Prologue

23.7K 296 4
                                    

Sa isang mundo ay nahahati sa dalawa. Isa sa mga normal na tao at ang isa ay sa hindi..

"Kamusta ang libro?"

Napatingin bigla ang dalawang tao sa kanilang harap.

"N-naparito ka Lennox?"-nagtatakang tanong ng isang babae na nagngangalang Jenalie. Nakapameywang si Lennox na hinarap ang dalawa.

"Bakit parang gulat na gulat kayo?, Drixzon. Ano ang ginagawa niyo din dito sa labas?. Bakit ayaw niyo pumasok para makita natin ang libro."-saad ni Lennox. Hindi magawang kumilos ang dalawa.

"Kayong dalawa , diba lider kayo ng dalawang distrikto?"-tanong ni Lennox. Tumango ang dalawa. Sa mundong ginagalawan nila ay may tatlong lider ang namumuno. Isa para nga elemento , ang isa naman ay para sa mga kapangyarihan o lakas at ang isa ay ang mga abilidad na hindi mahihigatan ang  ang dalawang nauna. Si Lennox ang may hawak ng unang distrikto para sa mga gumagamit na elemento dahil siya ay gumagamit din na ang elemento ay apoy, malalakas ang mga ito subalit konti lamang sila dahil tanging mga piling pamilya lang ang biniyayaan nito. Si Jenalie naman ang may hawak ng ikalawang distrikto, kung saan nandoon ang mga taong pumapangalawa sa elemento . At ang ang panghuli na distrikto na hawak naman si Drixzon ay puro abilidad ang kakayahan. Hindi sila matatanda at Pare-parehas lang ang kanilang edad na 28. Silang tatlo ang nangunguna sa kanilang paaralan at ang napipiling pinuna ay ang mga malalakas kaya sila ang napiling lider.

Sa ayaw man nila ay wala silang nagawa. Hindi sila payag sa pamamalakad ng tatlong distrikto pero wala silang magagawa dahil sa kanya.

Akmang bubuksan na ni Lennox ang pinto nang hawak ni Jenalie ang kalawang braso nito. Nagtatakang tinignan ni Lennox si Jenalie.

"w-wala"-naibulong na lamang ng babae. Itinulak ni Lennox ang pinto at pumasok siya ng mag isa. Hindi pa man siya nakakalapit sa libro ay napatigil siya at napatitig. Iba kasi ang ibig sabihin pag bukas ang libro. Maraming taon nadin na hindi ito nag bukas. At ang huling bukas nito ay ang labanan sa pagitan ng kanilang tatlong distrikto at sa mga tao. Walang namatay subalit maraming panghuhusga ang nangyari hanggang sa nalaman ng mga ito ang isa pang mundo kung saan walang makakapansin at tanging taong hindi ordinaryo lamang ang makakapasok at ito ay ang Fantasia World...

Napakurap ni Lennox at huminga ng malalim. Kinakabahan na sinilip ang libro.

Ang libro kung saan nakalagay sa loob nito ang mga mangyayari sa hinaharap at ang mga masamang mangyayari.

"The one who stopped the time , Snapping two fingers,
A war with greed will be soon.."

Ito ang nakasulat sa libro.

Napayuko si Lennox. At nalisan ang kwarto kung saan nakalagay ang libro ng propesiya. Nang makalabas ay nakita niya ang dalawa na nakatayo lamang sa gilid ng pinto. Si Jenalie na puno ng takot ang mga mata at si Drixzon na hindi makagalaw sa kinatatayuan.

"nakita niyong bukas ang libro."-saad ni Lennox sa dalawa.

"hindi namin alam ang nakalagay."-sagot naman ni Drixzon.

"The one who stopped the time , Snapping two fingers,  A war with greed will be soon. "-saad ni Lennox. Napatingin ang dalawa kay Lennox.

The Time Holder(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon