14

33 0 0
                                    

Sandra's POV

Nakasay ako sa kotse ni Blaze at iniisip ang mga pangyayari kanina.

Honey? Saan ba nakuha ng batang 'yon ang mga sinasabi n'ya?

Pakiramdam ko tuloy ay nag init at namula ang magkabila kong pisngi.

Nakita ka'ya 'yon ni Blaze?

Jusko! Sana hindi!

"Hey. Are you okay? Kanina ka pa tulala." bumalik lang ako sa wisyo ng kausapin ako ni Blaze.

"Ayos lang ako." sagot ko dito at bumaling muli sa bintana.

Nakita kong nagkakagulo don sa palenge. Maraming tao at maraming nagsisigawan. At 'yong iba ay nagtatakbuhan na.

Nakaramdam ako ng kaba at pinahinto ang kotse kay Blaze.

"Ihinto mo muna." kinakabahang utos ko sa kan'ya.

Alam kong nagtatakha rin s'ya pero wala na s'yang nagawa pa ka'ya hininto n'ya na lang.

Bumaba na 'ko ng kotse at alam kong naka-sunod din s'ya.

"WAAAA!" sigawan ng mga tao sa palengke habang nagsisitakbuhan.

"Excuse me. Ano pong nangyayari sa loob?" tanong ko sa isang babae na patakbo na sana pero hinarang ko.

"M-may a-armadong lalaki sa loob. M-may hawak na b-baril!" takot na takot na sabi n'ya sa'kin 'saka tumakbo paalis.

"It is not safe in this area ,ka'ya tara na." yaya sa'kin ni Blaze paalis.

Hindi ko muna s'ya pinagtuunan ng pansin ,sa halip ay tumakbo na 'ko at nakipagsiksikan para maka-pasok sa loob.

"Makikiraan." sabi ko sa mga naka-harang na tao sa dadaanan ko.

"PAPATAYIN KO 'TO!" may narinig akong sigaw ng isang lalaki.

Nakita ko ito na may hawak-hawak na baril at nakatutok sa matandang babaeng hostage n'ya.

Nagpupumiglas ang matanda pero pilit na ibinabaon ng lalaki ang hawak na baril sa sintido nito.

"Bitawan mo s'ya." lahat ng atensyon nila ay sa'kin napunta.

"Sino ka?!" galit na sigaw ng armadong lalaki sa'kin.

"Ako ang magpapabagsak sa'yo." naka-tingin lang ako sa mga mata n'ya at ginagantihan ang matatalim n'yang titig.

"Ano?! HAHAHAHAHAHA!" nagulat ako sa biglaang pag tawa n'ya.

"Ayoko sa lahat 'yung tinatawanan ako kapag seryoso ako." seryosong sabi ko sa kan'ya.

"Sinong tinakot mo ,miss?" ngisi-ngising tanong n'ya.

"Ka-ano ano mo ba 'tong inutil na matandang 'to? Diba ,wala?! Bakit nakikialam ka dito! Gusto mo bang ikaw ang unahin ko?!" dahan-dahan n'yang itinapat sa'kin ang baril.

Nadako ang mga mata ko sa kutsilyong nasa gilid ko na ginagamit sa pag hihiwa ng mga karne.

Kinuha ko ito at mabilis na tumakbo papalapit sa kan'ya.

Nang makalapit na ay agad kong hiniwa lahat ng mga daliri n'ya na naka-hawak sa baril.

"AHHHHHHHHHHH!" na-upo s'ya sa lapag dahil sa sakit.

Maging ang mga tao sa paligi ay nagulat dahil sa ginawa ko.

Inalalayan ko ang matandang babae at ibinigay kay Blaze. Sinabi kong doon muna sila sa kotse hanggat hindi ako bumabalik.

Tuloy-tuloy sa pag tulo ang mga dugo mula sa dalirang naputol sa kan'ya.

"Tang*na mo!" mura n'ya sa'kin.

"Hindi lang 'yan ang matitikman mo kapag naulit pa 'to. Sisiguraduhin ko na hindi lang ang mga daliri mo ang mapuputol. Mamanmanan ko ang bawat pag kilos mo." sabi ko sa kan'ya at saktong dumating ang mga pulis.

"Dalhin n'yo na po 'yan sa prisinto." tinuro ko sa mga pulis.

Bumalik na 'ko sa kotse ni Blaze.

"Ija. Maraming salamat. Maraming salamat sa iyo." napa-ngiti ako kay lola.

"Wala po iyon ,lola. Basta po ligtas na ka'yo." tinawagan na ni Blaze ang mga kamag-anak nito at pinasundo.

"Sa susunod na pagkikita natin ,ija." natigilan ako saglit dahil sa sinabi n'ya.

"S-sige po." nasabi ko nalang at tuluyan ng umandar ang kotse.

"Hindi na 'ko magtatanong kung anong nangyari kanina. Mukhang okay ka naman eh. 'Saka strong ka diba." tumawa ako ng bahagya.

Natahimik ako bigla habang naka-tingin sa bintana.

"Tulala ka na naman jan." napa-tingin ako sa kan'ya.

"Para kasing kanina pa may kulang eh." sagot ko dito.

Iniisip ko kung may nakalimutan ba 'kong gawin o puntahan pero hindi ko talaga maalal--

"Si Blaire!" sigaw ko at pinahinto n'ya naman ako kotse.

"Bakit hindi ko naalala na ngayon nga pala ang huli naming practice sa tinikling?!"

Bwisit! Bwisit!

Kasalanan ko na naman!

Hindi ko alam kung ano ng mukha ang ipapakita ko kay Blaire matapos ko s'yang paghintayin kagabi at 'saka ngayon.

"Easy. Magagawan natin ng paaran 'yan. Ako ang bahala." napa-kalma ako sa sinabi n'ya.

Nakarating na kami sa classroom.

Hinanap ko ka-agad si Blaire at nakita ko s'ya sa upuan n'ya habang nagbabasa.

"Blaire." tawag ko rito ,napa-angat naman s'ya ng tingin.

"Sandra." napansin n'ya 'kong malungkot.

"Okay ka lang? Bakit malungkot ka?" lalo tuloy akong nagi-guilty.

"S-sorry..." niyakap ko s'ya.

Alam kong nagulat s'ya pero hinayaan n'ya lang ako.

"Shhh..." pina-tigil n'ya 'ko.

Kumalas ako ng yakap sa kan'ya.

"Sorry kung naghintay ka ng napaka-tagal kagabi. Sorry din kung naghintay ka na naman kanina sa wala." pagpapa-umanhin ko.

Everytime na naaalala kong naghintay s'ya sa tapat ng bahay dis oras ng gabi bigla akong binabagabag ng konsensya ko.

"No. Wala kang kasalanan. Wag ka ng malungkot ,Sandra. Hindi ko alam ang gagawin kapag nakikita kang ganyan."

Napa-ngiti naman ako sa sinabi n'ya.

--

Strong Woman (On-Going)Where stories live. Discover now