VII - Nerea

29.5K 1.3K 91
                                    

VII – Nerea


Isang bus ang naghihintay sa kanila sa isang lugar kung saan marami ring dumating na mga itim na sasakyan. Mga bata na nasa sampung taon hanggang labing lima ang nakita ni Ariadne na nakasakay sa loob nito. Umupo siya malapit sa bintana at tumabi sa kanya ang batang kasabay niya na dumating.

"S-Saan kaya nila tayo dadalhin?" natatakot na tanong ng bata. Nanginginig pa ito dahil sa nangyari kanina.

Hindi niya ito sinagot. Tumingin siya sa labas at nakita na marami na ring gusali sa paligid. Ang konstruktura ng mga ito ay katulad sa mundo ni Addy. Hindi na pamilyar sa kanya ang lugar na kinaroroonan niya. Alam niyang ito ang mundo ng Liyandra ngunit napaka-laki na ng ipinagbago nito. Gaano ba siya katagal nawala?

Umandar ang bus na puno ng mga natatakot na bata. Habang tumatagal ay mas lalong naguguluhan si Ariadne. Wala ni isa sa mga nadaanan niyang gusali ang natatandaan niya. Nasaan ba sila? Parte pa ba ito ng dating Aestora?

Lumabas sila sa siyudad at nadaanan ang kahabaan ng kagubatan.

Mabilis na lumipas ang dalawang oras na byahe para kay Ariadne. Pinakiramdaman niyang mabuti ang paligid. Puno ng makapal na enerhiya ng mahika ang mundo niya. Siguradong mapapabilis ang pagbalik ng kanyang kapangyarihan. Hindi na siya makapag-hintay na muling lumakas at turuan ng leksyon ang mga hangal niyang mamamayan.

Huminto ang bus sa harap ng isang mataas na bakal na gate. Hindi makita ni Ariadne ang kabuuan nito ngunit nasilip niya sa bintana ang mataas at matibay na pader.

Muling umandar ang sasakyan nang bumukas ang higanteng gate at pumasok sila sa loob. Umabot ng sampung minuto bago tuluyang huminto ang bus.

Nang bumaba sila sa sasakyan ay natigilan at namangha sa nakita ang mga bata. Nasa harap sila ng isang kulay puti at lumang gusali. Mukha itong maliit na kastilyo. Ang disenyo nito ay elegante at nakikita lamang nila sa mga palabas sa telebisyon.

Isang magandang babae na nasa kwarenta anyos at naka-kulay puting bestida, ang sumalubong sa kanila. Naka-ngiti ito at may aura ng isang ina na nakapagpa-kalma sa mga bata.

"Maligayang pagdating, ito ang Nerea Mahika Academia. Dito kayo mananatili pansamantala hanggang sa makatapos kayo sa inyong pag-aaral."

Tumingin si Ariadne sa mga letra na naka-ukit sa itaas ng gusali, Nerea Mahika Academia, sa ilalim nito ay nakasulat ang Divine Protectors of Aestora. Ngumisi siya, 'divine protectors'? Mga ipokrito!

Ikinuyom ni Ariadne ang kanyang kamao. Mabilis na dumilim ang kanyang mukha. Sa lahat ng gusali na nadaanan nila kanina, ito lang ang hinding hindi niya kailanman makakalimutan. Dahil ang eskwelahan na ito ay dating tirahan ng kanyang pamilya.


***


Dahil sa mahaba nilang byahe ay pinagpahinga na kaagad sila. Binigyan sila ng mga susi sa kanilang magiging kwarto. Hindi lang ang grupo ni Ariadne ang dumating, na-estima niyang nasa isang daang bata ang dinala rito.

Hindi kalayuan sa puting paaralan, may asul na gusali kung saan nandoon ang kanilang mga kwarto. Kasama ni Ariadne sa isang silid ang dalawa pang mga batang babae.

"Hi, my name si Mika," bati ng babaeng kasabay dumating ni Ariadne kanina. "Ano'ng mga pangalan ninyo?"

"Ako si Nana," sagot ng batang may bangs at maiksing buhok. Naka-suot ito ng purong itim na bestida. May dala itong itim na stuff toy ng pusa. Inaayos nito ang gamit sa kama at mesa, napansin nilang puro itim na pusa ang disenyo ng mga gamit nito. Kinuha nito ang dulong kama sa kanan.

A Taste of Poison [Under ABS-CBN Publishing]Where stories live. Discover now