CHAPTER VII

4.6K 94 2
                                    


ANG lakas lang ng kabog ng dibdib ni Girlie habang hinahalikan si Pip. Kaya nga siya napa-beer bigla. Well, napa-beer din siya dahil gustong pamukhaan ang 'soft option' ni Pip pagdating sa inumin, secondary na lang ang lakas ng loob na gusto niyang ipunin. But it was still a kiss that she long wanted from him, Pip owed her this. Utang ang turing niya sa kanya ang halik na iyon na ipinagkait nito sa kanya dati. Gayunpaman ay para lang siyang nakikipaghalikan sa estatwa, ni hindi man lang ito kumikikilos at hindi rin nagre-respond. Kung ibang lalake lang siguro ang hinalikan niya ay nakaramdam na siya ng hiya sa sarili.

But because it was Pip, she upped her game instead. Her lips slowly moved against his, tasting, biting and teasing.

Still, she wasn't ready for the response she received from him. Nang finally ay gumanti ng halik si Pip, pakiramdam niya ay siya na ang may utang na loob dito. He was an awesome kisser, she would give him that. Demanding and giving at the same time. Namalayan niya na lang na nakapulupot na ang mga braso niya sa batok nito. She didn't want to let go. Kahit kailangan nila pareho ng hangin, ayaw niya pa rin humiwalay hangga't maari. But they had to. Humans as they are, they had to breathe.

Pero hindi niya tinanggal ang mga braso niya sa pagkakayakap sa batok nito. She then bravely looked into his eyes and saw his desire mirroring her.

"I want you, Pip. I want you now." God, it felt damn good to finally say those words. Akmang may sasabihin pa si Pip pero hinalikan niya ito ulit. This time there was a sense of urgency with her kiss. Ayaw niyang makapag-isip pa si Pip, tinanggihan na siya nito dati at maaring tanggihan na naman siya nito ngayon. Ayaw niyang bigyan man lang ito ng pagkakataon na gawin iyon.

Katulad kanina ay tila reluctant pa din ito na halikan siya. But she persevered and won him over.

After doing 'it', neither of them moved. She was breathless and in slight pain. Pakiramdam niya sensitibo masyado ang buong katawan niya. She could feel anything and everything. But eventually, logic kicked in, the Girlie she knew came back. Marahan niyang itinulak si Pip palayo sa kanya.

She heard him mutter. "I'm sorry."

At hindi niya alam kung para saan ang inihihingi ng paumanhin nito. Pakiramdam kasi niya ay isa ito sa mga sitwasyon na walang kahit na sino sa kanila ang dapat humingi ng sorry. She felt very, very mature all of a sudden. So she said, "I'm not."

They dressed in silence and Pip just made himself decent when she heard the sound of a door opening and then footsteps.

Nagkatinginan sila nila Pip. She saw hesitation in his eyes and she didn't like that so she said, "Leave."

And leave he did. Halos kasabay lang ng paglabas ng pinto ni Pip ang pagbaba ni Aliya ng hagdan. Likod lang ni Pip ang nakita nito.

"Sino 'yon?"

"Nobody," maagap niyang sagot, pasimpleng hinagod ng daliri ang nagulong buhok. Tinaasan siya n Aliya ng kilay. Namamaga ang mata nito, halatang kulang pa sa tulog. Kaya pinuna niya kaagad iyon para maiba ang usapan. "Ang laki ng eyebags mo. Bakit ba nagising ka kaagad?"

May sinagot si Aliya pero hindi niya masyadong narinig. Na kay Pip na ulit ang utak niya.

Hindi niya din alam kung bakit parang roller coaster ang emosyon niya. Kung anong ini-high kanina sa mga bisig ni Pip ay iyon naman ang ikinabulusok pababa. She's now feeling miserable. Gustung-gusto niya nang itanong kay Aliya kung normal lang ba iyon pero ewan niya kung bakit hindi niya magawa.

Noon naman siya naka-receive ng sunod-sunod na text mesages. Halos lahat ay galing sa mga dati niyang naka-date o bagong hopeful na i-date siya. She deleted all their messages. Wala na siyang interes. Samantalang ang huling mensahe naman ay galing sa Kuya Jess niya. Nire-remind nito na kailangan niyang umuwi sa weekend dahil birthday nito. Huwag na huwag daw siyang mawawala at huwag na din magtangkang gumawa ng excuse para hindi makarating. Lagi niya kasing ginagawa iyon at dinadaan na lang sa magarbong regalo para bumawi. Mukhang sawa na ang kuya niya sa ganoong setup.

Love Comes In Yellow Birds (UNEDITED VERSION/PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon