Book 7: Kurt Lawrence Bautista

762 8 0
                                    

“Hi, Kurt!”

“Hi, Lawrence!”

“Hi, girls!”

Hindi naman talaga mahilig si Kurt Lawrence magpacute, pero kapag girls na ang nagpacute sa kanya, bigla na lang siya talaga siyang nagiging pacute. Though, alam niyang gwapo naman talaga siya.

“Can I give you a hug?”

“How about a kiss?”

“No, no, no.” Nakangiting tanggi niya sa mga ito.

Nabusangot ang mga mukha ng mga babaeng nagpapacute rito sa sinabi niya walang magawa kung hindi ang makita diretso-diretsong naglakad ito papalayo.

‘Yan si Kurt Lawrence. Kahit ano pang pacute ang gagawin mo, patulan ka man niya, mga 7% lang.

At least naman daw, hindi snob.

“Kurt, pare!”

“Ano?”

“Late ka.” Seryosong saad ng isa sa mga teammate niya.

“Remember our deal? Ikaw pa mismong nagsabi ng bagay na ‘yon.”

Napamura na lang sa isipan si Kurt ng maaalala kung anong sinasabi ng mga kasamahan niya sa grupo. Ang malelate ang siyang manlilibre ng pagkain nila, lunch, meryanda at dinner. Madalas kasi silang abutin ng gabi kakapractice.

“Oo na, oo na.” Napilitan niyang sabi.

“Yes naman, boss.”

Boss. That’s what they call him. Dahil feeling niya, siya ang boss.

“Magpractice na ulit kayo, dali na. Dali na.”

Ang lider-lideran ng grupo. He almost all knows the techniques. Though, hindi siya ang madalas makipaglaro, pikunin din kasi.

“Anong ginagawa mo rito?”

Nakatayo si Kurt sa harap ng pinto kung saan ang school newspaper organization nagtatatrabaho.

“It’s already late.”

“Oh, ngayon.”

Walang sasabing pumasok ito at saka kinuha ang mga gamit ng kausap. Pinaalam ni Kurt sa kasama nito sa loob na nagulat pa yata sa pagdating niya dahil wala itong sinabi at walang nagawa kung hindi ang tumango na lang. Saka hinala ang kanina lang ay pinagsasabihan niya.

“Ano ba?! Bitawan mo ako.”

“Pinaki-usapan kita kanina, hanggang 5 o 6 ka lang dito. It’s already 8. Ano pang ginagawa mo dito?”

“Bitawan mo ako.” Pinipilit nitong kalasin ang pulsuhan mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Kurt. “Bitawan mo ako, sabi. Masakit na. Ano ba?”

Wala pang isang segundo ay binitawan na ni Kurt ang kamay nito. At makikita ang pag-aalala sa mukha. “Masakit ba? Sorry.”

He might be bossy at times. Pero sa kanya, kung sinuman siya, nagiging mahina siya.

Kahit pa sabihin niya alam niya lahat ng moves at techniques sa tennis, madadaan niya kaya sa lahat ng iyon sa kanya, kung sinuman siya.

_______

Author's note:

Siya po si Kurt Lawrence. Wala, pampitong libro by @sumuko. :)

Tennis MenaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon