Tumahimik ulit kami. Diba kanina dapat papasok na ko? Eh ano pa bang ginagawa ko dito?

"Why do you work as a maid? Mas matatanda pa kami sa inyo yet nagta-trabaho na kayo?" Napatingin ulit ako sa kanya.

Seryoso na nga muna. Tama na muna biro Mika, umayos ka muna. Yang bunganga mo gagamitin mo din dapat sa makabuluhang salita.

"Ampon lang kasi kami.." Sagot ko.

"Magkakapatid kayo?" Umiling ako.

"Mga sanggol pa lang kami nung iniwan kami ng totoong mga magulang namin kala Nanay at Tatay, dun sa umampon sa min."

"So you mean, iba iba yung magulang niyo pero iisa lang yung nagpalaki sa inyo?"

"Oo. Mahirap kasing ipaliwanag. Basta mahirap lang kami kaya kailangan namin magtrabaho." Sabi ko.

Ayoko ng pahabain yung usapan kasi alam niyo naman yung bibig ko, pahamak minsan, baka madulas pa ko at masabi kong Spy kami at kaya kami nandito ay para sa Diamonds.

"So that explains why you sometimes act weird and innocent.." Tumatangong sabi niya.

"Ewan. Hindi lang siguro kami sanay sa mga pangmayayaman na gamit. Sa bahay kasi papag lang higaan namin, tapos electric fan na luma lang walang aircon. Minsan kandila pa yung ilaw dahil walang kuryente. Nung maliliit nga kami, naranasan pa namin na dalawang araw puro tubig at asin lang ang ulam namin. Pero kahit ganon?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Hindi kami nagreklamo. Kasi kahit nararanasan namin magutom sa pagkain, binubusog naman nila kami ng pagmamahal at pangaral."

Titigan. Yun yung ginawa namin sa loob ng ilang minuto. Medyo nailing ako kaya tumayo ako at pinitik siya sa noo.

"Aish!! How dare you!" Bigla siyang tumayo kaya tumakbo na ko.

Tawa lang ako ng tawa habang hinahabol niya ko at for the first time, nakita kong ngumiti siya. Yung totoo at malaking ngiti.

"Blehhh!" Dumila pa ko saka tumakbo ulit.

Nadaanan pa namin sa sala sila Yumi at Dane na napatigil nung nakita kami.

Di pa din sila tulog? Bakit Mika? Kayo lang ni Vince pwedeng magpuyat? Ay wala palang kami.

"Gotcha!" Hinawakan niya ko sa braso at pinitik din sa noo.

Bigla siyang tumakbo paakyat kaya di ko na sinundan. Pagod na din naman ako kaya pumasok na ko sa kwarto ko.

Infairness may ganung side pala si Vince? Hahaha! Magkakasundo kami kung ganun siya lagi. Pero ngayon....

TULUGAN NA!

Yumi's POV

Lumabas ako ng kwarto ko dahil hindi ako makatulog.

Iniisip ko yung sinabi ni Mika kanina. Yung sumusunod daw kay Ela.

Hayst. Bakit ba kasi hindi pa namin hinahanap yung diamonds na yun nang matapos na 'to?

Oo nga noh? Kung ayaw nila, ako na lang muna hahanap.

Pumasok ako sa mga pintong katabi at kaharap ng kwarto ko. Bukas naman. Ang dami kasing kwarto dito eh.

Siguro nandun yun sa malapit sa kwarto nung apat. Tumakbo ako at pinihit yung katabing pinto nung kwarto ni Dane.

Hmmmm... Wala sa cabinet, wala sa ilalim ng kama. Wala dito, wala don.

"Hayyy. San na kaya yun?" Tanong ko at nameywang.

"What are you doing here?"

"Ay pagong na mabilis!!" Napatalon ako sa gulat at napahawak sa dibdib ko.

My GuardianNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ