Happiest Birthday!

3.3K 43 1
                                    

Chapter 43

Third Person POV

Masayang masaya sila Mexy at Nina dahil birthday na ngayon ng bestfriend nilang si Yona. Isusurprise nila ang kaibigan, katulong din nila sina Dex, Gino at Jedd.

"Boyfriend ok na ba yung drum set? " tanong ni Mexy kay Dex

"oo girlfriend ready na.. " Dex

"Monenz naayos na ba yung piano?? " Mexy

"ah oo haha " Nina

"Baby ok na ba yang saxophone?? " Nina

Nag ok sign lang si Jedd kay Nina

Samantala si Mexy naman ay inaayos ang electric guitar na kanyang gagamitin at si Gino naman ay inaayos ang microphone at ang acoustic guitar.

Nasa stage ngayon sila sa Imperial Academy. Mayroon din silang 17 gifts na hinanda para kay Yona dahil 17 yrs. old na ito. Mayroon ding 17 spumoni na sa ibat ibang lalagyan nakalagay. Nag handa din si Gino ng special na regalo para kay Yona.

May kanya kanya din regalo sina Mexy, Nina, Jedd at Dex kay Yona maliban sa 17 gifts na hinanda nila kasama si Gino..

Maaga pa naman kaya wala pang masyadong tao sa academy.

" Gino okay na ba yung sayo?" Dex

" okay na okay na. Si Yorien na lang kulang " Gino

"buti na lang mabait ako kaya madaming tumulong saatin" pabulong bulong na wika ni Dex

"boyfriend ang tapang ng hiya mo! Tsk. " Mexy

"kayong dalawa tapusin nyo nga muna yang ginagawa nyo! Tsk tsk " Nina

Yona's POV

Excited na'kong pumasok! This is my day! My birthday! Sana naman walang badvibes ngayon araw..

Ang dami din nagtetext saakin ng happy birthday.. Ang sarap talaga ng madaming kaibigan.. Pero sa totoo lang kung gaano karami ang kaibigan ko ganun din karami ang haters ko...

Free day ngayon dahil friday naman kaya mag si-civilian talaga ako..

Nakooowwwss iniisep ko pa lang kung gaano karaming students ang makakasalubong ko at babati saakin. Ang sarap isipin hahaha..

*Imperial Academy*

Simula nang pumasok ako dito sa school hindi pa ako napapahinga kaka-thank you .. Lahat kase nang nasasalubong ko binabati ako..

"happy birthday Yona!" Ran

"thank you" Ako

"happy birthday Yona... Blow out mamaya ha" Drew

"haha thanks.. Sige ba" Ako

"happy birthday Ms. Play Girl " Arcie

Pansin ko lang sa mga classmate ko isa-isang lumalabas? Ano ba meron sa labas??

Naiintriga ako eh.. Makalabas nga din..

Hmmm bakit sila papuntang gymnasium? May event ba ngayon? Bakit di ko alam?

Habang naglalakad ako papunta sa gym ay rinig na rinig ko na ang ingay.. Rock en roll ang peg!

Papasok na sana ako ng gymnasium kaya lang hinarang ako nung papasok na ako..

"bakit?" Ako

Imbis na sagutin ako ng student na humarang saakin ay nilagyan nya ako ng blindfold..

Inalalayan lang nila akong pumasok sa loob pero naramdaman ko naman na tumahimik ang buong paligid na kaninang sobrang ingay.

"bakit tumahimik?" bulong ko sa sarili ko

Play Girl meets The Casanova (MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now