CHAPTER 64 (UNEDITED)

Začít od začátku
                                    

Bumaba na lang kami sa kotse niya,

At pumasok sa bahay,

Well, sinalubong na agad kami ng Mommy ko,

Wala na masyadong tanong,

Kumain na rin agad kami,

MARION: Salamat po sa dinner.

MRS. ASAJAR: Walang anuman.

*RING*

MARION: Excuse me lang po,

Tumalikod lang si Marion para sagutin un phone niya,

Well, mukha naman maririnig pa rin namin siya

MARION: Ok na ba un room ko? ... Ilang beses ko bang uulitin, hindi ako uuwi sa bahay... Imposibleng walang bakante diyan sa hotel... Hindi ako uuwi!

Opps, mukhang badtrip na naman tong si Marion,

At alam ko na dahilan kung bakit ayaw niyang umuwi,

Napatingin naman ako kay Mommy, at mukhang nakangiti pa.

MARION: Sorry po, Mrs. Asajar.

MRS. ASAJAR: May problema ba?

MARION: Uhm, wala po.

MRS. ASAJAR: Kung gusto mo,dito ka na lang matulog iho.

MARION: Ano po?

KARISSA: MA!

MRS. ASAJAR: Why? May problem ba? I think wala kang matutulugan ngayon Marion.

MARION: Uhm, tatawagan ko na lang po un bestfriend ko. Salamat na lang po.

KARISSA: Oo nga, Mommy. Hindi magiging comfortable si Marion dito.

MRS. ASAJAR: Naku, wag na iho. Anong oras na, gabing gabi na. I'm sure nagpapahinga na un bestfriend mo.

MARION: Ah eh,

MRS. ASAJAR: Iho, hihindi ka ba sa akin?

MARION: Uhm, sige po. Dito na lang po ako matutulog.

MRS. ASAJAR: Salamat iho. Pahihiramin na lang kita ng damit ng Kuya ni Issai.

MARION: Wag na po, meron na naman po akong damit sa kotse ko.

MRS. ASAJAR: Ah ganun ba? Issai, samahan mo siyang kunin un damit niya sa kotse niya.

KARISSA: Ako?! Bakit ako, Ma?

MRS. ASAJAR: Issai, of course ikaw. Hindi naman puwede si yaya mo or si Manong.

Hay naku, hindi ko alam kung nanaginip ba ko,

This is such a NIGHTMARE!

Isipin mo nga, dito matutulog si MARION GATCHECO ,

Oh erase that, he's MARION GOTIANGCO,

Well, wala naman akong magagawa kaya sinamahan ko na rin si ,Marion,

As of now, kinukuha niya sa compartment un gamit niya,

KARISSA: Hindi ko na tatanungin kung bakit ayaw mo umuwi sa inyo. Dahil obvious na rin naman un reason.

MARION: So? Ano gusto mong sabihin?

KARISSA: Kahit ano naman gawin mo, uuwi ka pa rin sa inyo.

MARION: Karissa, ok na. nakuha ko na mga gamit ko. Halika na.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Kde žijí příběhy. Začni objevovat