Book 2: Jared Josh Sabariaga

98 5 0
                                    

“Anong oras ka darating dito, Jared?”

“By eight, nandito na ako.”

“Makakapag-review ka pa ba after?”

“Yes, ‘My. Tsaka, nakapagbasa naman na ako, e.”

‘Yan si Jared. Maayos ang buhay. Sobra.

Kumpara sa kapatid niya… Walang laban ito sa kanya.

And many people love him for being that.

“Ayoko ng magpractice, Jared.”

“Gutom ka na naman ba, James?”

“Yes.”

“Ano ba?! Lagi na lang bang ganyan? Seryosohin mo naman ang tennis, oh.”

Si Jared ang masasabing seryoso sa paglalaro ng tennis sa Sabariaga twins. Ewan ba, parang gusto niya, basta patungkol sa tennis kahit pa practice lang, dapat seryoso.

Mahusay kasi talaga siyang player. At doon talaga siya nakilala. Hindi katulad ng sa paraan ng kapatid niya.

Madali din siyang magalit. Basta tennis pa rin ang usapan.

“I hate that guy.”

“Who?”

Nanlaki ang mata ng babaeng binulungan niya malapit sa tenga dahil sa biglang pagsulpot niya. “Anong ginagawa mo dito?”

“Sinusundan ka.”

“Bakit?”

“Well, sinira mo ang binigay kong teddy bear with flowers sa’yo.” Tiningnan niya ito. “Did I do something wrong?”

Nagiging mahina sa tuwina si Jared sa isang babae. Isang babaeng minsan isiniwalat ang pagka-ayaw sa kanya.

Magulo ba? Ugali yata ng kakambal nito ‘yon.

Pero, buhay ‘yan ni Jared. “Buhay pag-ibig” pala. Hihi.

_____

Author's Note:

This will be the second book. It will be by @sumuko. :)

Tennis MenaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon