Chapter 1

234K 2.1K 86
                                    


Chapter 1: The Meeting by ACCIDENT - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


October 28, 2011


"Ano na naman ba kasi ang pinag-awayan ninyo at nagdadrama ka nang ganyan?!" I asked that question for what seemed like the thousandth time nung araw na yun.

Nagtinginan ang mga tao sa paligid namin. May mga nagbubulung-bulungan pa. Hindi ko tuloy mapigilang umiling. Nakakahiya na kasi 'to e. Pero ang kasama ko parang wala man lang pakialam na pinag-uusapan na siya. Correction. Kami. Kasi naman 'tong baliw kong best friend e. Parang nga namang may sariling mundo. "Bahala na siya! Hindi ko na siya papatawarin! EVER! I don't want to see his face ever again!"

I couldn't help but sigh in exasperation. Paano ko ba naging best friend ang babaeng 'to? Kung makapagdrama, aakalain mo talagang end of the world na. Tapos sa lahat pa ba naman ng lugar na pwedeng piliin, dito pa sa food court ng mall siya gumagawa ng eksena. Hay naku.


Oo nga pala, I almost forgot to introduce myself.


Nadine Beatrice Gonzalez ang pangalan ko. 16 years old and currently in my second year of high school. Born here in the Philippines, but lived in the States before starting my pre-school year. My parents are both Filipinos, pero merong kasamang ibang lahi. Ewan ko lang kung ano, pero parang masyadong komplikado kaya hindi ko na inintindi. May older brother rin ako, but he's already married and is living in America. Pero siyempre naman, we still communicate with each other. Spoiled kaya ako dun.


Back to the subject!


Ang kasama ko pala ay ang best friend kong si Jasmine San Pedro. Ever since the first grade, siya na ang naging best friend ko. Ewan ko nga kung bakit, but we just seem to understand each other too well. Sabi nga ng iba naming mga kaklase, para na daw kaming kambal na pinaghiwalay. Psychic masyado. Magkamukha na nga, halos magka-ugali pa!

"It's over! Maghanap na lang siya ng ibang girlfriend! Kasi ako, ayaw na!" She screamed at the top of her lungs.

I sighed again. Tapos, I crossed my arms at tiningnan siya ng diretso. "Ba't nga kasi kayo nag-away?"

Kumuha siya ng tissue mula sa table and blew her nose. Kumuha ulit siya ng mga limang piraso and did the same, tossing them to the side after she finished. EW!

"Hay naku, wala ka talagang kwentang kausap! Akala ko pa naman importanteng-importante ang pag-uusapan natin, tapos sa huli hindi ka pala magsasalita. How am I supposed to help you if you won't even tell me what's the problem?!" Kahit ako tuloy napasigaw na.

"Nakalimutan..." She said through her tears.

"Huh?"

"Nakalimutan niya ang anniversary namin!" She finally snapped, tapos nag-umpisa na namang umiyak.


Yun lang pala?


Tapos halos lahat na ng tao dito sa mall tinitingnan na kami ng masama! Kulang na lang, tawagin nila ang mga security guard tapos ipalabas kami dito! Dahil lang pala sa anniversary nila at nagkakaganito na 'tong babaeng 'to?!

I couldn't help but glare at her. "Dahil lang dun?"

Tiningnan rin niya ako nang masama. "Anong 'lang'?! Second anniversary na namin! Ibig sabihin, we surpassed two whole years of being together! Ibig sabihin, nakayanan namin ang mga challenges! Tapos sasabihin mong walang kwenta lang yun?!"

I rolled my eyes. "E ba't ka pa nagdadrama ngayon kung yun lang naman pala?! Malay mo, may surprise pala siya sa'yo! Wala ka ba talagang katiwa-tiwala sa kanya?!"

Biglang siyang nag-sniff. Tapos, tumigil na rin ang pagtulo ng mga luha niya. Finally! She calmed down! "Kasi naman e. Parang wala na siyang pakialam sa akin! Hindi na kaya kami masyadong nagde-date!"

"At least nga ikaw, may boyfriend." I scowled in annoyance.

She gave me a pointed look in return. "Ikaw rin naman kasi Nadine e. Ang dami-dami namang nanliligaw sa'yo pero wala kang sinasagot! Sayang tuloy yang gandang ibinigay ng Diyos sa'yo!" Ano ba yan? Sa huli, ako pa ang nasermonan!

"Iba naman kasi ang gusto ko e."

Mabuti na lang at hindi na ako na-interrogate pa ni Jasmine, kasi may biglang tumawag sa kanya sa likuran namin. "Beh! Patawarin mo na ako! May regalo ako para sa'yo o! Sige na, peace na tayo!" A guy with spiky, dyed brown hair immediately ran towards us.

Agad-agad namang tumayo si Jasmine, tapos inayos ang mga gamit niya. "Nadine, halika na. Biglang sumama pakiramdam ko e. I need to go home. NOW."

Tumayo na lang rin ako and grabbed my bag and books. Pero instead na sundan si Jasmine, hinila ko siya papunta sa guy, tapos tinulak. The guy immediately caught her.

"Good luck sa date niyo a!" I couldn't help but grin a little. I immediately ran as fast as I could.

"Nadine! How could you?!" Sigaw ni Jasmine.

Sorry talaga Jasmine! This is for your own good naman e. Habang nagdadrama ka, I already texted Clark and told him to come here as fast as he could! Baka pa kasi matagalan pa ang usapan natin kung hindi ko pa siya tinext! Peace na lang tayo!

Sa sobra ko namang pagmamadali, hindi ko napansing may tao pala sa harapan ko.


And suddenly...


SLAM!


"Oh my gosh! Sorry talaga. Nagmamadali kasi ako e. Hindi ko nakitang may tao pala sa daanan." I immediately apologized and grabbed my books. Sana naman wag magalit ang taong nabangga ko! It was an accident naman e!

"Okay lang yun." Sabi nung nabangga ko.

Bigla akong napatingin sa kanya.


OH MY FREAKING GOSH!


Nananaginip ba ako? Or is it just my lucky day? Kasi, ang GWAPO talaga ng lalaking nasa harapan ko! Para siyang model tingnan, medyo tan tsaka matangkad pa, mga 6 feet. I couldn't help but stare at him.

Nginitian niya ako. "Meron bang dumi sa mukha ko at kanina ka pa titig na titig sa akin?"

I blinked. "Excuse me? I just thought that you looked familiar kaya ako napatingin sa'yo!"

He actually snorted. "Talaga lang ha? Kung ako naman ang tatanungin, para kasing you were checking me out."

"In. Your. Dreams!" I yelled as I immediately stood up and ran as fast as I could.

This time, tiningnan ko na talaga ang dinadaanan ko. Ayoko nang may makabangga pang ibang aroganteng lalaki! Lucky day? More like WORST DAY EVER.


Pero before I was able to turn around the corner and run to the exit, I heard him call after me and say.


"Ingat ka sa pag-uwi mo ha! Baka may mabangga ka na naman!"




A/N: GIF used is not mine. Credits to the owner/s.



My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon