Chapter 16.2

22.1K 680 102
                                    

Chapter 16.2

"I want you to meet my wife, Mrs. Maureen Sarmiento." Pagpapakilala ni Nathan sa asawa kay Dale Andrew. Mariin niya ring pinisil ang balikat ng asawa upang paalalahanan ito tungkol sa kasunduan nila.


"You don't need to introduce her to me. Kilala ko siya kaya pala nandito rin siya sa mansion. Tamang-tama ang pagkakataong ito because I want to clear some issues between me and Reena." Nakangiting tugon ni Dale Andrew.


"It is not proper to discuss it over our dinner. Let's eat first and we'll talk later." Putol ni Bryan sa mga sasabihin pa sana ni Dale Andrew. Sa pagdating ni Nathan ay malakas ang kutob niya na ngayong gabi ay matatapos na ang problema ng kanyang bunso. Ang susunod naman nilang aayusing mag-asawa ay ang kay Nathan at sa biglaang pagpapakasal nito.


"Halina kayo at maupo na. Masasarap ang mga pinahanda kong dinner natin." Anyaya naman ni Marian sa masiglang boses. Damang-dama niya ang tensiyon na bumabalot sa hapagkainan kay pilit niyang pinapasaya ang atmosphere. "Ikaw Maureen, huwag ka ng mahihiya sa amin because you're part of the family." Baling niya sa bagong manugang na naupo sa tabi niya.


Halos nakatungo si Maureen ng maupo, hindi siya makatingin ng diretso kay Margarette. Kinukutkot siya ng konsensiya dahil sa pakikipagsabwatan niya kay Grace. Mula sa simula ay naging mabuti itong amo at kaibigan tapos heto pa ang iginanti niya rito.


"Welcome to our family Maureen." Kayo rin pala ang magkakatuluyan ni kuya. Sabay tapon ng makahulugang sulyap sa nakakatandang kapatid.


Doon lamang napataas ang ulo ni Maureen ng marinig ang mabait na boses ng kanyang boss. Sa kabila ng lahat ay hindi niya nakaringgan ito ng panunumbat. "Ma'am, I'm sorry...." Nagsimula ng gumaralgal ang boses niya.


"I don't want to hear that again. You're my sister in-law now dapat nga ate na ang itatawag ko sa'yo. Magkwentuhan tayo mamaya." Nakangiting turan ni Margarette. Sa kabila ng mga nangyari ay hindi niya kayang magalit kay Maureen dahil magmula sa simula ay itinuring na niya itong kapamilya.


Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng pumasok ang isa sa mga kasambahay may hawak itong cellphone na walang tigil sa pagtunog.


"Sir, inaayos ko po ang mga damit ninyo ni Ma'am Maureen sa closet kaya lang po kanina pa nagriring ang cellphone ninyo baka importanteng tawag po." Pagpapaliwanag nito sabay abot kay Nathan ng cellphone.


"It's not mine." Malamig na tugon ni Nathan sabay lingon nit okay Maureen.


Nahihiyang kinuha ni Maureen ang kanyang cellphone sa katulong. Bumilis ang kabog ng kanyang dibdib ng makita kung sino ang tumatawag, agad niyang pinindot ang end call button at humingi ng paumanhin sa mga kaharap. Hindi pa siya natatapos magsalita ng muli na naman itong tumunog kaya wala na siyang nagawa kundi ang magpaalam sandali upang kausapin ang nasa kabilang linya. Nagmamadali niyang tinungo ang veranda at siniguro niya na walang makakarinig sa kanya.


"Grace, ano na naman ang kailangan mo? Bayad na ang utang ko sa'yo ah." Naiiritang bungad niya sa kabilang linya.


"Kung inaakala mong tapos na tayo Maureen nagkakamali ka! Hindi ka puwedeng tumalikod sa pinag-usapan nating kung gusto mo pang mabuhay ang pinakamamahal mong asawa." Sabay halakhak nito.


Nailayo pa ni Maureen ang telepono sa kanyang tenga sa sobrang lakas ng boses nito. "Bakit baa yaw mo pa akong tigilan? Tinatapos ko na kung ano man ang napag-usapan natin noon." Nagsisimula ng mag-alala si Maureen para kay Nathan. Naisip niya na kailangan na niya ipagtapat dito ang tunay na pagkatao ni Grace bago mahuli ang lahat.


"That's bullsh*t! Huwag mo akong susubukan dahil baka matulad ka kay Gabriel Monteverde!. Kung ang matandang iyun ay nakaligtas pero ikaw sisiguruhin kong mabubura ka sa mundong ito! Naghihisterikal na sa galit si Grace.


Nanginig ang buong katawan ni Maureen sa narinig at sa pagkatakot ay nabitawan niya ang hawak na telepono. Nanatili muna siya ng ilang minuto sa veranda upang pakalmahin ang sarili at gusto rin niyang mapag-isa sandali upang makapag-isip ng maayos. Muntik na siyang mapasigaw ng may magsalita sa likuran niya.


"Lately, nagiging magugulatin ka, hindi ka naman dating ganyan." Paninita ni Nathan sa asawa. Sinundan niya ito ng hindi na muling bumalik sa dining room.


"Kasi naman bigla ka na lang sumusulpot." Pilit na pinapakalma ni Maureen ang sarili, dahil ng mga kasalukuyang iyun ay talagang nininerbiyos na siya. Nasisiguro niyang lilikha ng malaking gulo ang ipagtatapat niya sa mga ito.


"Sino ang tumawag sa'yo?" May pagdududang tanong ni Nathan. Lumapit pa siya sa kinatatayuan ng asawa at tumabi rito.


"Si Grace iyung tumawag..." Simula ni Maureen at marahang napakagat sa pang-ibabang labi.


"Ano na naman ang kailangan sa'yo ng babaeng iyun?! Hindi pa nga tayo nakakapag-usap ng maayos tungkol sa pinagawa sa'yo ng babaeng iyun nakikipagdeal ka na naman sa kanya." Pagalit na pahayag ni Nathan.


Napabuntong hininga muna si Maureen bago nagsalita. "Nathan, sa'yo talaga galit si Grace."


Gustong mapamura ni Nathan sa narinig. Kung hindi niya sana nalaman na malaki ang inggit ni Maureen sa kanyang kapatid ay paniniwalaan niya ito ngunit naisipan niyang makisakay na muna sa kalokohang gustong palabasin ng asawa.


"Paano siya magagalit sa akin? Hindi ko siya kilala."


"You don't know her pero nagkaroon kayo ng relasyon ng kapatid niya." Mabilis na tugon ni Maureen.


Napakunot ang noo ni Nathan. Inaya niya itong maupo sa isang bench na medyo nasa bandang sulok upang makapag-usap sila ng maayos. 

______________

A.N.

Happy reading. Update ulit ako bukas :)

Deal with the Millionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon