CHAPTER III

5.4K 133 8
                                    

SIGURO may magic ang origami dahil mula ng dumating iyon at bumuti-buti na ang pakiramdam ni Pip. Unti-unti ay nakakalabas na siya sa daigdig ng self pity at misery. He started communicating with friends again, kahit pa iyong common friends nila ni Kate, Kamusta, pare? ...Oo, wala na kami...You saw her? Imbes din na ang mommy niya ang humingi ng update ay siya na ang nagbabalita dito, Im okay My...No, hindi ako nakikipag-date...No, Im not lying.

Nag-iisip na din siya kung saan magandang mag-apply. Business Administration ang kursong tinapos niya, hindi naman nawawala sa uso ang negosyo, nagbabago lang ang trend. But if possible, he wanted to work somewhere nearer. Gusto niya na doon na lang tumira.

Sumilip siya sa binatana. Kanina niya pa inaabangan ang mag-iiwan ng origami pero hindi pa dumating. Napagpasyahan niyang panahon na para makilala niya iyon. May isang linggo na rin na nagpapadala iyon ng kung anu-anong mensahe araw-araw, poems and one-liners, all written in the wings of the origami bird. Akala niya dati kapag binulatlat niya ang dilaw na art paper ay may mensahe pa sa loob niyon pero wala na pala, nasa pakpak lang. Nabanas lang siya dahil hindi niya alam kung anong tupi ang gagawin para maging ibon ulit iyon.

Wala ding tiyak na oras, minsan sa umaga paggising niya ay nakadapo na ang papel ibon sa parehong halaman. Minsan ay sa tanghali o kaya ay sa hapon. Ang hirap matiyempuhan, sa totoo lang.

Sa dalawang bagay lang siya sigurado. Una ay tiyak na babae iyon. It was the handwriting that gave her away, too neat, too artsy, too girly. At ang pangalawa, modesty aside, pero tiyak niyang may gusto din iyon sa kanya. Hindi naman ito mag-aaksaya ng panahon na gawan siya ng ibon araw-araw, sulatan iyon at dalhin sa bahay niya kung hindi. Pero ang mas obvious na ebidensiya ay ang mga mensaheng hatid ng yellow birds. Lalo na ang mga tula.

Now, he always thought that poetry was beyond him. Nasa Earth siya at ang mga gumagawa at nakaka-appreciate ng tula ay nasa Mars. Kapag may nababanggit na tula, ang una niyang naiisip ay si Shakespeare at ang mga thou at thee nito na nagpapahilo sa kanya. Pero iba ang mga tula at pati one-liners ni Ms. Yellow Bird, or so he calls her in his mind.

Iilang linya lang naman pero malakas ng dating, kumbaga sa alcohol, may sipa. O baka naman bias lang siya dahil again, modesty aside, alam niyang para sa kanya iyon.

Pero nagdaan ang buong maghapon na walang kahit na sinong pumunta man lang malapit sa pintuan, wala siyang gate kaya very accessible iyon sa madla. Hanggang kumakain na siya ng dinner sa tabi ng bintana, na ipinakisuyo niya sa boy, ay walang origami na dumating.

Pakaunti na rin ng pakaunti ang mga tao sa kalsada habang lumalalim ang gabi. At past nine he gave up, disappointed. Maybe the girl broke her arm and had to stop making origami, maybe she just got too busy. Maybe she decided to send them to another guy in the neighborhood.

Patayo na siya ng mamataan ang isang dalagitang papunta yata sa tindahan ni Nana Ading. She was small and thin with long hair that reached her waist, laging nakalugay iyon. Alam niya dahil ilang beses niya nang nakikita ito sa tindahan. He could also clearly picture her face, cute delicate nose, full lips, a tiny mole on her chin and her eyes...her eyes are remarkable. They were round and startling and laced with long thick lashes and there was something else. Isang bagay na kakaiba sa mga mata nito na hindi niya alam kung ano.

Madalas nga ay iniiwasan niyang tingnan ito dahil baka mapagkamalan pa siyang pedophile. But she was lovely and when most girls as lovely would flaunt their beauty, ito naman ay tila hindi aware kung gaano ito kaganda. Ang suwerte ng mga ka-batch nitong lalake. One day, she could break a lot of hearts, or not. Dahil mukha naman itong good girl. As long as she doesnt fall for some idiot rock singer, shell be fine.

Love Comes In Yellow Birds (UNEDITED VERSION/PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon