Ika-20 Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagmamalaki ba sya kay Miyuki?

" Nagsimula na sila mag-away kaya tayong dalawa na lang ang mag-usap. Sayang pala hindi mo nakita ang Jjani kahapon " kausap sa akin ni Styll.

Pero si Xeriol ang gusto kong makausap. Kahit yung mga walang kwentang bagay na sinasabi nya ay mas nais kong marinig. Saka ang sabi nya, aalis kami ngayon ngunit bakit si Miyuki ang inaabala nya.

" Allaode, ayos ka lang " tanong sa akin ni Styll.

Tumango ako. " Iniisip ko lang ang panghihinayang ko kahapon ng hindi makita ang Jjani. Ano ba ang itsura nya? "

" Napakaganda nya! " malakas na sagot nya na tila hanggang ngayon ay namamangha pa rin sa kanyang nakita. " May mahahaba syang buhok na kung titingnan ay masasabi kong malambot at mabango ito. Kulay nyebe rin ang balat nya. Ang kasuotan nya ay talagang masasabing bumagay sa kanya. Hindi maitatangi na sya ang nakilala kong pinakamagandang nilalang dito sa mundo "

" Gusto ko syang makita " nananabik kong sabi ngunit nalungkot lang ako. Kailan ko kaya sya makikita? Imposibleng ngayon dahil wala na kaming klase at bawal ng gumala dito sa loob ng paaralan at kung sa Linggo naman ay mas lalong imposible.

" Tumigil ka nga Xeriol. Walang kwenta ang pagkukumpara mo kay Easton "

Bumalik ang wisyo ko ng marinig kong magsalita si Miyuki. Mukhang may sinasabi sa kanya si Xeriol na hindi ko naman narinig. Ano ba ang nasa isip nya upang ikumpara nya ang sarili nya kay Kuya Easton.

Hindi kaya kinukulit nya si Miyuki na mas higit pa sya kay Kuya Easton para magustuhan sya. Pero bakit naman nya gagawin iyon? Sabi nya sa akin ayaw nya kay Miyuki kahit sya pa ang nasa cryptus nya dahil ako ang mahal nya.

" Allaode, ang Jjani! " turo ni Styll sa kabilang koridor.

Mabilis akong lumingon sa tinuro nya. May nakita akong babaeng napakaganda ng kasuotan dahil angat na angat ang maputi nyang damit sa lahat ngunit hindi ko naman masyadong makita ang kanyang mukha dahil may mga humaharang sa gilid nya. Sumabay ako sa paglalakad nila na hindi ko inaalis ang tingin upang makita sya ngunit nabigo lamang ako sa nais ko ng lumiko na sila.

" Sayang hindi mo sya nakita pero hindi maitatangi na maganda sya " kausap muli sa akin ni Styll.

Bumuntong hininga naman ako dahil nakakapanghinayang. Kaunting distansya na lang ang pagitan namin ngunit hindi ko pa sya lubos na nakita. Sana may iba pa akong pagkakataon.

" Halika na nga Allaode. Baka matusta ko ng buhay 'yang babae na 'yan kapag nagtagal pa kaming mag-usap " biglang hawak ni Xeriol sa akin at hinila ako patungo sa paradahan ng mga sasakyan.


Kapansin-pansin na hindi maganda ang tumatakbo sa kanyang isip. Magkasalubong ang kanyang kilay at padabog rin nya akong pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Ganoon rin ng umupo sya sa upuan nya.

" Hindi ba naging maganda ang usapan nyo ni Miyuki? " tanong ko.

" Ewan ko sa babaeng iyon! " pagtataas ng boses nya na ikinagulat ko. Hindi kasi ako sanay na pagtaasan nya ako ng boses. Sinisigawan nya lamang ako kapag tinatawag nya ang pangalan ko mula sa malayo.


" Pasensya na, Allaode. Hindi ko intensyon na pagtaasan ka ng boses.  Sya naman kasi ang may kasalanan kung-- " hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya.

" Huwag na lang tayo tumuloy sa pupuntahan natin. Sa tingin ko pag-usapan nyo muna ni Miyuki kung ano mang bagay ang hindi nyo napag-unawaan " saad ko sa kanya saka lumabas na ng kotse.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon