Chapter 64.4

2.7K 53 7
                                    

Guys, you must read the authors note after you read this chapter. Important announcement is written there ^_^



Chapter 64.4



Yona's POV




Pagkalabas ko ng bar lalo pa 'kong naiyak. Bakit may ganon? Bakit nagawa ni Gino yung ganun bagay?




Ang dami dami kong tanong na gustong masagot!




"Yona alam kong hindi ka okay. Ihahatid na kita sainyo." sabi ni Nina.



"Oo nga Yona. Magpahinga ka na lang muna sa bahay nyo." dagdag ni Mexy.



Umiling ako sa mga sinabi nila. "Ayokong malaman nila mommy 'to. Mag-aalala sila, magagalit sila kay Gino. Mexy, Nina sa condo na lang muna 'ko." sabi ko sakanila at patuloy parin ang mga luha ko sa paglabas ng mata 'ko.



"No. Hindi pwede. Hindi pwedeng mag-isa ka Yona, samin ka nalang muna umuwi. Ako nalang magdadahilan kila tita Yorise." sabi ni Mexy.




"buti pa dun na din ako matulog. Mas okay siguro kung sasamahan ka namin." sabi ni Nina.




Tumango nalang ako sakanila bilang pagsagot.




Pumasok na kami sa kotse ni Mexy at umuwi na.




Hindi ko alam kung ano yung tamang sasabihin kay Gino pag nagkita kami. Hindi ko alam kung tatapusin ko ba yung relasyon namin.




May tiwala ako kay Gino kaya hindi ko expect na magagawa nya 'yon. Tiwala ako sa pagmamahal nya saakin. Pero bakit ganun? Bakit nagawa nya?





Lalo pang nag-una-unahan ang mga luha ko sa pagtulo dahil sa mga naiisip ko. Paano nalang kung maghiwalay na kami ni Gino? Hanggan dito nalang ba talaga kami?





Bakit ganito yung mga nangyayari? Hindi ba pwedeng sumaya ng matagal bago yung problema? Kakatapos lang ng issue sa pamilya namin tapos ngayon meron ulit. Nakakainis na yung problema na'yan! Ano bang magandang dulot nito? Sakit? Paghihirap?





"Yona tara na sa loob." sabi ni Mexy, andito na pala kami sa bahay nila..





"Yona may dahilan lahat ng nangyayari, kausapin mo si Gino." sabi ni Nina saakin pagkapasok namin ng kwarto ni Mexy. Hindi kami sa guest room natutulog, mas prepared kami na magkakasama.





"sana nga Nina.. Ayoko ng nangyayari saamin ni Gino.." sabi 'ko sakanya.





Nag-shower muna ako, yung shower na sa guest room ang ginamit ko kasi si Mexy din mag-sho-shower.





Pagkatapos 'kong mag-shower, wala si Nina at Mexy sa kwarto. Nasan ba yung dalawa na'yon. Nagmadali akong magbihis. Kumuha lang ako ng damit sa walk-in closet ni Mexy tapos pagkabihis ko lumabas na'ko agad.






Nasan ba kasi yung dalawa na'yon. Bumababa ako pero napahinto ako dahil sa nakita 'ko.




Si Gino nandito. Kusa na naman tumulo yung luha 'ko nang makita 'ko siya. Nakakainis. Ayoko ng drama pero ngayon makita ko lang siya naiiyak nako.




Napatingin siya saakin kaya tumayo siya sa kinau-upuan niya at naglakad palapit saakin..




"Yorien.."




Pinunasan 'ko yung luha sa pisngi 'ko. "Gino kailangan natin mag-usap.. Please wag kang magsinungaling."




Naglakad ako palabas ng bahay nila Mexy at nagtungo dito sa garden. Nakasunod lang saakin si Gino.





Play Girl meets The Casanova (MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon