Nanatili lang akong nakatayo sa harap n'ya. Wala akong masabi kasi hindi ko alam.

"Kinilig ka naman?"

Biglang bumalik ang wisyo ko. Shit, bakit ko nga ba kasi s'ya tinitigan? Kasi ang ganda ng boses n'ya.

"Ganda ng boses mo, infairness!"

Tumalikod agad ako at nagmamadaling maglakad palayo sa kanya. Napapikit ako ng mariin dahil sa sobrang kahihiyan. Bakit ko nga ba kasi s'ya tinitigan?

"Tss..."

Mabuti na lamang ay iyon na lang ang narinig ko sa kanya dahil baka magka-world war 3 na naman kapag inasar asar n'ya pa ako.

Nang makarating kami sa apartment, sa pinto pa lamang ay naririnig ko na ang hagalpakan ng tawa nila Harold. Nangunguna talaga si Harold dahil palagi namang una sa kaharutan ang isang iyon, eh.

Pagkabukas ko ng pintuan ay napalingon si Cash sa akin. Malapad ang ngiti n'yang sinenyasan kami na pumasok.

"Pasok kayo, feel at home!" Ani Cash.

Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Ayos, iyan Cash. Feeling ikaw ang may ari ng bahay." Sarkastikong sabi ko sa kanya.

Nag-pogi sign pa s'ya at inalis na ang tingin sa amin. Nilingon ko si Uno sa likuran ko. Nakakabit pa rin sa tenga n'ya iyong earphones n'ya. Parang hindi n'ya nga narinig 'yong sinabi ni Cash, eh.

"Hoy."

Sinubukan ko s'yang tawagin pero hindi nga talaga n'ya ako naririnig kaya pinabayaan ko na lang. Pumasok ako ng diretso sa loob ng apartment at naki-salo sa kanila. Hindi pa naman sila nag uumpisang uminom...

Naghahalo ako ng chaser nang umupo si Uno sa tabi ko. Napabaling ako ng tingin sa kanya. Nginitian n'ya lamang ako ng isang matamis na ngiti. Pero ikinainis ko lamang iyon. Para kasing nang-aasar 'yong ngiti n'ya, eh.

"So, hindi na naman iinom si Madeline?" Tanong ni Cash at sinulyapan si Madeline na nag-aayos na ng DVD.

"Ano pa bang aasahan ninyo, hayaan n'yo na iyan." Si Roxy na inilalabas ang mga chips na binili n'ya pa sa 7/11.

"Hayaan n'yo na si bunso, may isa manlang sa atin na matino." sagot ko.

Alas otso ay nagpasya na kaming magsi-uwian. Hindi na kami nagpatagal pa dahil baka abutan na naman kami ng curfew katulad ng dati.

"Ang aga naman nating umuwi," reklamo ni Uno sa akin.

Kami na lamang dalawa ang naglalakad sa eskinita. Iba kasi ang daanan nila sa papunta sa bahay namin.

"Baka kasi maabutan tayo ng curfew."

Nilingon ko s'ya. Ngayon ay hindi na nakakabit sa tenga n'ya iyong earphone. Kitang kita ang namumungay n'yang mga mata sa ilalim ng liwanag ng mga street lights at buwan.

Blurd na ang paningin ko dahil medyo lasing na ako. Kanina pang alas kwatro kami nag-umpisa kaya ganito na ako. Nag angat ako ng tingin kay Uno. Nanliit ang mga mata ko habang tinititigan s'ya. Malabo na kasi ang mga mata ko sa kalasingan.

"Bakit tumigil ka sa paglalakad?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Iiling iling na umupo s'ya at tumalikod mula sa direksyon ko.

"Bakit ka nakaupo d'yan?"

"Sakay."

Naguguluhang tinitigan ko ang malapad n'yang likod. Kahit na bata pa s'ya ay hubog na ang tindig ng kanyang pangangatawan.

"Bakit ako sasakay sa likod mo?"

"Sasakay ka ba o kakargahin na lang kita?"

Hindi ko pa rin talaga maintindihan ang gusto n'yang mangyari. Nanatili akong nakatayo habang nakatitig pa rin sa likuran n'ya.

"Tumayo ka na nga d'yan, gusto ko ng umuwi," reklamo ko.

Nagulat ako nang bigla s'yang tumayo. Kahit na nanlalabo na ang mga mata ko ay nakita ko ang pagka-irita sa mga mata n'ya pero hindi ko na lamang iyon pinansin. "Tatayo rin pala, eh."

Tumalikod na ako, pero bago pa ako makalayo mula sa kanya ay nagulat ako dahil bigla n'ya akong binuhat. Parang biglang bumaliktad pati ang sikmura ko dahil sa ginawa n'ya. Nawala yata ang lasing ko.

"H-hoy! Anong ginagawa mo?!" Uutal utal na tanong ko sa kanya.

"Lasing ka na, kung hindi mo alam na lasing ka na."

"Alam ko, kaya nga pinagmamadali kita, eh!" Hinampas ko ang dibdib n'ya pero nanatili s'yang matigas at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ibaba mo na 'ko, kaya ko pa namang maglakad!"

Patuloy ko s'yang hinampas sa dibdib hanggang sa mainis na yata s'ya at huminto s'ya sa paglalakad. Bumaba ang tingin n'ya sa akin. Tinuloy ko ang paghampas sa dibdib n'ya. Naiilang ako na nakahawak s'ya sa hita ko at nakakapit ang isang braso ko sa leeg n'ya. Ito yata ang first time na mailang ako sa lalaki.

"Isa pa, Jamilienne. Hahalikan talaga kita."

Napahinto ako sa paghampas sa dibdib n'ya. Did he mean it? Dahil sa sinabi n'ya ay napasulyap tuloy ako sa labi n'yang mamula mula. Napalunok ako dahil 'don.

Umiling s'ya at nagpatuloy na sa paglalakad. Wala na akong nagawa pa kung hindi ang kumapit ng maigi sa leeg n'ya habang s'ya ay seryosong naglalakad. Nawala ang lasing ko dahil sa pagkarga n'ya sa akin. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at nahimasmasan ako. I don't know, why. But I feel something inside my stomach. Parang may paru-parong nagliliparan sa loob ng tiyan ko.

"Ibababa na kita, baka makita tayo ng lola mo kapag sa harap ng bahay n'yo pa kita ibinaba." He said then ibinaba n'ya nga ako.

Pagkababa n'ya sa akin ay napayuko ako. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Nahihiya ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Let's go."

Nauna na s'yang maglakad kaysa sa akin kaya sumunod na rin ako. Hindi na kami nag-usap pang muli sa buong paglakakad namin. Akala ko at hindi na n'ya talaga ako kakausapin pero nang nasa tapat na ako ng bahay namin ay hinawakan n'ya ang kamay ko. Nagtatakang nilingon ko naman s'ya.

"Bakit?"

Umawang ang labi n'ya. Hindi s'ya agad nagsalita kaya nagtaka na ako at hinila na lamang pabalik ang kamay ko. Naitikom n'ya ang bibig n'ya at napayuko bago ako muling tiningnan.

"Pasok ka na, see you tomorrow."

Tumango lamang ako at nagmamadali nang pumasok sa loob ng bahay. Todo todo ang pagtambol ng puso ko. This is not the first time I felt this way and I know that I'm in trouble.

***

Super late update 🙈

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now