CHAPTER 75 (EDITED)

206K 4.7K 1K
                                    

Update Date: 01/19/2020

*KARISSA'S POV*

Anong nangyari?

Panaginip lang ba lahat ng iyon? Panaginip lang na fiancee ko si Marion? Panaginip lang ba na umalis ako sa party ni Marion at naulanan? Panaginip lang ba na nakita ako ni Marion?

**alarm clock sound**

Ano ba naman itong alarm clock ko? Kanina pa ito tumutunog, anong oras na ba?

7:30 AM lang naman.

OMGGGGGGG!!!

Late na naman ako!!!

Nagmadali na kong pumunta sa banyo ko para maligo. Late na naman ako nito. Bakit ba kasi lagi ko pinapatay ang alarm clock ko?

After ko magbihis, dumiretso na ko sa dining room namin para magpaalam kina Mommy at Daddy dahil alam ko naman na andoon lang sila.

Pero nagtataka ako dahil habang papalakad ako papunta doon, may naririnig akong pamilyar na boses.

O_O

ANONG GINAGAWA NIYA DITO?!!!

"Issai! gising ka na!"

Bigla akong hinila ni Mommy papunta sa dining table at pinaupo ako sa harap ni Marion. At tinignan ko siya at sinasabi ko sa mga mata ko, "Anong ginagawa mo dito?". At ang magaling na lalaki, sinagot lang ako ng nakakaasar na ngiti.

"Naku iho, noong una pa lang kita nakita, alam kong ikaw ang anak ni Selina. Magkamukang-magkamuka talaga kayo ng bestfriend ko."

"Oo nga po. Madami na rin nakapagsabi sa akin na kamukha ko si Mama."

"Sana nakatulog ka ng mabuti dito, iho."

"Don't worry po. Mukhang nasanay na rin ako dahil pangawalang beses na rin ako nakatulog dito."

"ANO?! Dito natulog si Marion?!"

Please lang, sana ito na lang panaginip na lang. Bakit kasi natulog na naman siya dito?!

"Oo naman, Issai. Dapat nga magpasalamat ka sa fiancee mo dahil siya ang nag-uwi sayo."

So hindi nga panaginip ang lahat. Fiancee ko na nga si Marion.

"Issai, kumain ka na baka malate pa kayo ni Marion."

Naku, kung alam mo lang Daddy, lagi naman kaming late ni Marion. Teka lang... Ibig bang sabihin?

"Marion, I'm sure maraming media sa labas ng school niyo dahil sa annoucement ng Dad mo kahapon sa party. Ikaw na bahala kay Issai, maasahan ko ba iyon?"

"Ako pong bahala sa fiancee ko."

"Hon! Nakakakilig yun mapapangasawa ng anak natin oh. Yieee! Kinikilig ako! Love na love niya talaga anak natin."

Anong sinasabi ng Mommy ko?!!! OHMYGOD MOMMY!!! Don't tell me, naniniwala ka sa arte ng lalaking ito?!!! At, anong ibig sabihin ni Daddy?! SABAY kaming papasok ni Marion?!

Hindi na rin ako nakapagsalita sa mga pangyayari hanggang sa nakasakay na kami sa sasakyan ni Marion.

"Bakit ba kasi sinabay mo pa ako pumasok?"

"Sige, sagutin mo ko kung paano ka papasok."

"Edi magcocommute ako."

"Magcocommute?! Sigurado ka?! Karissa, ano na naman ba problema mo sa pagsabay sa akin?!"

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon