Secret no.02: Mr. Nobody

3.2K 72 4
                                    

HINDI AKO KAAGAD NA NAKAPASALITA sa tanong ng lalaking nakaitim na yon. Simula ng nagpakita yung dugyot na lalaki sa computer shop ay sunod sunod na ang mga widdong pangyayari sa buhay ko. at ito na nga ang bago.

"Ikaw ba si Joshua Alumpihit?" tanong niya ulit sa akin.

"Oho ako nga ho!" mahina at mabagal ko na sagot.

Hindi ko alam kung tatakbo ba ako sa sitwasyon na yon o hihingi ng tulong. Para kasing may hindi tama. Wierd????

Ilang minuto rin kaming nasa ganong pusisyon. nag magsalita ulit si Misteryosong mama.

""Lika na sumakay ka sa kotse at gusto kong makausap ang nanay mo." sabay turo niya sa magarbong itim na kotse.

Secret no.02: Mr. Nobody - - - - - - - - ░ ▒▓▓█D

Nakatingin lang si Nanay kay misteryosong mama habang inuubo ubo pa. Si tatay ay wala pa hanggang ngayon dahil namamasada pa ng jeep.

Nakakalbo na si Misteryosong mama. Medyo kulubot na ang balat nito sa mukha at pati narin sa mga kamay. Ang mga kuko naman nito ay kulay abo na tila mamatay na. Ang kanyang mga mata naman ay maliit nakasuot ito ng salamin na halatang nanlalabo na. Nakaitim si Misteryosng lalaki. Gustong suto ko ang tabas ng kanyang tuxido na damit. Astigg! pang mayaman.

"Tiga saan uit ho kayo?" tanong ni nanay na tinatakpan pa ang bibig niya ng isang panyo.

"Bago ko sagutin ang tanong niyo ay magpapakilala muna ako sa inyo. Ako ho si Ernesto Climente. Pinadala ho ako ng Magnum Acadamy para sunduin ang inyong anak." wika nito.

"Teka teka hindi ko maintindihan. Eh wala naman po kaming sinalihang kahit na anong raffle." pagsasalaysay ni nanay.

"Napili ho ng aming computer ang inyong anak upang sumailalim sa isang libreng pag aaral. Ang aming eskwelahan ay nag tuturo hindi lang sa mga may pera kundi sa mga nangagailangan." sabay ngiti ulit ni Mr. Ernesto.

Nakikinig lang ako sa usapan nila. Ang wierd talaga paano naman napunta sa computer nila ang pangalan ko. Ano yun Magic?

"Joshua?" tanong ni Mr. Ernesto sa akin.

"Ho ano ho yun?" marahan kong sagot.

''Patingin ng imbitasyon." utos niya.

Agad ko namang kinuha ang bag ko. Mula dito ay hinanap ko ang itim na imbitasyon na hinihingi ni Mr. Ernesto. Na sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng mga basura ng bag ko. 

Pag kakuha ay inabot ko ito sa kanya. Hindi naman kalakihan ang imbitasyon. Medyo matigas ito na parang cardboard. Ang mga titik na pinag imprenta dito ay kulay silver na pag tinapat mo sa ilaw ay sobra ang kinang. 

Hinawakan ni Mr. Ernesto ang naturang inbitasyon. Sa gilid pala nito ay may maliit na tila sikretong bulsa. Sa bulsang iyon ay  meron isang siyang kinuha na isa pang maliit ng puting papel.

Tumingin muna sa amin si Mr. Ernesto bago pa man niya ito buksan. May pa thrill thrill pa eh!.

Pagbukas niya ng maliit na papel ay wala naman itong nakasulat. Pambihira wala naman pala eh. Kinabahan pa ako. Akala ko naman kung ano.

"Kailangan ko ng dugo mo!" agad na sabi ni Mr.Ernesto.

"Ho???" gulat ko.

"Isang patak lang ang kailangan natin para mabasa ang nakasulat dito." ika niya.

Mas lalo akong nawirduhan. Ano to blood compact? Tumingin muna ako kay nanay. Wala naman akong nabanaag sa muka niya ng pagka bahala. kaya naman eh omoo narin ako. Saka siguro naman ay hindi ko yon ikamamatay.

Magnum Secrets (Completed)Where stories live. Discover now