CHAPTER 80 (EDITED)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Si Rayne at Ciara. Sino pa nga ba. Ok, I'm sorry talaga kung hindi ako nagreply sa text mo at hindi ko sinagot yun tawag mo. I'm sorry kung nagsinungaling pa ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano isasagot ko sayo. Hindi ko talaga ineexpect yun mga nangyayari sakin, satin. Medyo naguguluhan pa kasi ako. Naniniwala naman ako sayo eh, pero alam mo yun gumugulo pa din sa akin yun sa inyo ni Janine. Maniwala ka man o sa hindi, gusto ko yun mga nangyayari. Pero hindi ko lang talaga masabi –"

"Ssshh."

Pinatahimik ako ni Marion at saka nagsmile sa akin. OMG! Ang once and a lifetime na ngiti niya!

"Karissa, please yun about sa amin ni Janine, sana wag mo na lang isipin yun. It's just a MISUNDERSTANDING. Matagal na kaming tapos. Yun nangyari nun sa confession day, it's supposed to be YOU. But everything I had plan for that day was destroyed by her. I can't tell you now what really happened, but can you wait for me to explain it after your competition? Promise, I'LL TELL EVERYTHING. Please believe at me when I said that "I love you." I really really mean it. I REALLY LOVE YOU. You're the only girl I really want to marry. Trust me, naniniwala akong gusto mo talaga toh. Alam kong ito yun hinihintay mong pagkakataon. I'm really sorry kung nadelay lang ako. I know you so well, though sometimes hindi ko maintindihan yun mood mo. Pero you don't have to worry. Kahit hindi mo sabihin yun sagot mo sa akin ngayon, alam ko na yun sagot mo. Mayabang na ko sa mayabang pero ALAM KO NA. Pero as of now, I want you to focus yourself at your cheering competition today. Just tell it to me kapag ready ka na. I'm willing to wait."

OMG!!! He said it again! That three letter words!!!Bakit napakaswerte ko at isang PERFECT MARION GATCHECO-GOTIANGCO ang fiancee ko?! Mahal niya talaga ako! at hindi si JANINE!!! I can't wait to hear his explanation.

"Oo nga pala. I want to give you this."

At meron siyang nilabas na necklace.

"Necklace? Para saan ito? Malayo pa birthday ko. At dapat nga ako yun magreregalo sayo dahil kakabirthday mo lang."

"Kulit-kulit mo talaga. Ang dami mong tanong. Halika, isusuot ko sayo."

Tumalikod na ko sa kanya para masuot na niya yun necklace sa akin. Wow! Ang ganda ng necklace na ito. Teka, bakit key-shaped yun necklace? Bakit SUSI?

"Sana natatandaan mo yun sinabi ko dati about sa susi."

Susi? Kelan naman kami nagusap about sa susi?

Waaa... Isip ka nga muna Karissa!

Susi... susi... susi... susi... susi... Aha!

*FLASHBACK*

"Matagal ko nang pinalitan yung susi niya dito sa puso ko. Kahit duplicate pa yan, wala na rin bisa yan dito. Dahil may nagiisang susi lang ang kayang makapagbukas ulit nito."

"May may-ari na ba nitong susi na sinasabi mo?"

"Meron na, pero hindi pa niya siguro alam na siya na may hawak nun."

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya?"

*END OF FLASHBACK*

"It's means ako yun may-ari nun susi na yun?!"

"Ikaw nga mayari nun susi na yun. Kaya wag na wag mong aalisin yan. Kundi lagot ka sa akin."

Malamang, takot ko lang sayo noh.

"Hala! Kailangan ko na lumabas dahil kami na kasunod."

"Ok, good luck. Kayang kaya mo yan. Ikaw pa, ikaw na si Karissa Asajar-Gotiangco."

"Tigilan mo nga yan. Remember Mr. Gotiangco, HINDI PA TAYO KASAL."

"Remember din Mrs. GOTIANGCO, kahit anong mangyari,ikakasal TAYO."

"Hay, ewan ko sayo." Siguro nga hindi na mawawala sa amin ang pagiging aso't pusa.

"By the way, binigyan ko na ng PIECE OF ADVICE ang mga magbubuhat sayo sa cheering. Kaya don't worry."

"MARION! Ano na naman ginawa mo sa kanila?!"

"Don't worry nga diba? Saka kinausap ko lang sila. Buhay pa yun mga yun."

"Siguraduhin mo lang ah. Sige na."

"Teka!"

"Bakit na naman, Marion?!"

"Hindi ka ba manghihingi ng goodluck kiss?"

"ANO?!!!"

"GOOD-LUCK-KISS."

"Aba, MR. GOTIANGCO, Hindi pa tayo kinakasal noh, sumosobra ka na yata. At don't worry, hindi ko kailangan ng good luck kiss."

Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa nakikita ko ngayon. Dahil ang isang Marion Gatcheco-Gotiangco ay naka-pout.

Pero, sorry na lang siya. Maghintay na lang siya after nitong competition.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon