13

4.8K 149 2
                                    

*Time Skip*
Alexis' POV

Lahat kami ay nag-aayos ng ground floor para sa opening ng Fund Day bukas. Kahit nakakapagod, go parin kasi nakakatamad umupo eh. Atsaka kahit pinilit lang ako nila Myles na tumulong, okay lang din kesa naman na wala akong gawin kundi matulog.

"Shit." I cursed under my breath. Eh paano ba naman kasi, antaas masyado ng didikitan ko ng bandiritas. Eh alam naman nila na 5'1 lang ako. I'm Little Miss Bliss, the diminutive dynamo.

Triny ko uling abuting yung pagdidikitan, but I just can't. Humanap ako ng pwedeng tumulong sa akin, pero lahat sila may ginagawa. Maliban nalang sa mga Campus Hearthrob. Kinuha ko agad yung phone ko sa bulsa ko at tinext si Migz.

To: MigzPogi
Migz! Tulungan mo naman ako dito!

Pagkatapos kong i-send, tinignan ko si Migz kung natanggap niya yung text ko, and I'm glad he did. But the problem is, he just looked at me with pity in his eyes and gave me a smirk. Humanda ka sa akin pag-uwi.

"Oh ano DeVeira, di ka parin tapos diyan." Pang-aasar ni Joshua. Baliw 'to ah. Nilapitan ko siya at hinampas siya sa balikat.

Habang tumatagal, at wala naman ding tumutulong sa akin. Unti-unti na akong tinamad, hanggang lumapit sa akin si Jun, yung Chinese na marunong magtagalog.

"Hello Ms.Bliss." Bati niya. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya. Kinalabit ko siya at sinabi ko sa kanya na siya ang mag-dikit sa matataas na parte, which he gladly accept. Tinulungan ko rin siyang magdikit, kaso sa baba nga lang.

Patapos na kami nang biglang may nag-text sa akin.

From: Unknown
Hello crush hehehehe :3

Sino na naman 'to? I tapped reply and I composed a message for this 'unknown' number.

To: Unknown
Who the hell is this?!!

And send. Baliw na 'to ah. Agad naman siyang nag-reply.

From: Unknown
Hays, ako 'to. Si Anonymous.

S-siya na naman?! Paano niya nakuha yung number ko?! Sino na namang lapastangan ang nag-bigay ng number ko sa kanya?! Humanda talag 'to kapag malaman ko kung sino 'tong nasa likod ng Anonymous na 'to.

In-ignore ko nalang yung message niya at bumalik sa pag-tatrabaho.
〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰
Stalker's POV

Hiningi ko sa 'matalik' kong kaibigan yung number ni Alexis. Di na rin akong mahihirapan mag open ng account sa Twitter or Instagram.

"Salamat. Babawi nalang ako." Sabi ko sa kanya bago i-text si Alexis.

To: Alexis babe💕
Hi crush hehehehe

Tinignan ko siya sa malayo at nakita ko naman na natanggap niya yung text ko. Nag-paligoyligoy siya ng tingin na para bang hinahanap niya ko. Tumingin siya sa phone niya at at text.

From: Alexis babe💕
Who the hell is this?!!

Aw, that's cute. Napangiti nalang ako basta basta at nireplyan siya.

To: Alexis babe💕
Hays, ako 'to. Si Anonymous

Pagtapos nun ay di na nag-reply si Alexis. Kaya naisipan ko munang umupo sa bench malapit sa pinag-gagawaan nila Alexis. I saw Jun helping him, and I feel upset. I'm jealous.

Naramdaman ko naman may humawak sa balikat ko and it was my bestfriend. Siya ang palagi kong kasanggi sa lahat ng problema. At siya rin ang tumutulong sa akin para mapalapit kay Alexis.

Stalker (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن