"This way." Sabi ni Nadine, sabay hila sa akin papunta sa pinakagitna ng banquet table. Puro mga businessman at businesswoman ang nagkukumpulan doon, panay na nagkukwentuhan. "Dad!"

May napatingin sa amin na lalaking mukhang nasa late forties or early fifties. Siya ang nasa sentro ng crowd, pero inexcuse niya ang sarili niya sa kanyang mga kasamahan at lumapit sa amin.

Nginitian siya ni Nadine. "Dad, si Lance po."

Tumango ang dad niya at inabot yung kamay sa akin. "David Gonzalez, Nadine's father. It's nice to meet you."

I shook his hand and smiled. "Lance Santiago po. It's nice to meet you too."

Napatingin si Nadine sa paligid namin. "Dad, sa'n po si Mom?"

"Nasa lobby, may mga kausap. I think she's looking for you. You should go to her."

Agad na napatingin si Nadine sa akin. Alam kong reluctant siyang iwanan ako. "Ano ka ba. Sandali ka lang naman aalis diba? Don't worry. I'll still be here when you come back." Sabi ko.

She managed a smile and squeezed my hand. Napatingin siya sa dad niya. "Sige po. Excuse me for a while."

I watched her walk away hanggang sa makalayo na siya. Napatingin ako kay Mr. Gonzalez pagkatapos, at nakita kong nakatitig siya sa akin, as though assessing me. "Gaano mo na katagal na kakilala si Nadine?"

"Mga almost two years na po. Pero we only got to know more about each other mga two months ago."

"So anong pananaw mo sa kanya? What is her significance to you?"

Alam kong dapat akong ma-intimidate sa tingin na binibigay niya sa akin. Pero hindi e. Kasi alam kong he's doing this to test me. To see if I really care about his daughter. And I'm determined to exceed his expectations.

Tiningnan ko siya sa mata. "Her significance? She's my girlfriend. The girl that I'm dating. The girl that I'm getting to know more and more the longer I spend time with her. The girl who's as important to me as my own mother. And the girl I'm starting to fall for."

Nakita kong nakangiti na ang dad ni Nadine. "If so, then you pass." Sabi niya, sabay patong ng kamay niya sa balikat ko. "I trust you with my only daughter, so don't you ever dare hurt her. Or else, ang buong angkan namin ang makakalaban mo."

Ngumiti rin ako. "Don't worry Mr. Gonzalez. I'm fully capable of taking care of Nadine."

He shook his head. "Just call me Tito David or Tito Dave."

Tumango ako. Maya-maya'y dumating naman si Nadine, kasama ang isang babaeng halos kasing-edad ni Tito David.

"Ah, so you must be Lance." Ngiti niya sa akin, sabay yakap. "It's a pleasure to meet you. Clarisse Gonzalez, ang mommy ni Nadine."

"Lance Santiago po. And nice to meet you too, Mrs. Gonzalez."

"Oh no, Dear. Don't call me that. Nagmumukha akong masungit na matanda. Call me Tita Clare. Or if you want, call me Mom!" Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko. "Also, take care of our little princess, okay? Pagpasensyahan mo na kung minsan masyadong stubborn or nagsusuplada yan. Na-spoil kasi namin masyado ng daddy niya, pati na rin ng kuya at mga pinsan niya. I'm sure that you'll be able to cut down her bratty personality."

"Mom!" Agad na reklamo ni Nadine, namumula ang mukha.

Hindi ko mapigilang tumawa. Tama nga si Nadine. Magka-ugali talaga ang mga mom namin. Parehong hyper at aktibo masyado. At madalas, nagiging cause for embarrassment.

"Dear, I think we should give the two of them some privacy. Tsaka we have some guests whom we need to attend to." Sabi ni Tito David habang hinihila palayo ang asawa.

"But Dear, kakadating ko palang! Ni hindi ko pa nga nakausap nang matagalan si Lance!" Pagpupumilit ni Tita Clare.

"Later Dear. The guests are waiting for us."

Tumingin si Tita Clare sa akin. "Later, okay?"

I managed a nod. Finally, kahit reluctant nung una, sumunod na rin siya sa asawa niya. Agad silang pinaligiran ng mga katrabaho at mga clients nila.

Biglang nag-sigh si Nadine. "Pagpasensyahan mo na si Mom a."

Napatawa ako. "Tama ka nga. Parehong-pareho sila ng mom ko."

Napatawa na rin siya. Mamaya-maya'y may inabot siyang maliit na box sa akin na nakabalot sa Christmas wrapper. "Advance Merry Christmas. Ngayon ko na lang 'to ibibigay sa'yo since we won't be together on the 25th."

Kinuha ko yun at binuksan. Inside is a silver wristwatch.

"Sorry that it's all I can give. Napansin ko kasing madalas mong tinatanong yung oras sa akin whenever we go out. Kaya I decided to buy you a watch."

"No, it's already enough," tugon ko. May kinuha rin akong box sa coat pocket ko at inabot sa kanya. "Advance Merry Christmas."

Binuksan niya yun and hugged me afterwards. "Thank you! It's perfect!"

"May I?"

Tumango siya at tumalikod. Kwintas ang regalo ko sa kanya. Yung pendant, g-clef na heart-shape yung curve. Simple lang naman kung tutuusin, pero alam kong mahilig sa ganun si Nadine kaya yun yung naisipan kong iregalo sa kanya. Buti naman at nagustuhan niya yun.

"It's the best present ever." She giggled, holding my hand.

Hinalikan ko siya sa pisngi. "Talaga? Pero alam mo ba kung ano ang pinaka-best na present na natanggap ko ngayong Pasko?"

"Ano yun?"


"Ikaw. Kasi all I want for Christmas is YOU."




A/N: The photo above is used for reference purposes only. Credits to the creator/s of the necklace and the owner/s of the photo.



My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon