C27: The Queen Bee (part 2)

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakita ko naman na lumapit si Andy sa kanya upang itayo ang bago naming kaklase. Kitang-kita ang pagkagulat sa mga mata nito pati rin ni Summer.

Ano ba talaga ang katotohanan?

Simula noong araw na yon, hindi na tumigil ang lahat sa pagpapahirap kay Freya.

Minsan nakikita ko na lang si Freya na tumatakbo papunta sa rooftop. Naalala ko ang sarili ko sa kanya. Ako rin ang ginaganyan dati. Ako ang umiiyak. Pero ngayon, isa na ko sa mga nananakit.

Bakit hindi ako masaya? Bakit parang may kulang pa?

---

Nakarinig ako ng isang magandang tugtog. Tinignan ko si Freya na nag-iisa lang sa classroom habang hawak niya ang itim niyang flute. Malungkot at medyo matinis ang tono ngunit maganda naman sa pandinig. Hindi ko alam na marunong pala siyang tumugtog ng flute.

Noong mga panahong iyon, hindi ko talaga siya maunawaan. Hindi ko alam kung bakit tila napakaimportante ng pagiging Queen Bee. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng nakakataas hanggang sa unti-unti na rin akong nagiging isang Summer Dela Vega.

---

"Nabalitaan ko na madami ka raw kinakalat na chismis tungkol sa akin." Hinatak ako ni Summer sa loob ng c.r at tinitigan ako nang masama bago muling nagsalita. "At sinasabi mo rin na dati ko pang sinisiraan sila Maeri at Anne. What the hell is wrong with you, Amanda?!"

"F.Y.I, hindi chismis ang lahat ng iyon. Nagsasabi lang ako ng totoo." Tinanggal ko ang mahigpit na paghawak niya sa braso ko. "Anong gagawin mo, Summer? Pabagsak ka na nang pabagsak ngayon."

Umirap siya at muling pumameywang.

"Tandaan mo Amanda, kung hindi dahil sa akin, wala ka diyan sa kinatatayuan mo. Kung hindi kita tinulungan, sana nandun ka pa rin sa rooftop at umiiyak. Hindi mo ba naalala? Amanda the loser?"

"Oh c'mon Summer. Katangahan mo yan, wag mo sakin isisi ang mga ginawa mo dahil unang-una, hindi ko sinabing tulungan mo ako." Tumingin ako sa malaking salamin. Naglagay ako ng lip gloss at nagpatuloy sa pagsasalita. "Isn't it ironic?" Lumingon ako sa kanya.

Nanatili lang siyang nakatayo habang tinitignan ako.

She's dumbfounded, huh?

"Dati ako yung kawawa. Dati ikaw ang nasa taas. Pero ngayon, baliktad na. Anong feeling Summer? Ang feeling maging si Amanda the loser? Maging si Freya? Anong feeling maging si Alex? Sabihin mo sa akin Summer, anong feeling ng nasa ibaba?"

"Fck you."

Pagkatapos niyang sabihin ang mga yon ay tumalikod na siya at umalis.

---

Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung tama ba ang mga ginawa ko. Hindi ko alam kung para kanino, kung para saan. Basta ang alam ko, ginawa ko ang dapat. Ngunit nagtataka pa rin ako sa mga nangyayari, mukhang mali nga.

Ako ang masama. Ako ang demonyo. Ako ang totoong mamatay tao.

---

"Please.."

Nasa harap ko ang umiiyak na si Summer. Kitang-kita ko ang pagmamakaawa niya habang nakaluhod siya sa harap ko.

"Ayoko pang mamatay." Napayuko siya sa mga paa ko at ramdam ko ang pagtulo ng mga luha niya.

Hindi ... wag kang maawa Amanda. Ginawa ka niyang denmonyo. Ginawa ka niyang walang awa. Dapat lang ito sa kanya.

"Itulak mo na siya." Wika niya. "Ano pa bang hinihintay mo Amanda? Itulak mo na siya."

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon