PART XIII - STRANGER AGAIN

32 0 0
                                    

PART XIII - STRANGER AGAIN

by: Edcel O. Dela Cruz

Minabuti kong pumunta sa skul ng maaga upang makita si dustin..

Habang papalapit sa paaralan ay halos hindi ko na matandaan ang bawat imahe nga unibersidad. May kung anong naiiba s aking pagtingin. May mga gusaling wala naman dito noon at may mga bagong gusaling bagong kagagawa palang.

Nang papalapit na ay nakita ko na ang library. Halos sa kalumaan ng library ay di ko na mamukhaan ang kabuuang desinyo nito. Pinili kong doon sa malaking punong kahoy maghintay para sa kanya. makaraan ang ilang minuto ay nakita ko nga sya na papunta din sa parehong punong kahoy na inuupuan ko..

"Hi miss.. ang aga ahh" sabi nya.

bigla akong natahimik at di nakaimik dahil sa pagkatitig ni dustin sa akin...

"Oo nga, maaga rin kasi first subject ko.. kumusta ka na?"

mali. alam kong mali ang pagkakasabi ko.. dala nadin siguro ng pagkasabik na makita sya kaya ko nasabi un.

"hmmmmm. okay lang naman ako. magkakakilala ba tayo?" pagtatakang tanong nya.

"Kilala kita.. ako pala si Elisha Jane. alam kong hindi mo na ako nakikilala."..

gusto ko syang yakapin. gusto ko syang lapitan at kausapin pero di ko alam kung saan ako magsisimula..

kung paano ko maipapaliwanag sa kanya ang mga pangyayari...

(Malamang, dala nadin sa pagtataka nya, ngiti at kamot sa ulo nalang ang naitugon nya sa akin sabay sabing..)

"Ganun ba, pasesya ka na jane.. meju malilimutin kasi ako.."

nginitian ko sya habang medyo naluluha ang aking mga mata...

medyo pagkataka ang nakita ko sa mukha ni dustin. malamang sa malamang.. iniisip nya kung sino ako.

"mauna ako. nice to meet you jane." paalam nya.

"cge dustin. ingat. see you when I see you." naitugon ko..

Di pareho ng nakaraan mas minabuti kong magenroll sa kursong business administration para nadin mabantayan ko ng mabuti si dustin.

Pumunta ako sa College of Business Ad upang hanapin ang section ko..

"Miss, Business ad ka din?"

"ahh oo. ikaw ba?" tanong ko.

"oo, ano nga pangalan mo?"

"elisha jane"

"bago ka ba?" tanong nya.

"ahh oo.. accountancy kasi ako noon."

"Hi, Ako pala si Jeric. Nice to meet you. Ohh miss eto pala ung pangalan mo ohh"..

"kung siniswerte nga naman ohh.. magkaklase talaga kami ni dustin"..

Maya maya nung papasok na kami sa unang subject namin ay wala parin si dustin.

"Good morning class. so now, I would like to introduce to all of you, This beautiful young woman. si Elisha jane."pakilala ni prof.

"so, ms. elisha, san ka nga nanggaling?" tanong ni prof

"ahhmm. dito na po ako nagskul pero ibang kurso nga lang."

"okay, I hope you'll learn to love this course then."

makaraan ang ilang minuto discuss na si prof at bigla nalang napalingon sa pinto at sinabing.

"Good morning Mr. Santos!"

"Ohh mr. santos. you're late on the first day of class.."

"Im sorry sir, di na mauulit."

"Please sit down."...

Umupo si dustin sa tabi ng upuan ko..

"ohh. miss jane.. magkaklase pala tayo." sabay ngiti.

"oo, what a small university."

matapos ang klase ay niyaya ako ni dustin na kumain sa canteen..

"Alam mo jane, parang nakita na kita noon. di ko lang matandaan."

"talaga? hmmm. baka dito lang din."

Gustohin ko man sabihin at ipaliwanag sa kanya ay di ko pa kaya.. Maniniwala kaya sya sa sasabihin ko?..

Itutuloy...

BEFORE I CAME BACK (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें