Episode 2 Aklat ng Salamanca

7.5K 184 51
                                    

Episode 2 Aklat ng Salamanca

‘Ang hirap namna nito..’ ilang minutes nang nakatitig si Kath sa test paper niya pero hindi nya pa rin alam ang isasagot. Bakit naman kasi unang araw pa lang may evaluation exam na kaagad sila at sa MATH pa na waterloo nya.

Tumingin tingin si Kath sa paligid at nakitang nangangalahati na halos ang mga kaklase niya sa pagsagot. Lalo siyang nahiya at kinabahan…mukhang first day of school mapapahiya na sya. That won’t be a good start.

Nagfocus si Kath sa papel habang ikinaklaro ang isip nya. Kailanga niya ang kakambal na si Julia.

‘Julia! Tulungan mo ko wala akong masagot sa math!’ Sigaw ng isip ni Kath.

“argh!” malakas na napagigil sa inis si Julia nang makarting sa kanya ang mensahe ng isip ni Kath.

Napatingin sa kanya ang mga kasama dahil nasa bar si Julia at naggoo-good time sila ng mga barkada.

‘Kath nasa bar ako anu ba?!’ asar na sagot ng isip niya sa kakambal.

‘I can’t do this please naman…’ pakiusap ni Kathryn sa pamamagitan ng isip.

“Julia are you okay?” naramdamn ni Julia na tinapik siya ng isa sa barkada niya nang napansin nila na natahimik siya.

“Ahm… yes.. wait, i need to go to the wash room.” Nagpaalam si Julia at dumeretso sa CR para dun mas makapagconcetrate at makausap si Kath. Alam niya pamaya-maya manghihina sila parehas dahil sa paggamit ng kapangyarihan.

‘Okay sige bilis na!’ kahit naiinis, hindi matitiis ni Julia ang kakambal niya. Pumikit siya at unti-unting nagliwanag sa isip niya ang tinitignan ni Kath. Navisualize niya ang test paper at nagsimulang ipasok sa isip ni Kath ang tamang sagot para maisulat ito ng kakambal.

After 30 minutes, natapos ni Julia at Kath ang exam pero parehas din silang nanghihina.

Pagkatapos na pagkatapos ng class ni Kath tumawag agad ito sa kakambal para icheck kung ok lang ito.

“kath next tym hindi natin pwedeng gawin yung ganon palagi.. sobrang layo natin nakakapagod kaya…baka mamaya kung anu pang mangyari satin niya eh alam mo naman  hindi pa natin masyadong kabisado pano gamitin kapagnyarihan natin!” parang nanay na nagsesermon si Julia sa kbilang linya habang  papasok sa gate ng bahay nila sa America.

“Sorry na… ayoko lang mapahiya sa unang araw dito. Mukha pa naman matatalino mga tao dito…” napatingin ulit sa paligid si Kath habang naglalakad sa corridor, kausap sa cellphone ang kapatid.

Papaliko na siya sa kaliwa nang mabunggo sya ng isang lalaki. Pagtingin niya, si Daniel, yung nakasalubong din niya kanina.

“Ikaw nanaman?! Mahilig ka talagang mambunggo ng bagong students noh?” inis na sita  ni Kath. Nawala sa loob niya na nadidinig siya ni Julia sa kabilang linya.

“Uy…. Miss beautiful.. kumusta! We meet again!” pang-aasar naman ang ginanti ni DJ sa nakabangga.

Samantala, sa kabilang linya, narinig ni Julia na may kausap ang kakambal pero nawirduhan siya sa narinig nang magsalita ang kausap nito. Parang may mga kasama pa itong iba na sabay sabay na nagsasalita pero iisa lang ang sinasabi.

‘Tulong…. Tulungan nyo kami…. Tulong….’ Boses ng mga babae na parang pinahihirapan..ang iba parang umiiyak pa…yan ang naririnig ni Julia sa kabilang linya bukod sa pagsasalita ng kakambal niya.

“Kath ano bang nangyayari jan bakit parang ang daming tao?” tanong ni Julia na mejo pinaninindigan ng balahibo sa naririnig niya. Nakakakilabot na iyak ng mga babae na kung iaassess niya sa boses mg aka-age lang nila.

The Twins of Monte Cristo [KathNiel JulNiel JulKath]Where stories live. Discover now