PART XVI - MASASAYANG ALAALA

Start from the beginning
                                    

Niyakap ako ng mahigpit ni dustin.

Siguro dala narin ng magkasabik nya ay hinalikan nya ako..

"jane, namiss kita ng sobra"

Naging mainit an gaming sitwasyon sa oras na yun. Hinubaran ako ni dustin.

Ginawa nya ang mga bagay na bukas sa aking kalooban.

Naging mainit ang aming katawan at hindi ko na alintana ang sakit ng aking katawan.

Ang pakiramdam ko sa oras din yun ay ang pananabik kay dustin. Kahit ilang buwan ang lumipas ay parang walang nagbago sa aming dalawa.

Nung natapos kami ay hinagkan ako ng mahigpit ni dustin.

At sabay sabing..

"Jane, Mahal na mahal kita. Kung hindi man tayo sa panahong ito. Alam ko sa ibang pagkakataon, ibang oras at ibang mundo. Masaya tayo doon."

"Ingatan mo ang sarili mo palagi jane" ang malungkot na pagkakasabi ni dustin sa akin.

"Dust, hindi kita maintindihan."

Niyakap ko sya ng mahigpit. Sabay iyak..

Tatlong katok ang nadinig ko at bigla nalang binuksan ang pinto..

"Dustin! Ano to?.."

"Putang*na nyo. Anong kababuyan ang ginagawa nyo dustin!" sabi ng babaye.

"Let me explain Jackie" ani ni dustin

Paaaaaaaakkkkkkkkkkkk!

Isang malakas na sampal ang inabot ko habang nasa higaan ko.

"Hoy jane! Kilala mo ba ako? Kung hindi pa ay magpapakilala ako ng personal. My name is Jackie. Fiance ni dustin and I would like you to know na ikakasal na kmi because I'm already pregnant."

"Wala akong pakialam kung ilang taon ka nakahilata dyan because I don't even care to you. Bi*ch. Please stay away with my man!" Masasakit na salita na binitawan ni Jackie sa akin.

Nanlumo ako sa aking mga narinig. Halos tama nga ang kutob ko. Hindi ko na alam ang mga pangyayari. Hindi ko na alam ang gagawin sa mga oras na yon. Halos hindi ko narin alam ang mga ginagawa ko. Hindi ko na alam kung tama pa ba ito o hindi. Kung totoo pa ba ito o hindi.

Umalis si Jackie at hinabol sya ni dustin. Samantalang ako. Naiwan parin sa kwarto ng ospital.

Pinilit kong hanapin ang orasan na ginamit ko papunta sa panahong ito pero hindi ko Makita. Sa huling pagkaalala ko nasa bahay yun.

Mayamaya naabutan ako ni tatay rene na may hinahanap.

"Iha.. Iha, Jane. Gising ka na. salamat at gising ka na."

Niyakap ko si tatay rene ng mahigpit. Umiiyak.

"Tay, patawad po. Nasabi na ni dustin sa akin ang nangyari kay nanay"

"Iha, wala kang kinalaman doon. Hindi mo hawak ang mga pangyayari jane. Tandaan mo yun. Ang mga pangyayari at nakatadhana ay dapat mangyari jane. Wala kang kinalamat doon" sabi ni tatay rene.

"Pero tay, Alam ko po kung paano. Nagawa ko na po tay." Iyak ko.

"ano? Anong ibig mong sabihin jane? Usisa nya.

Ipinaliwanag ko sa kanya ang mga nangyari sa akin. Kung bakit ako napadpad sa panahon ito at ano baa ng misyon ko at bakit ko napiling bumalik ulit sa panahong ito.

"Tay, Kinakailangan ko lang po ang orasang iyon para makabalik sa oras bago ako naaksidente. Gagawin ko lahat tay para maibalik ko si nanay paola sayo" paliwanag ko.

Sigaw at galit ang naging sagot sa akin ni tatay.

"Jaaaanne! Maghulos dili ka.. pakinggan mo ako jane. Walang orasan. Hindi yun totoo. Lahat ng yun ay kathang isip mo lang. Hindi na kita naiintindihan jane. Hindi na"

"Please. Wag mo na akong pahirapan pa jane. Nawala na ang asawa ko at baon sa utang dahil sa nangyari sayo. Oo, may responsibilidad kami sayo kasi kami na ang pangalawang pamilya mo pero jane naman. Tama na sa kahibangang gaya nito jane." Pakiusap ni tatay rene.

Tumahimik nalang ako habang umiiyak. Kahit anong paliwanag ko sa kanya ay hindi nya maintindihan. Kung panaginip man ito. Hanggang kalian kaya ako gigising sa bangongot na ito?

Makaraan ang isang araw ay bumalik na ako sa bahay. Doon na ako namalagi. Habang umalis si tatay rene upang magtrabaho, ako naman hinahanap parin ang orasang nawawala. Alam kong kinakailangan ko yun. Gusto kung maguhin ang mga pangyayari.

Basta ang naiisip ko nalang baka nga ako ang may dala ng malas sa buhay ni dustin. Masmabuti nalang na bumalik sa panahon ko kesa naman na kakagawa ako ng problema sa ibang tao.

Habang hinahanap ang orasan ay nakita ko ang nakakandadong drawer ni tatay rene. Nagbabaka sakaling nandoon ang orasan.

Binuksan ko ay nagulat ako sa aking nakita.

Basag basag at wasak na orasan ang aking nakita.

Nanlumo ako. Umiiyak. Hindi ko na halos alam kung ano ang gagawin kasi yun lang ang tanging paraan para maitama ang mga pagkakamaling nagawa ko.


Itutuloy....

BEFORE I CAME BACK (Completed)Where stories live. Discover now