Chapter 19

110K 842 91
                                    


Chapter 19: All I Want for Christmas Is YOU - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


December 23, 2011


Lance's POV


"Welcome po. Do come in." Ngiti sa akin ng katulong nina Nadine pagdating ko sa tapat ng bahay nila.

"Maraming salamat po." Ngiti ko rin, sabay pasok sa loob. Napansin kong maingay-ingay na rin sa garden sa gilid ng bahay nila. Mukhang madaming tao yung dumalo sa party. Ang dami kasing nakaparadang kotse sa tapat ng gate pati rin sa driveway. "Nasaan po si Nadine?"

"Nasa taas pa po siya, nag-aayos. Bababa na rin po yun mamaya-maya."

Tumango ako at umupo sa sofa sa sala. Pagkalipas ng ilang minuto, narinig ko ang pagbaba ni Nadine galing sa kwarto niya. Maya-maya'y lumitaw na rin siya. "Wow, ang aga mong dumating a."


That was when I looked up and saw her appearance.


Okay, hindi ako magaling mag-describe ng mga damit, kasi technically, I don't really pay much attention to those kinds of things. Ang masasabi ko lang, dark shade ng violet ang kulay ng dress niya, indigo ata, sleeveless at hanggang tuhod. Pero whatever dress she was wearing, it really suited her. Hindi rin masyadong makapal yung make-up niya. Saktong-sakto lang.


Only one word described her.


PERFECT.


Hindi ko na-realize na nakatulala na pala ako sa kanya not until she laughed. "Ikaw ha. Parang masyado nang matagal ang pagtitig mo sa akin."

I faked a snort. "Ako? Hindi no. Nagulat lang ako kasi nagmukha ka nang tao sa suot mo."

Hinampas niya ako sa braso at nag-eyeroll. "Dali na nga. The party is already starting. Baka magtaka si Dad kung bakit hindi pa tayo pumupunta dun."

Sumunod ako sa kanya papunta sa garden. Tama nga ang hinala ko. Ang daming dumalo sa party nila. Ang dami kasing taong naka-gather doon. I couldn't help but be impress. Ang yaman talaga ng pamilya nina Nadine.

"Tito Lance!" Narinig kong may tumawag sa akin pagkadating namin.

Agad na may namuong ngiti sa mukha ko nang makita kong papalapit ang pamangkin ni Nadine na si Charlie. "You've finally arrived. I've been waiting for you. Can we play again?"

I crouched down and laughed. "Sure. What do you want to play?"

"Tag again. And let's make Tita play too." Sabi niya, sabay hila sa kamay ni Nadine.

Napatawa na rin si Nadine. "Sure. But later, okay? After we talk to Papa Dave and Mama Clare."

Tumango ito. Bigla namang dumating si Ate Paula. "Charlie, nandito ka lang pala." Sabi niya, sabay buhat sa bata. Lumingon siya sa aming gawi pagkatapos. "Buti naman at dumating na kayo. Kanina pa kayo hinahanap ni Mom at Dad. They really want to meet Lance."

"Saan po ba sila?" Tanong ni Nadine.

"Nasa banquet table, talking to some of the guests. They're eager to see you."

"Sige. Thanks for telling us, Ate."

Naglakad kami papunta sa isang mahaba at malapad na mesa na puno ng iba't ibang dishes. Ang daming taong nagkukumpulan doon, halos lahat punung-puno ng pagkain ang mga dalang plato.

My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon