Chapter 63

2.7K 41 5
                                    

Chapter 63





Yona's POV


Lumabas ako ng bahay pagkagising ko. Maganda panahon eh, ang sarap maglakad lakad dahil hindi mainit. Ang aga kong nagising ngayon, siguradong tulog pa neto si Gino..

Pero ite-text ko muna sya.

'Good Morning babe! I love love love you! Kumain ka na ha.. I miss you! Muah..' message sent..


Naglakad lakad na'ko habang nakikinig ng music sa iPod ko.


Aayain kaya ulit ako ni Gino na mag-date? Pero kung hindi nya ko aayain, ako na mag-aaya sakanya.. Sana nga okay lang sya ngayon. Alam kong sya yung pinaka nai-ipit sa problema dahil anak sya ni tita Sarah at boyfriend ko sya. Sana naman, hindi umabot sa kailangan ni Gino mamili saamin.



Ayokong makitang nasasaktan si Gino. Hindi pwede yon. At hindi ko hahayaan mangyari yon.


Habang naglalakad ako biglang tumunog yung phone ko.. Si Gino na siguro 'to.


Nang tingnan ko yung screen ko, number lang yung nag-text.


'Magkita tayo sa coffee shop. 11am, ayokong maghintay.. - Sarah ' kay tita Sarah pala galing 'tong message.



Bigla akong kinabahan sa message na'yon. Feeling ko kasi may masamang balak si tita Sarah. Wag naman sana.

--


Maaga akong nagpunta dito sa coffee shop na pinag-usapan namin ni tita, thirty minutes pa bago mag 11am. Hindi kasi ako mapakali sa bahay kaya maaga akong nakagayak. Malapit lang 'to sa condo ni Gino. Pagkatapos siguro namin ni tita Sarah mag-usap pupuntahan ko si Gino. Tapat lang kasi ang coffee shop na'to yung condominium ni Gino.


Nag-order lang ako ng chamomile, sabi nila pampa-alis ng kaba 'to eh. Sana effective.



Nag-wattpad na lang din ako habang naghihintay. Nakakaalis din ng kaba 'tong story na binabasa ko, pano baliw yung mga characters. 8 Ways to Get my Crush yung title, by Monina23.



Habang nagbabasa ako napatingin ako sa building ng conduminium ni Gino. Pamilyar kasi yung lumabas na babae. Nakalimutan ko kung san ko nakita yung babae na'yon. Siguro taga-academy din sya kaya pamilyar sakin.


Siguro kailangan ko ng kumuha ng bagong condo, yung tipong magka-building lang kami ni Gino. Andami kasing babaeng umaaligid sa casanova na'yon. Kailangan bantayan. Hindi naman sa wala akong tiwala. May tiwala ako kay Gino, wala lang akong tiwala sa mga babaeng umaaligid sakanya. Lalo na ngayon, may ka-building syang babaeng sexy tsaka maganda narin, pero mas maganda't sexy ako.


Nabaling yung atensyon ko sa babaeng pumasok dito sa shop. Naka-shades, maputi nakasuot ng sopistikadang damit. Si tita Sarah, dumating na. Hindi ko alam kung ngingiti ba 'ko o ano. Alam kong hindi kami okay kahit wala akong kasalanan sakanya. Mararamdaman mo naman yun sa presensya nya.


"Kumusta ka na?" pambungad saakin ni tita Sarah. Ang formal ng tanong nya. Parang wala silang away ni mommy sa tono ng pagtatanong nya.


"Kaya pa naman po. Kayo po? "


"Yorien, hindi na'ko magpapaligoy ligoy pa. Ayoko nang lumalapit kapa sa anak ko. Ayoko na ng may isang kadugo ni Yorise ang lumalapit sa anak ko. " hindi ko alam kung ano yung isasagot ko. Hindi. Hindi ko kayang lumayo kay Gino.


"t-tita, hindi naman po kami damay sa away nyo ni mommy. Wala po kaming masamang ginagawa.."



"Yorien, kahit na wala ka pang gawin damay ka na, damay na kayo ng anak ko. Kadugo mo ang babaeng nagpahirap saakin. Hindi ko mapapatawad ang magulang mo."



Play Girl meets The Casanova (MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now