Secret no.04: Forbidden Rules

2.8K 57 7
                                    

NAKATAYO LANG AKO SA HARAP NG PINTO ng deans office. Nakatitig lang kao sa bawat letter na nakalagay sa may pintuan. DEANS OFFICE Mr. Gregory Fausto.

Tok! Tok! Tok! pag katok ko dito.

"Tuloy ka" wika ng tinig na nasa loob.

Magulo ang kwarto ni Mr. Gregory. Halos wala ng mapag lagyan ng picture dahil sa samot saring painting nasa ding ding. Pero mukang isa lang ang pagkakatulad ng bawat tema nito... Walang iba kundi ang kamatayan.

Napalunok ako. Nakikita ko pa ang usok na nagmumula sa likod ng isang malaking upuan. Kasalukan kasing nakatalikod ang dean pag pasok ko. kaya hindi ko kaagad siya nakita.

"Ikaw ba si Joshua?" tanong nito sa akin.

"Ahmmm opo ako nga po!" tugon ko naman.

Secret no.04: Forbidden Rules - - - - - - - - ░ ▒▓▓█D

Unti unting umikot ang upuan. Haiii salamat at naaninag korin ang muka niya. Sa totoo lang eh. Mukang nakakatakot itong si Dean. kamuka siya ng mga napapanuod kong kontrabida sa mga pelikula ni fernando foe Jr. May bigote siya at halata na rin ang katandaan.

"Ako nga pala si Mr. Gregory Fausto." ika nito. Habang bumubuga pa ng usok mula sa kanyang sigarilyo.

"Nice to meet you po sir." sabi ko.

"Alam mo bang napaka swerte mo dahil ikaw ay napili ng school namin sa aming libreng scholarship." pag mamataas nitong sabi.

"Maraming salamat po." tugon ko.

Habang medyo napatigil kami sa aming usapan ay nilibot ko pa ang aking paningin sa loob ng silid. May mga pinatuyo rin ditong mga hayop katulad ng uwak, pusa at mga ahas. Napaka wierd naman ng mga collection nito. Sa itaas ng table niya ay maraming papeles at may mga picture ng mga kabataan. Parang mga resume ang dating.

"Meron pala tayong mga rules and regulation dito." wika uit niya.

"ano po yung mga rules??? dito?" sabad ko.

"Unang una. Bawal ang umalis pag gabi. kailangan na matulog kayo sa oras. Sunod. Huwag aalis ng eskwelahan ng walang permiso. Wika ni Mr. Gregory. HIumigop muna ito sa kanyang sigarilyo at muling nagsalita.

"Walang ring papasok sa kahit anong kwarto sa boarding house at sa eskwelahan. Ang mga estudyanteng lalabag sa mga palatuntunning ito ay may katapat na parusa. " Wika niya habang lumalaki pa ang mata.

Napalunok ako. Para narin kaming nakakulong sa malaking bahay nato.

"Opo masusunod ho." pagsisinungaling ko.

"Mabuti na yung malinaw." marahan niyang sabi. " Sige bumalik kana sa klase mo.

Nilisan ko ang kwarto ni Mr. Gregory ng may pagsususpetsa. Unti unti kong binuksan ang pintuan niya sa office at marahan itong sinara.

X~X~X

Agad na akong bumalik sa klase. Nagtataka parin ako sa ma rules and regulation ng school nato. Pero uunahin ko muna tong intindihin ang aming math class. Baka bumagsak pa ako dito.

Natapos din ang Klase namin ng araw nayon. Agad akong nagpuntang kwarto para mag ayos ng gamit. Baka kasi kainin ng mga daga tong gamit ko pag di ko nalagay agad sa cabinet.

Habang niniligpit ako nang mga damit ko at inilalagay ko ito sa designated cabinet na binigay nila ay biglang dumating si Michael. Niyayaya akong lumabas.

"Maya na dude. liligpitin ko muna ito." sabi ko.

Habang akoy nagliligpit ay nakita ni Michael ang sinaunang cellphone ko.

"Dude sayo yan?" tanong niya sabay kuha ng phone ko.

"Oo dude walang duda." sabi ko.

Agad niyang sinuri ang cellphone ko at libre niya itong nilait. Pero para sakin eh expected kona dahil nga naman sa ngayon ay hightech na ang mga gadget.

Nilabas ni Michael ang tatlo niyang hightech na cellphone. Pinapili niya ako. Tanong niya kung ano raw sa tatlo ang sa palagay ko eh pinaka maganda para sa akin.

"Yung nasa kanan." sabi ko.

"Kunin mo dude.' sabi niya.

Maganda ang cellphone touch screen. Nakakamagha.

"Dude sayo nayan." sabi niya sakin ng biglaan.

"Anoooo? hindi wag." pag aapila ko.

"Nako wag mong ng isoli bigay ko nayan sayo. meron pa naman akong dalawa dito eh." pahabol niya.

"Dude salamat " ika ko. "Pero bakit mo ako binigyan ang gantong mamahaling gamit eh bago lang tayong magkakilala?" pahabol ko.

"Okey lang yan dude. hindi ka naman siguro killer diba?'' sabi niya.

"Nako hindi!!!!" agad kong sabi.

Napaka swerte ko talaga sa bago kong kaibigan dito. Biruin nyo binigya pa ako ng cellphone at wag ka dahil hightech. Kumpara ko naman dun sa dati kong cellpohne na panahon pa yata ni Mahoma.

X~X~X

Gabi na ng muli akog lumabas ng kwarto. Sa may sala ay nakita ko si Michael na may mga kausap. Tila mga bago ring tao sa boarding house. Syempre wi nelcome naman nila ako.

Si Rupert sa tingin ko eh mahilig sa mga jokes at makulit. Hindi rin tumitigil ang bunga nga niya sa kakakwento.

Si Ashley isang babaeng tahimik lang. Bookworm daw kasi kaya naman eh parang pipi lang sa gilid.

S Goldie isang babae na mallit lang pero super talino daw nito sa math. Sabi nila.

Nandun din si Patricia na tinalo pa ang red wall paper ng sala sa makinang na pulang suot nito.

Agad kaming nag kagaanan ng loob nag kwentuham kami ng aming mga buhay buhay at nag tawanan din. Syempre aliw na aliw sila sa mga kwento ko. Dahi ako nga lang ang dukha dito.

Pag katapos nun ay tinawag na kami ni Mrs. Patty para kumain na ng dinner. Aba roasted chicken lang naman ang kinain namin at ang pinaka masiba sa lahat ay si Rupert. Ang takaw takaw kumain pero never daw siyang tumaba.

"Ano bayan Rupet nakakadiri ka kumain. Para kang patay gutom." wika ni patricia dito.

Pero tila nanunuya pa itong si Rupert at mas lalong nginasab niya ang pag akin na nasa kayang plato.

"Yucckkkkk!" sabi ni patricia sa nasaksihan.

At sa expression naman yun ni Patricia ay sabay saaby naman kaming nagtawanan.

X~X~X

Busog na busog ako sa kinain ko namin kanina. Na bigla yata tong tiyan ko. pano ba naman eh hindi ko mapigilang kumain ng maramim. lalo na ng napakasarap ng luto.

Sabayan pa natin ng hindi ako makatulog dahil sanay akong mag puyat. napaka aga kasi nag pag tulog dito probinsyang pronsiya ang tulog time. kaya naman eh naiisip ko munang bumaba para uminom ng tubig. Biglang nalang nanuyo ang lalamunan ko.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan namin sa kwarto. Hinakbang ko ang kanan kong paa sabay ang kabila ng walang ingay.

Nakakatakot man sa hallway. Pero pinigil ko ang aking takot. Para naman kong hindi lalaki nyan.

Nasa kalagitnaan na kong hallway ng biglang may narinig akong yabag ng paa. Hinayaan ko lang . Pinagpatuloy ko parin ang pag lalakad ko. Ngunit ng nang simula muli ako sa pag hakbang ay narinig ko ulit ang yabag.

Dun na ako nakaramdam ng takot. Ang alam ko kasi ay ako na lang ang gising dito ngayon.

Unti unti kong nilingon sa likod ang aking ulo at nasilayan ko ang isang babae na nakaputi. Ang muka nito ay natatakpan ng kayang mahabang buhok. at Marahan itong nag lalakad tungo sa akin.

Hindi ako makapag salita. Pilit kong binubuka ang aking bibig ngunit wala namang lumalabas na kahit anong boses. Napaupo ako sa sahig. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya nanam eh pinikit ko nalang ang mata ko.

At bigla nalang may lumabas na tinig sa bibig ko.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!"

Magnum Secrets (Completed)Where stories live. Discover now