Book 4: Mike Caleb Figueroa

78 5 0
                                    

“Bakit ba antagal mo diyan, Ma?”

“Bakit ka ba panay reklamo?”

“Kasi, antagal na din talaga.” Tiningnan nito ang relong-pambisig. “Oh, halos tatlumpong-minuto ka nang nag-aayos, Ma. Malelate na tayo.”

“Hindi ‘yan.”

“Okay. Bilisan mo, Ma.”

Si Mike Caleb Figueroa. Madaling mabored. Madaling mawala ng pasensya. Kahit pa sabihin patience is a virtue. Minsan, nakakapagtakang nakakakuha siya ng matataas na grado.

“Maglaro ka nga nang maayos. Bawal ang lampa.”

“Excuse me…”

“Papasok ka ng varsity, right? Then, just do what I say.”

“Pero…”

“I love tennis. As well as this team. At hindi ko hahayaang mabihiran ng kahihiyan ang team ko na kinalakhan ko kung ipapasok kita rito sa team na ‘to.”

Mahal niya ang tennis. Sobra.

At hindi niya hahayaan, kahit anong mangyari, na bumaba ang estado ng team nila sa pakikipaglaro. At isang pagkakamali lang, humanda ka na sa kanya. Oo, ganoon niya kamahal ang larong ito.

“Hindi ka na naman namamansin.”

“Sorry, Caleb. Busy lang talaga. I’ll make it up to you, alright? I promise.”

“Just do it. Please.”

“Alright. And I have to go. Ingat ka lagi, alright? Chill lang sa practice at sa play. I miss you.”

“Oh, sige. Ikaw din. Ingat.” I miss you. Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya sa kanyang kababata dahil ang sumunod na niyang narinig ay busy tone.

Sweet si Caleb. Mas lalo na sa kanya, sa kanya at sa kanya lang. Wala ng iba.

Pero bakit ganoon?! Pag tinatanong siya nitong pabiro, laging tennis lang nito ang sinasagot na mahal niya.

Bakit nawawala ang tapang at tigas niya?

_____

Author's Note:

Siya... Siya ang pang-apat na libro. Librong gagawin ni @sumuko. XD 

Tennis MenaceWhere stories live. Discover now