Secret no.01: The Mysterious Letter

3.4K 71 5
                                    

PAGMULAT NG AKING MATA ay nahulog na pala ako sa kama. Malamig ang semento kaya naman pawang nalamigan ang likod ko. Agad akong bumangon sa sahig tinignan ko ang kama ko. Punyemas parang pinag rambulan ng sang katutak na baboy.

Pag tingin ko sa relo ay ala syete na ng umaga may dalawang oras pa ako bago pumasok. Kaya naman inayos ko muna ang magulo kong kama. at sabay baba ng sala.

Secret no.01: The Mysterious Letter - - - - - - - - ░ ▒▓▓█D

Bumaba na ako ng sala ng nakita ko si Nanay nakaupo sa may sofa. Tila hingal na hingal ito at may mga bula pa ang mga kamay. 

"Nay!" bulalas ko pag kalapit ko sa kanya.

Naglalaba pala siya nang bigla siyang sumpungin ng hika niya. Nako naman o ang tigas kasi ng ulo sabi ng wag ng gagawa sa bahay. Kaya naman ako muna ang nagpatuloy ng labahan. Easing easy yata to!

Sinasampay ko na ang mga damit ng nagising si tatay. Alam ko kahit hindi ko nakikita dahil narin sa lakas ng yabag ng paa nito.

"Kumain naba kayo?" tanong niya.

"Si Joshua hindi pa." sagot ni nanay na nakaupo lang sa sala.

"Joshua lika na kain na tayo!" yaya sakin ni tatay na sa mga oras na yon eh nagtitimpla na siya ng kape.

"Oho tapusin ko lang to. malapit na." sagot ko.

Sa wakas tapos na akong mag sampay kaya naman eh nagpunta na ko sa hapag kainan. Matigas na ang tinapay dahil nahanginan na pero okey pa naman to eh sawsaw ko lang sa kape.

Tahimik nanaman si tatay umatake nanaman ang pagka silent type niya. Ako naman eh nakikiramdam lang. Dun nalang ako nag coconsentrate sa pag subo ko.

Tamang tama yung pag sampay ko. Dahil oras na rin ng new day ko sa pag pasok. Mag punta ulit kaya yung matandang wirdo?

X~X~X

Naabutan ko si Boss Roberto (A.K.A. Boss kamote) pag tungo ko sa comp shop nakanang naman dahil may date daw sila ng asawa niya. Todo porma ito. Naka brown na polo at Jeans.

"Gwaping tayo ngayon boss ah!" bati ko.

"May date eh!' sagot niya. habang nag aayos ng buhok sa may salamin.

Agad na ring dumating ang mga costumer. Aba kakaiba ito kahapon ahhh! punuan. Mukang tiba tiba kami ngayon ahhh.

Agad na nagpaalam si Boss sakin. Nag shades pa siya bago ito umalis.

Ang iingay ng mga bagets na nag lalaro. Puro sigawan! Kakarindi tapos yung iba mga amoy araw pa! susme! naka aircon kaya tong shop.

"Sige tirahin moyan Julius!!! yan sige!" sabi nung isang bata.

"Umalis ka dyan baka matamaan ka!!!" pag pupumiglas naman ng isa.

Minsan pa nga ay hindi sila nakokontento ginagaya pa pati mga sound effect. Haii buhay!!! Sakit talaga sa tenga!

Kagaya ng 

TATATATAT

RARARRRRRARA

Syempre ako naka prente lang dito. kahit papano eh maganda rin ang gantong gawain paupo upo lang pa tingin tingin lang ng time. Easing easy!!!

Biglang ng ring yung cellphone ko. Kinuha ko yon sa bag ko na nakalagay sa ilalim ng counter. Nag dukitin ko na ay may sumamang itim na papel. tinabi ko muna yung cellphone ko sa gilid at tinignan ang itim na papel. 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mr. Joshua Alumpihit

We are please to inform you that you been accepted at Magnum Academy.

Term begins on June 1.

Your sincerely,

Gregory Fausto.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ 

"Ano daw?" gulat ko!

Teka Teka? Wala naman akong idea kung pano nila nalaman ang pangalan ko. Dahil wala naman akong pinifill apan na kahit anong form. O sinasalihang game show? Pano kaya nangyari yun???

Tinupi ko muna ang inbitasyon at tinignan ang text.

Josh bili mo muna yung nanay mo ng gamot pag uwi mo.

Si tatay pala ng text. Siguro mas naging grabe ang nararamdaman ni nanay pag alis ko.

 X~X~X

Agad akong nagpunta sa malapit na butika. Binili ko ang utos ni tatay na mga gamot.

Tapos nun ay sumakay nako ng jeep nakakainis ang tumal ng pasahero nagtagal pa tuloy ako. Kung kailan naman nagmamadali oo!

Habang nag lalakad ako pauwi ay biglang may dumating na isang sasakyan . Magarbo ito yung mga paratang nakikita sa mga pelikula na ang sakay ay mayayaman. Di hinayaan ko lang. Actually pag nagka pera ako ganun din ang gusto kong bilihin.

Unti unti kong napansin na tila sinusundan ako ng kotse. Tila minamatyagan ang mga kilos ko. Nung una hindi ko lang to pinansin. Hanggang pinagpatuloy ko lang ang pag lalakad ko.

Pero di talaga ako tinantanan nang kotseng yon. Hanggang hinarang nako sa pag lalakad. 

Nanahimik ang buong paligid. 

pati ako naguguluhan. Nakakatakot.

Unti unting bumukas ang pintuan ng itim na kotseng yon. At agad na may lumabas na isang naka itim din na lalaki. Unti unti siyang lumapit sa akin at nag tanong.

"Ikaw ba si Joshua?" sabay ngiti nito.

Magnum Secrets (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum