilan pa nito, sabay turo nito sa akin kaya kaagad akong napa-turo sa sarili ko. Napa-tingin din sa akin yung Tripp Axis.

"Even if that kid disrespected you, you shouldn't bully her. She's just a stupid girl who enrolled here without knowing what school she entered and without knowing what kind of person are here," pinagtatanggol ba niya ako o ini-insulto? At saka, s-stupid?!

Sasabat sana ako nang panlakihan ako ng mata nung Antonia. Nakakatakot ang mukha niya! Kamukha niya yung Chimpanzee na nakita ko sa Zoo sa Texas. At sa sobrang takot ko sa mukha niya, hindi na lang ako nag-salita.

"So, you may now leave this place, bitches," ay! Ang sama naman. Bitches talaga? Daoat may fuckin' iyon, eh, para mas magandang pakinggan. Umirap naman 'yong tatlong babae at sabay-sabay na tumalikod at nag-lakad palabas.

"Ops, wait," pigil naman nung Xiela yata. Humarap naman 'yong tatlong babae na tila kinakabahan. Biglang tumingin sa akin si Xiela at saka siya ngumisi, "Slap them," utos nito sa akin, kaya nanlaki ang mga mata ko at saka ako mabilis na umiling.

"Tss. Then, ako na lang ang sasampal sa kanila," nag-lakad ito patungo sa tatlo, na ngayon ay namumutla na, "Hello, bitches," sabay sampal nito sa kanila, one by one. Napa-harap naman sa kaliwang side ang mga mukha nila, at saka sila napa-iyak, "Humarap kayo," hindi naman sila humarap, "Sabing humarap kayo!" mabilis silang napa-harap nang sumigaw si Xiela. Namumula na rin ang mga pisngi nila, at bakat rin doon ang kamay ni Xiela, "Now, quits. Umalis na kayo sa harapan ko!" mabilis namang tumalikod yung tatlo, at tumakbo palabas.

Grabe! 'Yong harap nila mukhang likod, ym'yong likod naman nila mukhang harap. Baliktad yata?

Tumungo naman ako sa harap nung lalaki at saka ko itinuro ang sarili ko.

"Kasali ba ako sa aalis?" Tinignan lang ako nung Tripp Axis nang malamig, at saka siya tumalikod kasama 'yong mga buntot niya. Wow! Nice talking ma'men.

Pero, teka? Anong ibig nilang sabihin?

King?

Rank?

Malalaman ko rin ang ibig nilang sabihin. Not now, but soon.

**

Intrepide UniversityWhere stories live. Discover now