CHAPTER VIII

4.7K 107 4
                                    


"'YANG buhok mo, baka pagbalik mo ulit dito kulay blue na," sita ng nanay ni Girlie habang tila disgusted na disgusted na hinawakan ang buhok niyang caramel brown ang shade. For effect ay pinalagyan niya ang ilang strand ng buhok sa bandang bangs niya ng red. "Kung anong itinino mo noong highschool ka, bawing-bawi mo na ngayon."

Napaismid siya. She had been a naive sixteen-year-old. Para sa kanya ay walang point of comparison. "'Nay, minsan na nga lang ho tayo nagkikita ganyan pa kayo."

Parang napapaso na tinanggal nito ang kamay. "Iyon na nga, minsan ka na lang umuwi dito Girlie at ganyan ka pa. Dito ka na lang ulit tumira kung ganyan rin lang ang epekto sa'yo ng pagbuklod mo."

Hindi siya umimik sa sinabi nitong iyon. Nasa Manila na ang buhay niya. Sa katunayan kapag umuuwi siya doon noong mga nakaraang taon ay saglit na saglit lang siya at tuwing may okasyon lang din. Madalas nga kahit may okasyon ay nagpa-pass pa siya. Initially, it was because she was avoiding Pip and later on, its simply because her life was not there anymore.

Sinamantala naman ng ina ang pananahimik niya para "Kung buhay lang ang tatay mo..." She allowed her mother's voice to be reduced to a low hum, an insignificant background noise. Ayaw niyang isipin ang ama. Namatay ito may tatlong taon na din ang nakakaraan. She was still very much hurt by what he did. Naka-move on na ang nanay at himalang pati ang kuya niya pero bitter pa din siya. In fact, hindi na nabalik pa ang closeness nila dati. And on his funeral, while her mother and brother braved attending the service even in the presence of the legitimate family, she was heavily drunk somewhere in the city. Sa ngayon ay may civil na relasyon sa pagitan ng lehitimong pamilya at ng sa kanila, mayroon din siyang dalawang kapatid sa loob na hindi niya pa nakikilala ng personal. She guessed she was still hurting. Papa's girl siya eh.

Bumalik ang huwisyo niya ng may marinig na mga ingay. Nasa kuwarto sila noon at sa unang palapag ng bahay nanggagaling ang mga komosyon.

"Nandiyan na ang mga bisita ng kuya mo," pakli ng nanay niya na nauna nang lumabas.

She sighed and absentmidedly touched her hair. Hindi siya excited sa kahit anong okasyon. Mas excited pa siya noong magpakulay siya ng buhok.

Tiningnan niya saglit ang itsura sa salamin. She was presentable enough with her billowing skirt and plain black top. Napabuntung-hininga siya ulit bago lumabas ng silid. Mabigat din ang mga hakbang ng paa niya habang pababa ng hagdan. Sana wala si Pip, hindi pa siya ready na makita ito.

Nag tuluyang makababa ay binati siya ng ilang pamilyar na mukha. She smiled whether she knew them or not. An awkward smile that she especially reserved for people she couldn't care less about.

Inakbayan siya ng kuya niya at ipinakilala sa latest girlfriend nito, isang babaeng mukhang shy at timid, kabaliktaran ng kapatid niya. Noon niya lang nakilala iyon dahil ayon na din sa kuya niya ay ilang buwan pa lang ang relasyon ng mga ito. Pero mukha namang nagmamahalan ang dalawa. Ang ganoong klase ng pag-ibig ay hindi niya na inambisyong maramdaman dahil ni hindi niya nga iyon lubusang maunawaan. Okay na sa kanya ang desire dahil sabi nga ni Aliya ay desire ang nagpapaikot sa mundo. And she found it. Kay Pip. Ang kailangan niya na lang ngayon ay maramdaman iyon sa ibang lalake na hindi si Pip. Kahit sino huwag lang si Pip.

"Pare, " Narinig niyang sabi ng kuya niya habang nakatingin sa bandang kanan nila. Nilingon niya ang tinawag nitong pare at nakita ang pinakahuling kumpare nito na ayaw na ayaw niyang makita hangga't maaari, si Pip.

At ang malupit pa doon? He was with Kate. Ang babaeng maganda na by reputation ay alam din niyang mabait. May-ari ito ng arts and crafts shop. Tonight, Kate still look pretty with her hair in a loose pony tail and wearing a dress that screamed sophistication.

Love Comes In Yellow Birds (UNEDITED VERSION/PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon